Nuff Said

Taken

CHAPTER 1 ---  STRANDED




Saksi ako kung pano nangyari ang lahat, kung pano mawalan, at kung paano kunin ang lahat sa akin.

Nagtatago kami nuon sa kwarto sa pagitan ng kisame at ng bubungan. Biglang nagutom si Mama kaya nag desisyon siyang bumaba at pumunta sa kusina. Sa oras na iyon ay ubos na rin ang nakaimbak naming pagkain. Pinigilan ko siya kaso sabi niya hindi niya na kayang tiisin ang kalam ng kanyang sikmura. Karga ko pa si bunso noon, tatlong taong gulang pa lang siya. Ang sabi ni Mama, para din makakain na si bunso at nagugutom na din kaya kailangan niyang bumaba. Ubos na ang nakaimbak na pagkain namin sa pinagtataguan namin kaya kailangan na niyang pumuslit ng pagkain sa kusina. Naalala ko dati noong nasa ayos pa ang mundo palaging may tinatagong pagkain si Mama at si Papa para daw sakaling magkaubusan ay may makakain kami. Heto na ang panahon na yun. Sagana sa pagkain ang aming bahay. Hindi gaya ngayon, salat sa pagkain at maiinom. 

Dahan-dahang bumaba si Mama sa hagdan. Alam ko dilikado pero kailangan. Naglalaro sa isip ko paano kung may mga Taong Gala na nagaabang sa kanya sa baba. Pano kung may makarinig sa kanya? Pano na lang. Ano ang gagawin ko? Pano kung makuha siya at gawing pagkain ng mga Taong Gala.

Taong Gala? Oo, yan ang tawag ko sa kanila. Palakad lakad lang ng walang papupuntahan at patutunguhan. Gumagala. Tahimik na naglalakad. Akala mo deadma lang sila. Pero dead naman talaga sila, akala mo wala silang pakialam pero kapag malapit ka na at nakaamoy sila ng sariwang laman sasakmalin ka at gawing hapunan. 

Pinigilan ko si Mama. Sabi ko, ako na lang ang bababa. Mas mabilis ako sa kanya tumakbo. Okay na din siguro kung ako ang kukunin kesa si Mama. Hindi ko kaya mawala siya sa buhay ko. Mahal ko si Mama at ang kapatid ko. Pero wala siyang imik. Tahimik lang siyang sumisilip sa maliit na butas at pinagmamasdan kung may Gala bang nasa paligid lang. Wala. Tahimik ang ibabang parte ng bahay namin.

Dahan-dahang binuksan ni Mama ang pinto. Walang kahit na anong ingay ang maririnig mula sa kanya. Kahit ang paghinga niya ay bilang at hindi makabasag pingan. Wala akong kibo. Niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko at siniguradong hindi siya magising sa pagkakatulog. Lumingon si Mama. Ngumiti. Pilit kung tinitigan siya sa mata ngunit nanlabo ang paningin ko. Natatakpan na nang namumuong luha ngunit pilit kung tinitigan ang maaliwalas na mukha ni mama at ang labi niyang pilit na binubulong ang salitang... 

"Mahal na mahal ko kayo"

Pinahid ko ang aking luha. Pinigilan ang pagiyak. Tahimik na sinara ni Mama ang pinto. Naghintay ako ng ilang minuto. Limang minuto... Anim... Pito... Walong minuto.. Sampung minuto... Wala pa si Mama. Kinabahan ako. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko. Tumayo ako at dahan dahan na nilapag si Bunso sa sahig pero nagising siya. Biglang umiyak pero niyakap ko siya at sinayaw habang kikantahan ng paborito niyang oyayi. Mahinang mahina ang pagkanta ko, nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga para siguradong siya lang ang nakakarinig ng aking awitin. Tumahimik siya pero dilat ang kanyang mga mata at nakatitig lang sa akin. Tila naglalaro sa kanyang isipan na mapapahamak kami kapag gumawa siya ng ingay. Hinalikan ko siya sa pisngi at inilapag ulit sa sahig. Walang imik si bunso tila nakakaintindi sa kung anong balak kong gawin. 

