Nuff Said

Pasan Mo Ang Daigdig?

Kung ang bigat ng mundo ay 5.972E24 kg at idagdag mo pa ang bigat ng mga tao na nakatira dito, mga nasa 316 million tons ang bigat ng lahat ng adults sa mundo o 633 billion pounds. 

Yung 16.5 millions tons ay mga overweight, ayun sa World Health Organization.

Ngayon, idagdag mo pa ang bigat ng yung loob dahil sa problema na sa tingin mo ay nagpapahirap sayo at dahil sa bigat ng loob mo ay dinamay mo pa ang ibang tao...

Kaya mo pa kayang pasanin ang mundo?

Well, unang-una... GINUSTO MO YAN!

Bawat isa sa atin ay may kinakaharap na problema. Ikaw, ako, kahit sinong nilalang ay may inisip at hinaharap na suliranin. Kahit pa yung asong nasa kalye ay namomroblema sa kung ano ang kakainin niya. Kaya nga siguro may asong baliw o ulol dahil sa nawalan na sila ng ulirat sa dami ng problema nila. 

NGUNIT, nasa sayo din yan kung hahayaan mo lang na pasanin mo ang daigdig na puno ng problema. Hindi ito nauubos... Pero ang pasensya at lakas ng tao kunting kunti lang...

Minsan naisip ko, simple lang naman talaga ang problema ng tao. Tayo lang talaga ang nagpapahirap sa sitwasyon. BAKIT? Kasi nagiinarte at paawa effect ka! Yung gusto natin tayo ang palaging kawawa. May mga ganung moment tayo sa buhay. Yung feeling inaapi tayo, pero ang totoo talaga niyan, paawa effect ka lang!

Lahat tayo kapag naharap sa isang problema o sitwasyon na medyo may kahirapan, gusto natin na may mga taong handang dumamay para sa atin. 

Sino ba naman ang ayaw ng may karamay diba? 

Ngunit, ikaw na may problema naisip mo din ba na ang mga taong nilalapitan mo at ginagambala mo ay pay sariling ding problemang hinaharap? Marahil alam mo yan... pero since natural na makasarili ang tao, eh wapakels ka. Basta ang sayo lang eh maramdaman mo na may karamay ka. 

Sa pagkakaibigan, kailangan ba na ang isa ang laging masusunod? Kailangan ba na ikaw ang laging pakikinggan? Kailangan ba na ikaw ang lagin umiintindi? Hindi mo ba pwede pakinggan o intindihin ang nararamdaman ng iba kaibigan mo o kapamilya o kapuso o kapatid?

Bakit ko ba sinasabi ang mga bagay na ganito?

May pinapasan ba akong daigdig?

Oo. Meron. Marami. 

Pero hindi ko hinahayaan na makagambala ako ng ibang tao para lang masolusyonan ko ang sarili kung problema. Sapat na sa akin ang maramdaman ko na andyan lang sila kapag kailangan ko na ng tenga at balikat kapag hindi ko na kaya. Ako ang klase ng tao na hinahanapan muna ng solusyon ang bawat problema na kinakaharap ko hindi yung gumagawa ako ng kahit anong klase ng kwento para lang damayan ako ng ibang tao. 

Ako ito. Magkaiba tayo. 

Minsan, kung yung taong nilalapitan mo para hingin ang balikat nito para iyakan mo... ang sagot minsan ay WALA.. o di naman kaya ay HINDI PWEDE. Ngunit hindi ibig sabihin ay baliwala ka. Hindi ibig sabihin ay wala silang pakialam. Hindi porket hindi ka nakikita ay hindi nila ramdam ang paghihirap mo. 

MINSAN KAILANGAN MO LANG DIN NG MAKIRAMDA NA MINSAN SILA DIN AY DUMARAAN SA MATINDING PROBLEMA. Be Sensitive lang.

Baka hindi mo ito ramdam dahil wala ka talagang pakialam. 

Mas magiging masaya ang mundo kung kahit problema ay tinatawanan mo. Mas magiging mapayapa ang mundo kung may pakiramdam tayo sa bawat isa. Kung hindi ka makasarili para lang sa iyong sariling kaligayahan.

Minsan ganun ako. Inaamin ko. Lahat naman tayo ay may pagkakataong maging ganun. Pwede pa magbago. Hindi pa huli ang lahat.

