Nuff Said

Bakit Nga Ba Ako Nagbo-blog?

Natanong ko na din ang sarili ko sa makailang ulit kung bakit ako nabo-blog. Sa totoo lang hindi rin ako sigurado kung saan nagsimula ang interest ko sa pagsusulat. Hindi naman ako ipinanganak na magaling magsulat at wala din kaming dugong manunulat sa nananalaytay sa aming angkan. Hindi ako mahilig magsulat at wala ding hilig ang pagsusulat sa akin.

Pero bakit ako andito ngayon at bakit mo nababasa ang blog na to??

Kailan nga ba ako nagkaroon ng interes dito?

Iniisip ko kung sino ang may kasalanan kung bakit adik ako sa pagbo-blog kahit na wala naman akong kinikita dito, hindi gaya ng iba na limpak-limpak na salapi na ang pumapasok sa kanilang kaban dahil lamang sa pagamit ng internet at kanilang imahenasyon at utak.

Aha! doon nagsimula ang gusto ko sa blogging. May isang tao akong nakilala na itago na lang natin sya sa ilalim ng mesa para di makilala. May pagka mahiyaan kasi ang taong ito. Naibahagi nya sa akin na nung nag blog sya ay kumita sya ng malaki. Kaya dahil sa madali akong naniwala at isang uto-uto, ayun! nagkakandarapa sa pagsusulat. Kaya nakaupo ako ngayon at may naisulat dahil gusto ko din kumita ng pera. #MukhaAkongPera

Hindi pala madali. Ang hirap! lalo na kung wala kang maisip na isulat at maibahagi. 


Dahil dyan napagtanto ko na ang pagboblog ay nangangailangan ng talento. Kailangan malawak ang iyong isipan at imahenasyon. Kailangan maging mapangahas at mapanuri, mapagmatyag! Matang Lawin! Kuya Kim?

Minsan may mga panahon na wala talagang akong maisulat. Siguro dahil sa kulang lang ng inspirasyon. Kaya minsan ang ginagawa ko eh nagbabasa ako ng ibang blog para ma inspired ako sa pagsusulat. Minsan naman ang dami kong gustong ibahagi at isulat kaya pag dumating sa puntong iyon, sulat lang ng sulat hanggang sa labasan, i mean hanggang sa mailabas ko ang naghihimutok na ideya na nasa loob ng aking isipan. Sabi nga nila, strike while the iron is hot. 

On a serious note, Blog lang ng blog. Mag nagbabasa man o wala. Ang mahalaga ay nailabas mo ang nilalaman ng puso at isipan mo. Ang mga mambabasa ay darating din yan sa tamang panahon. Wag magmadali. Kailangan lang ng pasensya at tiwala sa sarili at kapal ng mukha. Alam na!

My Mom, The Best!

May ibat-ibang kwento tayo pagdating sa ating mga magulang, lalong lalo na sa ating mga Ina. Ako, pagdating sa Mama ko, emotional akong tao. Dahil na rin sa siguro pagsisikap nila ng Papa ko kaya siguro gagawin ko ang lahat para sa kanila. Noong bata pa ako, nakita ko yung didikasyon ni Mama at ni Papa para lang mabigyan kami ng maayos na buhay na magkakapatid. Akalain mo yun si Mama, napagsabay niya ang pag-aaral sa college sa gabi at sa umaga naman ay nagluluto at nagtitinda ng bibingka para lang may maipakain sa amin. Kaya ako, kaya kung maghirap at magsumikap mabigyan lang sila ng maayos na buhay. Hindi pa man siguro ngayon, pero alam nila na nagsusumikap ako para sa aming lahat. 

I am a proud son to my parents. At alam ko proud din sila sa akin. Pero mas proud talaga ako sa Mama ko. Marahil hindi niyo pa alam, eh kapag kasama ko ang Mama at Papa ko para lang kaming magbabarkada niyan. Mag kasing tangkad lang kami ng Mama ko kaya kapag magkasama kami eh akala ng ibang tao magkapatid kami. 

Proud ako sa Mama ko sa maraming dahilan. Isa siya sa mga avid fan ko. Alam niyo ba na lahat ng ginagawa ko sa buhay, suportado niya. kahit sa pagboblog ko eh suportado niya. Kaya nga nitong taon ng Saranggola Blog Awards ay sumali ako sa category ng PhotoBlog eh siya ang pinakamadaming na i-share sa facebook para lang ma LIKE lang ang picture ko. Akalain mo ba naman buong eskwelahan nila pinag share-ran niya nung page na yun para lang dumami likes ko. Mukhang siya ang makakatanggap ng Stage Mom Awards sa Kalabasa Award... Kung meron mang ganun sa SBA. Nyahaha... 
Kaya kung ikaw hindi pa nag LIKE, heto ang LINK. Promote!!!