Hinay-hinay akong lumapit sa pinto, nasa posisyon na akong buksan ito. Kailangan ko mahanap si Mama. Kailangan makabalik siya dito. Sumilip muna ako sa butas at siniguradong walang Gala sa paligid. Lumingon ako kay Bunso. Nakatitig siya sa akin at binigyan ako ng napakagandang ngiti. Naluluha na naman ako pero pinipigilan ko ang luha ko. Kailangan ko maging matapang. Kailangan ko maging malakas para kay Mama at kay Bunso. 

Sinara ko ang pinto at siniguradong hindi ito mabubuksan ng Gala sakaling magkagulo man. Dahan dahan kung tinungo ang kusina para tingnan kung andoon si Mama. Wala siya. Pero bukas ang kabinet kung saan nakatago ang mga pagkain. Walang laman ang kabinet. Malamang nakuha na ni Mama ang pagkain. Pero nasaan siya?Bakit di pa siya nakabalik sa pinagtataguan namin?

Hinalughog ko ang bawat kwarto ng aming bahay. Pumunta ako sa banyo na katabi lang ng kusina. Wala siya. Tiningnan ko ang kwarto ni Bunso, baka sakaling kumuha siya ng natitirang damit nito. Wala din siya doon. 

Nasaan ka na Mama? Ang tanong ko sa sarili. 

Pumunta ako sa may sala baka andun siya. Wala rin si Mama. Tinignan ko ang pasilyo sa bandang kanan ng aming sala. Nakabukas ang ilaw. Yung an ilaw sa kuwarto nila Mama at Papa. Dahan-dahan kung tinungo ito. Kalahating bukas ang pinto ng kuwarto. Marahan kong binuksan ang pinto at nakita ko si Mama nakaupo sa kama yakap ang larawan nila ni Papa noong bagong kasal pa sila. Umiiyak siya. Walang akong narinig sa iyak niya pero lumuluha siya. Pinipigilan niyang mag-ingay sa kanyang pagiyak. Namimiss niya si Papa. Namimmiss ko din si Papa. Nasaan na nga ba si Papa? Hindi na siya nakauwi sa bahay namin simula nang mangyari itong trahedyang ito. 

Niyakap ko si Mama at sinabihang magpakatatag para sa amin ni Bunso. Pinilit ko siyang tumayo at bumalik na sa pinagtataguan namin at hindi ligtas na andito kami sa labas. Sinabihan ko siya na kailangan namin balikan si Bunso. 

Sinabi ni Mama na kailangan ko magpakatatag kapag dumating na ang panahon na mawawala siya sa akin. Minsan darating sa buhay natin na kailangan natin maging malakas kahit na sobrang hirap pa ng sitwasyon. Kailangan maging handa sa kung ano mang masamang mangyari. Hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. Kailangan magpakatatag. Kailangan maging malakas para sa sarili. Yun ang pangaral ni Mama sa akin. Alam ko ang mga bagay na yun. Ngunit sa ngayon hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya na mawala sila. Hindi ko kayang magisa. Hindi ko kakayanin na walang saysay ang pagkamatay nila. Hindi ko matiis o makita na namatay sila dahil nakuha sila ng mga Taong Gala. 

Anak, kailangan natin tanggapin kung anong kapalaran ang naghihintay sa atin sa mundo. Walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay kaya kailangan maghanda tayo. Maging matatag at maging matapang.

Sa puntong iyon sumangayon ako kay Mama dahil kailangan na naming bumalik sa kuwarto. 

Binitbit ko ang dalang takuyan na may lamang mga pagkain. Dinala ni Mama ang larawan nila ni Papa. Siguro okay na din yun para meron siyang isang bagay na magpapaalala sa kanya at maging malakas. 