Mas masaya kung naiintindihan mo ang kapwa mo tao. Mas maging masaya kung sa bawat problema at pagsubok mo ay hindi mo ito pinapalaki para lang malaman mo kung may mga tao pa bang handang dumamay para sayo. 

Hindi nasusukat ang isang relasyon; pagkakaibigan o pagaasawa; sa oras na magkasama kayo dahil minsan may mga magkakaibigan o mag-asawa na araw-araw nagkikita at nagkakakasama ngunit malayo naman sa isat-isa. 

Kung may kaibigan ka, hindi mo ito palaging nilalagay sa isang pagsubok para lang malaman mo kung tapat at totoo ba sila sayo. Dahil, unang una kung naging magkaibigan kayo dapat alam mo kung sino ang tunay at tapat sayo. Kahit hindi mo sila nakikita, nararamdaman mo ang katapatan at tiwala sa kanila. 

Ngayon kung nagdududa ka, baka ikaw ang may problema at hindi sila.

Ngayon sa tingin mo, pasan mo ba ang mundo? 

Ano ang magagawa mo para maiwasan ito? 

Nasa sayo yan. Alam mo kung ano ang dapat mong gawin.

12 Best Memories of 2012


I hope I'm not yet late in posting this. Please pagbigyan niyo na ako. May ma update man lang sa blog ko.  Sobrang busy lang lately (palusot ng mga walang mailagay sa blog.)

Madami akong nababasang yeard-end post o di naman kaya ay Best Memories of 2012 bagong magtapos ang 2012 (FYI: Inumpisahan ko gawin tong post bagong mag Dec 31, 2012, pero ngayon ko lang natapos. Senyales ng katamaran).

So gagaya lang ako pero gagawin ko lang itong Best 12 Memories ko sa 2012. Hindi naman sa 12 lang yung maalala kong mga pangyayari sa buhay ko kundi, BEST 12 ito... yung mga may impakto lang sa buhay ko ang ilalagay ko. 

Marami akong dapat ipagpasalamat sa mga nangyari sa buhay ko, sa career, sa lovelife, sa business sa nagdaang 2012. Nagpapasalamat ako sa lahat ng naging bahagi ng 2012 ko. You made my 2012 worth remembering... #ParangNamayapaLang. Salamat din sa lahat ng sponsors and sa Movie and TV projects. Thank you Star Cinema for the movie lineup.. Wish for more projects this 2013. Lol (Artista? Pwe!)

Sa lahat ng naging kaibigan ko...Pasalamat kayo at nakilala niyo ako. Lol.

Sa mga may ayaw sa akin... pasalamat kayo ayaw ko din sa inyo.

Sa mga may galit sa akin... I pray for your soul.

Sa mga naiinggit sa akin... Sana mas mainggit kayo lalo.. Lol..

Okay... kung may 12 days of Christmas at  may movie na12 Monkeys, at matatapos daw ang mundo sa 2012 (na hindi naman nagkatotoo), meron din akong 12 Best Memories of 2012 (wee.. ano ngayon?).