Mom, Thanks a lot!!!

Sabi ko nga yung Mama ko the best yan, hindi lang siya simpleng Nanay. Kung baga pa siya ay isang Tanging Ina. Kung si Ai-Ai sa pelikula ay ginawa ang lahat para sa mga anak niya. Ang Mama ko naman ay ganun din. Gusto niyo ng pruweba?
Pero bago ang lahat, nais ko sanang sabihin sa Mama ko na MAHAL NA MAHAL KITA. Hindi po ito panlalaglag sa tinatago mong talento kundi pagiging PROUD po ang tawag dito. Ibig sabihin nun kahit ano pa yang secret talents mo, ehh kitang kita namin na magaling ka talaga. Kaya, I LOVE YOU ng marami. At sana di ka magagalit sa mga ebidensyang nakalap ko. Hahaha...Mas talented ako kasi nahanap ko ang mga ito. Hahaha..
Exhibit A. Alam niyo ba na noong kabataan pa ng Nanay ko eh, pang Miss Universe ang katawan niya. Hinahanap ko yung larawan niya na sobrang payat at ang haba ng mga legs niya kaso di ko na makita. Pero sa mga kuha niya sa larawan ngayon ay kitang kita ang kanyang pagiging Beauty Queen.

Ebidensya #1
Exhibit B. Kapag walang pasok at hindi nagtuturo ang Mama ko sa paaralan, dancing naman ang tinuturo niya. Hahaha, joke lang! Pero isang magaling na dancer ang Mama ko. Kahit anong sayaw pa yan ginagawa niya for the sake of art. Siguro nakuha ko sa kanya ang galing sa pagsasayaw. Tingnan mo naman sa pose pa lang eh ready to make a move na. I love you Mama!

Ebidensiya #2


 Exhibit C. Olympic Swimmer din siya. Tingnan mo naman ang ebidensya na picture sa baba.. Ready na ready at kapag naumpisahan nang tumalon...Go!

Ebidensiya # 3

 Exhibit D. At higit sa lahat, Basketball Player ang Mama ko. Hindi niyo akalain no na sa payat niyang yan eh kayang niyang makipag sabayan kina Lebron at Kobe Bryant. Tingnan niyo naman sa position pa lang ehh panalo na. Galing diba?

Ebidensiya #4

Siguro ganun talaga pag guro ka noh, very flexible at very talented. Kitang kita naman sa Mama ko diba. Magaling na guro, mahusay na swimmer, basketball player at model at kung ano ano pa. Pero kahit may ibang career ang Mama ko eh, hindi pa rin talaga nawawala yung pinaka the best niyang role, ang maging mabuting Ina sa amin. Kaya kahit na ano pa din ang gagawin niya sa buhay susuportahan ko din siya gaya na lang nang pag suporta niya sa career ko. Wala na akong mahihiling pa kundi good health at sana wag mo pabayaan sarili mo. Hindi po birthday nang Mama ko kaya ko ginawa ang post na ito. Sadyang tuwang tuwa lang po talaga ako sa kanya at PROUD NA PROUD nga ako sa kanya..... Kulit!!!


ISANG MALAKING I LOVE YOU MOM!

Ang Tunay Na Lalaki, Nanunuod ng Music Video ni Stefani Joanne Angelina Germanotta

Ang larawang kupas ay hiram lamang kay Pareng Google
Masayang sumakay sa jeep. Halos buong buhay ko ay jeep ang transportasyong sinasakyan ko papuntang opisina. Marami akong nakakasalamula. Ibat-ibang tao at pangyayari na din ang aking nasaksihan sa palagiang pasakay ko ng pambansang transportasyon ng Pilipinas.

Kanina lang, natuwa naman ako na nasakyan kung jeep/dyip dahil sa loob nito ay may maliit na monitor na konektado sa speakers na nasa ilalim ng upuan. So malayo pa lang ay naririnig mo na ang malakas na tugtog ng musika sa loob nito. Mistulang disco bar ang tugtog ng sasakyan. 