Tahimik naming binaybay ang sala pabalik sa kuwarto ng aming pinagtataguan. Tahimik kami sa paglalakad at iniiwasan ang mga bagay na nakakalat sa sahig baka maapakan namin at gumawa pa ng ingay. Ilang hakbang na lang at nasa kuwarto na kami kung saan ko iniwan si Bunso. Limang hakbang... Apat... Tatlong hakbang...

Bumungad sa amin ang bukas na pinto ng kuwarto kung saan kami nagtatago. Bumilis ang tibok ng dibdib ko at nabitawan ang dalang takuyan na may lamang pagkain. Mabilis akong tumakbo sa loob ng silid upang tingnan ang nangyayari. Hindi pwede ito. Iba iba ang naglalaro sa isip ko. Ayaw kong isipin na nakuha si Bunso ng Taong Gala. Hindi pwede. Wag naman sana...

Pagbukas ko sa pinto ay nakita ko ang isang Taong Gala na nakatayo sa kinahihigaan ni Bunso. Mga limang dangkal na lang ang layo niya kay Bunso. Agad kung hinablot ang isang bakal na tinago ko sa likod ng pinto at tinusok ko ito sa ulo ng Gala. Hinila ko siya palayo kay Bunso. Agad tumakbo si Mama kay Bunso at inakay niya ito. Nagsimulang umiyak si Bunso. Pilit siyang kinakantahan ni Mama ngunit walang tigil ang iyak niya. 

Sa isang iglap lang ay may narinig kaming kaluskos ng mga Taong Gala na paparating. Papalapit ng papalapit. Kailangan na naming lumayo. Kailangan namin tumakas. Magtago... Tumakbo...

Binuhat ko ang tayukan habang si Mama naman ay karga si Bunso. Mabilis naming nilisan ang silid ngunit sa paglabas namin sa sala ay isa isang nagsidating ang mga Taong Gala. Tumakbo kami sa may banyo para humanap ng matatakasan. Yun na lang ang naiisip kung paraan na pwede naming daanan para makalabas ng bahay. Binasag ko ang salamin na nasa taas malapit sa kinauupuan ng inidoro. Sinira ko ang nakaharang na bakal nito ay tinanggal ko ang takip na tabing at tumuntong ako sa inidoro at hinila ang sarili paitaas para makalabas na ng tuluyan. Mabilis ang kilos ko. Ayaw ko nang sayangin ang nalalabing oras namin dahil kunti na lang makukuha at mahuhuli na kami.

Pagkalabas ko ay sinilip ko si Mama at Bunso na umaakyat na din palabas sa bintana. Hindi ko napansin na nasira na pala ng mga Taong Gala ang pintuan ng banyo at agad pumasok ang mga ito. Hawak-hawak ko na ang kamay ni Mama at ni Bunso at pwersahang hinihila palabas sa bintana. Binigay ko ang lahat ng makakaya ko at ang buong lakas ko para matulungan sila. Ngunit hindi sila makalabas sa bintana. Hawak ng isang Gala ang binti ni Mama. Sumisigaw siya ng tulong. Magkahalong galit, takot at puot ang naramdaman ko. Pinipilit kung hilain si Bunso ngunit mahigpit ang yakap niya kay Mama. Patuloy ang pagsigaw ni Mama . Ang mga kasunod na sigaw na ang narinig ko sa kanya..."Takbo! Takbo Anak! Umalis ka na dito! Iligtas mo na ang sarili mo!"

Patuloy ako sa pagiyak. Naririnig ko na din ang pagiyak ni Bunso. Ang walang muwang at walang kamalay malay na Bunso ko. Magkahalong sigaw at iyak ni Mama at Bunso ang narinig ko. Hawak ko ang mga kamay ni Mama. Nagmamakaawa ako na wag bumitiw. Umiiyak siya. Umiiyak si Bunso. Tinitigan ko si Mama sa kanyang mga mata. Walang lungkot sa kanyang mga mata. Tila naka ngiti ang mga ito. May halong luha man ang kanyang mga mata ngunit nakikita ko na masaya siya. Gusto kong intindihin ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Nais ipahiwatig nito na masaya siya at ito na ang katapusan nila. Nagsasaad na iyon na ang kapalaran nila. Hanggang sa mga daliri na lang niya ang hawak ko. Nagmamakaawa akong wag bumitiw pero hindi na niya kaya. Tatlong kataga ang huling narinig ko kay Mama... "I Love You" at tuluyan na siyang bumitaw...