Heto yun oh!:
  • Muling pagdaloy ng dugo sa aking suso puso (literal toh!)... Alam na! Cheers to a thousand years and forever with you (naks! may masabi lang). Heto talaga yung una sa listahan noh? Opening Salvo to kasi ng 2012 ko. Nyahahaha.
  • First travel outside the country - Thailand. First time lumabas ng Pilipinas at makapag ikot sa bansang Thailand kasama ang dalawa sa matalik kong kaibigan. Medyo may hindi magandang karanasan na nangyari sa Thailand ngunit naging masaya pa din ang trip na ito. Sana maulit muli.
  • Its more fun in the Philippines talaga. Maraming lugar din akong napuntahan dito sa Pilipinas sa taong ito, andyan ang Underground River sa Puerto Princesa sa Palawan. Napuntahan ko rin ang Boracay. Ang tatlong beses na gala sa Vigan at Ilocos pati na rin sa Baguio. Gumala din ako sa Bataan, Corregidor, at sa Caliraya, Laguna. T'was a great experience worth keeping and remembering. Cheers to more trip and travel with you Ron, Rema, Allan and Joseph. Indeed a year of travel and trips. Wish for more FREE travel this 2013. Sana this year, outside the country naman. (Please Lord, hear my prayers).
  • First family trip and outing at Pearl Farm last April 2012. Kasama ang buong pamilya ang malalapit na kaibigan. Salamat sa ligayang pinagkaloob sa buong pamilya. Hinding hindi ko ito makakalimutan. The best memory ever!
  • Nag resign for the nth time sa company na pinakamamahal. Ganun nga talaga siguro, hindi lang relasyon ang kailangan matapos. May mga bagay din na kailangan mong tapusin para na rin sa ikauunlad mo. Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan... Ngayon ko lang nalaman kung ano yung dahilan kung bakit napadalas ang pag resign ko sa kumpanya. Alam mo yun, greener pasture hinahanap mo ang sarili mo, yung masaya ka sa ginagawa mo kahit mahirap, yung hindi mo alintana ang pagod at stress dahil masaya ka sa trabaho mo (#mapagpanggap), yung masaya ka sa mga kasama mo at malam mong handa kang tulungan sa lahat ng oras at panahon (wee?). Seriously, I am happy and contented sa work ko (for now.. di ko kasi alam hanggan saan at kailan. Alam mo na! Hindi kontento ang tao sa isang bagay lang).
  • Got a new job that I like and love (Echus lang toh!). Im glad to meet and found good and wonderful people on this side of the planet. Amazing kulitan and asaran with The Kontrabidas (Alam niyo na kung sino kayo).  Thanks for accepting me for who I am and thank you for the friendship and camaraderie. To Akhey, Van and Yubi, Cheers to a great year of pang-bubully and pang-aapi (joke!).
  • Bestfriend's Wedding. Isang biglaan at masayang kasalan na naganap last August. Congratulations and cheers to a wonderful married life. 
  • Isa sa pinaka di ko makakalimutan sa taong 2012 ay ang magpalaboy-laboy sa Thailand. Chinese New Year 2012 sa Thailand noon nang yayain ng kaibiga mamasyal sa Thailand. Bago mag Chinese New year ay nagkaroon ng alitan at tampuhan kaming magkakaibigan na dahilan ng pamamasyal namin na solo sa Thailand. Nagpalakad lakad sa Chinatown at tinikman ang lahat ng klase ng pagkaing kalye sa Thailand. Wala akong alam kung san ako dalhin ng paa ko, hindi rin naman ako takot sa kung anong mangyari sa akin. kampante ako na safe ako at walang masamang magaganap. Kaso nga lang kinabahan ako bigla nang tinawag ako ng grupo ng mga foreigners (puro lalaki) at tinanong kung pwede ko ba daw sila samahan sa lugar na may maraming bars na puro pokpok (naisip ko kung ang itsura ko ba nun ay bouncer o callboy). Sabi ko na hindi ako taga Thailand at foreigner din ako (Nakks!!). Kaya niyaya na lang nila ako maginuman. Syempre di ako sumama, baga ma gang rape pa ako. Syet! Hahaha.
  • Ma hold up at makuha ang importante at mahalagang bagay sa buhay ko --- ang aking puri.. Lol.. Joke! Isang di malilimutang pangyayari na nagbigay sa akin ng isang magandang mensahe. Huwag pangarapin ang bagay na masyadong mahal dahil mawawala din ang mga ito (mapupunta din sa mga magnanakaw at mga taong halang ang kaluluwa, abdo, atay, puso, balon-balonan). Maging masaya at kontento sa kung anong meron ka.
  • Launched my photblog-blogan. Wala lang!... Dapat ba talaga isama to sa Best memories ko to o wala lang talaga akong maisip na iba pang best memories. Hahaha. Basta best ko to! Walang pakialamanan. Lol
  • Maging bahagi ng First Philippine Instagram Photo Exhibit. Isang masaya at di malilimutang karanasan sa taong ito. Salamat sa pagkakataon @igersmanila @globeigers @iCoss na inyong ibinigay. Sa mga bagong kaibigan na nakilala sa Instagram at naging kaibigan sa totoong buhay. Salamat sa inyo. sa oBESe family, Bollard Friends at Igermanila, Salamat! Sa uulitin. (Yung canvas ko di ko pa pala nakukuha... hehe)
  • Charity work: Cribs Foundation Visitation and gift giving. Bago matapos ang 2012 ay naisipin ko at ng dalawa kong ka teammates na mag participate sa company activity namin sa Cribs Foundation. Talagang masayang makakita ng mga batang nakangiti dahil sa munti mong regalo na handog at dala para sa kanila. Sana this year, mas marami pa akong matulungan.
So ayun lang naman. Looking forward for my 13 Best memories this 2013. Cheers everyone!!!

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!