Unang video na pinalabas ay ang Music Video ni Britney Spears na Criminal. Natuwa naman ako sa nasakyan ko dahil na rin sa nakakawala ng kaba ang aura sa loob ng sasakyan. Kung di niyo pa alam ay takot na akong mag commute dahil na rin sa nangyari sa akin noong mga nakaraang buwan. Sa di pa nakakaalam kung ano yung. Maaring basahin ang pangyayari dito --> dahil gusto mo talagang malaman ang nangyari noong mga nakaraan buwan!

So yun alam niyo na marahil kung bakit takot ako sumakay ng jeep. Wala lang talaga akong choice kasi di pa naman ako milyonaryo para makabili ng helicopter para gamitin ko papasok sa opisina. Pero malapit na yun. Humanda! Hehe.

Mabalik tayo sa usapang jeep. 

Matapos ang nakakaaliw na performance ni Britney at pinatay ni Manong Driver ang musika sa pagaakala kong naiingayan na din siya sa wakas. Nagulat ako ng bigla tumugtog ang mga linyang "Rah, rah, ah, ah ,ah Roma, Roma, ma, ma".. Caught in a bad breath romance. So yun nga, si Stefani Joanne Angelina Germanotta o mas kilala sa pangalang Lady Gaga ang tugtog ni Kuya.

Akalain mo yun na mga nasa edad 40, brusko, and take note yung asawa niya nasa tabi niya, tulog na tulog at yung anak nila na nasa likuran lang nakaupo, tulog din. Hanep sa family bonding ang mga toh. Sabagay 'The family that rides together, ay pagod." Kaya tulog na tulog ang mag ina niya. 

Matapos ang Bad Romance na nakaka disturb aliw, ay pinorward ni kuya ang music. Akala ko ayaw na niya kay Lady Gaga, yun pala gusto niya pakinggan at mapanuod ang video na.... Tengteneneng.... Alejandro!!! At matapos yan ay sumunod si Hudas. Alam niyo na kung anong kanta na yan.

Ang saya lang talaga nang byahe ko sa gabing ito. Pero may mga narealize din ako:
  • Ang tunay na lalaki, nakikinig din kay Lady Gaga.
  • Ang pampatulog sa mag ina ni kuya ay ang mga musika ni Lady Gaga.
  • Ginusto ni Kuya panoorin ang mga sayaw ni Lady Gaga in preparation for their Christmas Party. Para sa presentation niya sa kanilang Jeepney Association 2012 Year End party
  • Di kaya may lihim na kalambutan si kuya at gusto niya ang aura at fashion style ni Lady Gaga. Isipin mo habang nagmamaneho siya suot niya ang costume ni Lady Gaga sa video na Bad Romance, All in white and so pure. 
  • Masaya ang may musika sa jeep lalo na pag masyado ng gabi. Nakakawala ng antok at kaba. 
  • Masaya ang aura ng ibang pasahero. May libreng panuod na, umiindak at umiindayog pa sa musika. 
  • At dahil sa puro Lady Gaga na lang ang tugtog, ayun, na LSS na ako sa Alejandro.
  • Mahilig talaga tayong mga Pinoy sa musika kaya kahit sa jeep/dyip at kinakabitan pa natin ng kung anong anek-anek para lang may mapakinggan tayo.
Sana masakyan ko uli ang jeep na yun at favor kay kuya pwede mag request, try natin musika ng Alon Band at ipatugtog ang peyboret song ko na Pusong Bato. Please?

What's in my Nickname?

Mahalaga sa akin ang pangalan ko. Pinangangalagaan ko ito gaya ng pag alaga ko sa sarili ko. Nagpapasalamat ako sa lolo ko na siyang nagbigay ng pangalan ko. Naalala ko may naisulat din ako tungkol sa pangalan ko dito dati. Andito ang post na yun - Whats my Name?

Alexander aang binigay na pangalan sa akin.

Kung titignan mo at i search mo sa google ang name na yan ay matutuwa ka dahil nangangahulugan ito na tagapagligtas ng mga taong naapi. Parang super hero ang dating diba? 

Kung nickname naman ang paguusapan, Sa totoo lang hindi talaga Xander ang nakalakihan kung palayaw. Ang palayaw talaga na binigay sa akin ng mga magulang at malalapit na myembro ng aking angkan ay "Andin". Isang palayaw na hindi ko alam kung saan nag ugat at nanggaling. Basta ang alam ko magkasing tunog sila ng Alex. Ngunit habang tumagal ay naging Andok, Budok, Andoken, Androkles (na palaging ginagamit ng lola ko). Ganyan siguro talaga ang language, napaka dynamic.