Pinagtulungan ng mga hayop na Taong Gala ang mga mahal ko sa buhay. Si Mama. Si Bunso. Nakain. Nakuha. Syet! Pano nangyari ang ganun? Bakit ko hinayaan na mangyari sa kanila iyon?

Gusto ko nang mamatay. Gusto ko nang magpakain at magpahuli sa mga Gala. Gusto kong kasama ang aking pamilya sa hirap na dinaranas nila. Ngunit, kailangan ko kayanin. Kailangan ko malampasan. Kailangan ko paghigantihan sila Mama at Bunso. Kailangan ko mabuhay. Kailangan lumayo at makatakas. Yun ang gustong mangyari ni Mama.

Gusto kong pumatay at ihiganti ang aking mga mahal sa buhay. Pinangako ko na sa sino mang unang Galang lalapit sa akin ay makakatikim ng matingding poot na nararamdaman ko.

Patuloy ako sa pagiyak. Sinisisi ang sarili...

Ang mga ngiti ni Mama ang natitirang ala-ala ko. Ang mga iyak ni Bunso na naglalambing ang tanging pag-asa ko na kailangan mabuhay.

Patuloy ako sa pagiyak... Nakaupo pa rin sa sulok kung saan ko huling nakita si Mama at Bunso. Yapos ang aking dalawang paa. Namimiss ko sila. Mahal na mahal ko sila....

"Andrea! Andrea! Ayos ka lang lang?"

Isang pag alog at isang boses ang aking naramdaman at narinig. Patuloy ako sa pagiyak. Boses ng lalaki ang aking narinig. Malabo ang mukha niya... Pinahid ko ang aking mga mata para makitang mabuti ang lalaking nasa harapan ko.

Si Noel...

Siya ang kasama ko sa loob ng imbakan. Nasa loob pa kami ng imbakan. Naalala ko lang kung pano sila nakuha ng mga Taong Gala sina Mama at Bunso. Tinanong ako ni Noel kung handa na akong umalis sa imbakan. Tumango lang ako.  Tumayo at buo ang loob. Kailangan kong mabuhay para kay Mama at kay Bunso. Kailangan ko magpakatatag. Alam ko na si Mama at Bunso ang aking maging gabay at bantay.

Pasaan ba't matatapos din ang lahat. 

STRANDED



Isang araw na ang nakalipas at di pa rin nakabalik si Patrick. Alam ko na kinuha na siya, gaya ni Russel. Alam ko kami na ang susunod. Ako na ang susunod...

Ganun nga siguro kapag ang mga patay ay muling nabuhay at muling naglalakad sa ibabaw ng lupa. Buong akala ko sa pelikula lang ito nangyayari. Akala ko sa mga kwento lang sa libro o isang kathang isip lang ang mga ito ngunit iba pala kapag naranasan mo talaga ang magtago, ang tumakbo at tumakas palayo sa mga Zombie. 

How? Aba! Malay ko. Nagising na lang ako na ganito na.

Why? Mas lalong hindi ko alam. Yan din ang gusto kong malaman.

Yan ang mga katanungan at kasagutan na paulit ulit bumabalik sa isipan ko. Basta ang alam ko lang andito ako ngayon nakatago sa loob ng isang imbakan ng damit sa loob isang department store. Tahimik lang para hindi marinig ang aking kaluskos ng mga naglalakad na patay. Madilim dito sa loob ng imbakan para na rin hindi ako makita agad. 

Ang alam ko lang may dalawang pinto sa imbakan na ito. Ang pangunahing pinto na nakasara at alam ko na kapag lalabas ako sa pintong yun ay mahuhuli na nila ako. Yung pangalawa ay ang pinto sa likod kung saan nila dinadaan ang mga kargamento at mga bagong biling damit at paninda. Wala na siguro akong ligtas dito. Gaya nung iba na nagpasyang umalis sa imbakan na ito. 

Sa totoo lang walo kami sa loob ng imbakan na ito, kasama si Andrea. Magka-opisina kami ni Andrea sa gusaling kaharap ng department store na ito. Dati pinagmamasdan ko lang siya sa canteen habang kumakain at kapag nakasabayan ko siya sa elevator ay naamoy ko ang kanyang pabango na laging naiiwan sa loob ng elevator. Pero ngayon heto kami nasa loob ng isang imbakan. Kami na lang ang natira. Kahit na kunting amoy ay wala na akong pakialam. Kahit hindi na kami nakakaligo ay hindi na mahalaga.

Ito na ang pang sampung araw namin sa loob ng imbakan. Yung pangalawang araw namin dito, lumabas si Jose pero di na nakabalik. Siya yung pabida sa isang pelikula na nagtatapang tangapan pero wala, siya yung unang makakain. Ang unang mapapahamak. Ang unang nawalan ng papel sa isang magandang pelikula. Sumunod si Rosa at Tope, gusto nila hanapin si Jose. Pagkatapos kanina lang nung nilamon ng dilim ang paligid, si Naomi. Gusto niya magtago sa dilim ng gabi para di makita ng mga Zombie. Iniisip siguro niya na dahil madilim eh mahihirap siyang makita at mahanap ng mga walang awa na Zombie na walang ibang gustong kainin kundi ang aming utak. Pero di na rin siya nakabalik. 

Isa din sa mga dahilan kung bakit sila umalis ay para malabanan ang isa sa pinakamatindi naming kaaway - ANG MAGUTOM. Kailangan namin makakain. Kailangan namin ng lakas para mabuhay kailangan namin subukan mabuhay. Sa tingin ng iba ang kinalalagyan namin ay wala nang pag-asa. Pero, gusto lang talaga namin subukan.

Sa ngayon kaming dalawa na lang ni Andrea sa loob ng imbakan. Ang dating pagnanasa ko sa magandang hubog ng katawan ay nawala na. Ngayon kahit isang bakas ng ngiti sa aming mga mukha ay wala na. Ang tanging nagagawa namin ay ang obserbahan ang mga kaluskos at ingay sa labas ng imbakan. Magkatitigan man kami ngunit pero wala itong halong sekwal. Ang tanging pagnanasa na lang na natira sa akin ay ang pagnanasa na makatakas at mabuhay na malayo sa takot at kaba. 

Naisip ko na minsan ang buhay ng isang tao ay nababago kapag nasa sitwasyon na gaya nito. Wala kang pagpipilian na iba. No choice kung baga. Iba ang nagagawa ng isang sitwasyon na kunti lang ang pagkakataon mo para mabuhay. Kung dati pinagnanasaan ko si Andrea na makasama sa isang malamig at madilim na kwarto. Pero ngayon nawala ang pagnanasang yun dahil sa isang pagkakamali lang namin ay pareho kaming masasawi.

Kailangan naming lumabas sa pinagtataguan namin para maghanap ng makakain. Kailangan din naming lumabas at tahakin ang daan na tinahak nila Patrick, Russel, Jose, Rosa, Tope, at Naomi. Kailangan naming lumabas at harapin ang kapalaran na naghihintay sa labas. Kung hindi man kami lalabas sa imbakan na ito ay mamamatay rin naman kami sa gutom. Lalabas man o hindi, kamatayan pa rin ang naghihintay sa amin ni Andrea. 

Isang sinag ang pumasok sa loob ng imbakan. Sinag nang araw na nanggaling sa butas ng pader na nagmula sa labas. Ito na nga ba ang sinyales na kailangan na namin harapin ang umaga? 

Tumingin ako kay Andrea. Tinitigan niya ako sabay buntong hininga. Tumayo ako sa may pintuan at hinawakan ang tatangnan nito. Tumingin ulit ako kay Andrea. Tumango siya. Palatandaan na handa na siyang harapin kung ano man ang nagaabang sa amin sa pinto.