Dahil nga sa dynamic ang language, naisip ko na ang palayaw ko ay masyadong totoy. Naisip ko na palitan ito at hikayatin ang mga tao sa paligid ko na tawagin ako sa ibang palayaw. Lalo na nung nagsimula akong mag blog ay ginamit ko na ang palayaw na "Xander".

Ngunit yung ibang kakilala ko ay ginagamit ang spelling na "Zander" at yung iba naman ay "Xander". Sa sobrang tuwa ko ginamit ko ang "zxander" sa email ko. Kaya kung napansin niyo ang email address ko na "zxander316". Ang 316 dyan ang isang pamilyar na chapter at verse sa bible. Paborito ko kasi yan. 

Minsan, may nagtanong sa akin kung ang zxander ba daw ay ginaya ko lang sa isang name ng isang Fashing Designer. 

Sabi ko nga sa itaas pinagsama ko lang yung magkaibang spelling ng bago kong palayaw. 

Ngunit nung hinanap ko sa google ang word na zxander, laking gulat ko na isa pa itong slang word na makikita at mababasa sa www.urbandictionary.com

Ang urban dictionary ay isang web-based dictionary para sa mga slang word and phrases.

Hinanap ko din sa webster.com ang word na zxander, sa pagbabasakali na isa nga itong official word. But I failed...

Pero masaya pa din ako kasi ang word na zxander sa urban dictionary ay akmang akma naman sa personalidad ko.. Lol. 

Tingnan ang ibig sabihin nito sa larawan sa baba: 


May tinatawag pala na mocha person. Siguro yung itsurang kape to. Hahaha..

Nakakaliw naman diba?

Ikaw? Na try mo na din ba tignan ang palayaw mo sa world wide web?


Ano Ang Ibig Sabihin Ng Ating Panaginip?

Larawan kuha sa Palawan

Noong nakaraang weekend, tulog lang ang ginawa ko. Mahigit 24 oras ata ang tulog ko nun. Bumabangon lang kapag nakaramdam ng gutom at matutulog na naman kapag dinalaw ng katamaran at antok. Minsan bumabangon na lang ako na pagod at umiiyak. Karaniwan na sa akin ang ganung eksena. Minsan naman ay humihingal ako dahil sa masamang panaginip na kesyo hinahabol ako ng mga zombie o di kaya naman ay may humahabol sa akin at lumilipad ako pero ang baba lang ng lipad ko. 

Pero noong nakaraang weekend kakaiba ang karanasan ko. Akalain mo ba namang dalawang beses akong nanaginip sa isang tulugan. Magkasunod. Yung una nakakatakot. Yung pangalawa light lang. 

Hindi ko maintindihan kung ano nga ba talaga ang dahilan ng panaginip natin. Naalala ko noong nasa kolehiyo ako, maraming mga Psychologist ang may sariling interpretasyon sa mga panaginip natin gaya na lang ni Sigmund Frued, Carl Jung, Calvin Hall, Ann Faraday, Wallace and Jean Dalby Cliff, at marami pang iba. May mga nagsasabi din na ang panaginap ay dahilan ng sobra nating pag-aalala sa isang tao o problema kaya napapanaginipan natin ito. Meron din nagsasabi na sa sobrang busog daw ay nagkakaroon tayo ng mga masasamang panaginip, at ang malala pa dun ay ka[ag humantong sa tinatawag nating bangungot. 

Pero sa kaso ko, hindi ko naman iniisip ang mga karakter sa panaginip ko. Hindi rin naman ako natutulog ng busog. Pero ang alam ko ang panaginip na yun ay isang sinyales ng isang pangyayari sa hinaharap. Bakit? Ikukwento ko sayo ang mga napanaginipan ko.

UNA: Kasama ko raw ang mga kabarkada ko sa isang byahe papunta sa lugar na hindi naman masyadong nabanggit sa panaginip ko. Ang bawat tao sa panaginip ko ay malabo ang mga mukha nila. Hindi ko masyadong kilala kung sino sila maliban sa isa. Ang alam ko mga close friends ko sila. Yung isang kakilala ko ay kaklase ko noong highschool. Siya ang barkada ko at close ko. Habang nasa byahe kami ay nagkaroon ng isang aksidente. Malubha ang kalagayan ng mga kasama namin ngunit bigla na lang din silang nawala sa eksena. Ang naiwan na lang ay ako at ang isang kaibigan ko. Tinignan ko ang sarili ko kung may sugat ba ako o kahit ano pero wala akong makita. Paglingon ko sa kaibigan ko ay nakatayo siya sa harap ko na hawak ang isang mahabang bakal na nakatusok sa leeg niya. Duguan at nagpapadala sa ospital. Tinulungan ko siya at dinala sa ospital.

Ang alam ko, habang nanaginip ako sinasabi ko sa sarili ko na panaginip lang ang lahat at gusto kong magising dahil hindi totoo ito. Sa kabutihang palad ay panaginip nga lang. Nagising ako na umiiyak at humihingal. Nanalangin ako na sana walang masamang mangyayari sa mga kaibigan ko lalo na sa kaibigan ko na nasa panaginip ko.

Makalipas ang ilang minuto... bumalik ako sa kama para matulog ulit..

Nang makatulog ako.. isang panaginip na naman.. Kakaiba sa nauna...

PANGALAWA:  Umuwi ako sa probinsya namin, sa Davao, para kamustahin ang aking pamilya. Pagdating ko sa aming bahay ay may isang pagtitipon at salo-salo na nagaganap. Hindi ko alam kung anong kasiyahan ang  meron pero andun lahat ng mga mahahalagang tao sa pamilya namin. Pati mga kaibigan at kamag-anak namin pati na ang mga boyfriends at girlfriends ng mga pinsan at kapatid ko. Habang hinuhubad ko yung sapatos ko at ilagay sa lalagayan, may nakita akong isang box ng sapatos na bago at hindi pa nagagamit. Isang running shoes. Nagtanong ako sa Mama ko kung kanina yung sapatos  kasi gusto ko siya at gusto kong dalhin pabalik sa Manila. Sinabi niya na sa isang kaibigan ko raw ang sapatos na yun. Iniwan ng kaibigan ko nung bumisita siya sa bahay. Ang tinutukoy ng mama ko na kaibigan ko ay ang isang kaibigan na nasa Manila. Isang beses pa lang nakapunta ang kaibigan ko na yun sa probinsya namin at isang beses pa lang din siya nakilala ng pamilya ko. Napaisip ako kung bakit siya pumunta ng Davao at iwanan ang sapatos. Dinala ko ang sapatos pabalik ng Manila para isauli sa kaibigan ko. 

Nagising ako matapos ang panaginip na yun. Mataas na ang sikat ng araw pagkagising ko. 

Ilang oras ang makalipas ay iniisip ko pa din ang mga panaginip na yun. Bihira lang ako managinip na magkasunod pa. 

Nag check ako sa facebook at laking gulat ko nang makita ko ang larawan ng kaibigan ko na nasa ospital at may nakalagay na neck brace. Sobrang kinabahan ako at nanginginig sa nakita ko dahil ang kaibigan ko na yun ang nasa panaginip ko. Halos maiyak ako sa nakita ko. Kaya agad ko kinamusta ang sitwasyon niya. Sa kabutihang palad ay nasa maayos siya at ligtas naman. Nadisgrasya daw siya sa motor. 

Matapos ko makita ang larawan na yun ay naikwento ko sa kasama ko ang panaginip na yun at ang nangyari sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari sa totoo yung panaginip ko. Hindi man sakto at tama sa nangyayari sa panaginip ngunit nagpapahiwatig na posibleng paalala ito. 

Matapos ko makwento sa kaibigan ko ay bigla nyang nasabi na kailangan niya palang bumili ng running shoes dahil may sasalihan siyang Fun Run sa opisina nila. 

Ang lakas ng kaba ng dibdib ko dahil siya din yung kaibigan sa pangalawang panaginip ko. Naikwento ko sa kanya na napanaginipan ko na kailanganin niya ang sapatos para sa Fun Run. 

Amazing isn't it?

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari o pahiwatig. Pero isa lang ang alam ko. Sa unang panaginip ko siguro kailangan ko lang kamustahin ang mga kaibigan ko. Kahit pa ang mga kaibigan na yun ay nakalimutan na ako, hindi parin dahilan yun na kakalimutan ko sila dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa mga buhay nila.

Haayyy.. sana puro masasaya ang panaginip ko. Bakit kaya hindi ako managinip na sobrang yaman ko, o di kaya nanalo ako sa lotto. Para pag gising ko totoo na.. Whatchathink???

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!