Kailangan namin gawin ito para mabuhay kesa pumirmi sa loob ng madilim na imbakan na ito na puno ng takot. Kailangan namin mabuhay. Kailangan namin lagpasan ito.

Kung ang mga zombie kailangan nila kumain ng utak para mabuhay kahit patay na sila. Kami ni Andrea kailangan namin gamitin ang lahat ng aming alam at kakayahan para mabuhay. Hindi ako papayag na hanggang dito na lang matatapos ang buhay namin at wala kaming ginawa. 

After all, utak lang ang kailangan.

Itutuloy...



BASAHIN ANG IKALAWANG BAHAGI -- TAKEN

Tama Na! Sobra Na! Palitan Na!


Yes! That's the famous line noong panahon ni Marcos...yung time na pinatalsik na siya ni Cory. But I won't talk anything about what happened many years ago. It's all in the past. Sabi nga ng nakararami, lets move on and move forward. Nangyari na ang nangyari kaya wag na natin balikan. Gets?

Pero bakit karamihan sa atin ay mas gustong balikan ang nakaraan kesa puntahan ang bukas. Mas marami ang gusto na manatili na lang sa alaala ng kahapon kesa salubungin ang magandang umaga. At mas marami sa atin ang mas gustong balikan ang nakaraan kahit nasasaktan kesa harapin ang bukas na puno ng pag-asa. 

Wag na tayong lumayo, kadalasan nangyayari ito kapag ang isang tao ay umiibig. Diba kapag mahal na mahal natin ang isang tao ayaw natin mawalay sa kaniya. Kapag sa tingin mo ay sa kanya naikot ang mundo mo ay ayaw mo nang kumawala sa sumpa na dulot ng pagmamahal ng sobra. Ang tanong eh, kailangan ba talaga sa kanya umikot ang mundo mo? Pano na ang mundo kung saan ikaw ay makakagalaw ng maayos at masaya. Sabagay, mangangatwiran ka din naman na masaya ang mundo mo kapag kasama siya. Dumaan naman tayo lahat na umibig ng lubos... nasaktan... gustong balikan ang pagibig na nawala... ginawa ang lahat para makuha ulit siya...nag effort ka, kulang na lang tumambling ka at mag pagulong gulong para lang mapansin ulit niya pero walang epekto sa kanya ang effort mo...

To be honest with you, marami akong kaibigan na nasa isang sitwasyon na kahit gaano pa kasakit ang kanilang naranasan sa pag-ibig o sa kamay ng taong kanilang minahal ay mas pinili nila na masaktan na lang at mag effort pa din na suyuin o ligawan o landiin ulit ang kanilang dating minamahal para lang mabawi ulit ito. 
Ayaw ko na magbigay ng names baka kuyugin nila ako... Hehehe...

Naiintindihan ko ang pinanggalingan nila. I was in that shoe.  I fall in love many times, got broken, exert effort to please that person and win her back but still failed. But still keep on trying until such time I realized I lost so many things, so many opportunities, at ang masakit pa ehh nawala yung respeto sa sarili. But good thing is that life doesn't end there.

Friends, this is not to judge you. Karamay niyo ako. Maybe right time na para sabihin ko sa inyo na..

TAMA NA! SOBRA NA! PALITAN NA!

Yes Tama na ang kahibangan. Kung nag effort ka man enough na yun para malaman ng isang tao na mahal mo siya at ginawa mo ang lahat para ma-win mo ulit ang pag-ibig niya. If you failed, then TAMA NA! Ilang beses ba dapat i-turn down ang effort mo para malaman mo na wala na talaga. Ilang beses mo ba gusto masaktan? Ehh kung saktan kita! kutusan.. ganyan!

Sobra na!.. ang katangahan mo!

Ang umibig at masaktan dahil umibig ka are necessary part of our growth. Madali lang ang buhay. Kung nasaktan ka, nahulog at nagkagalos, tumayo ka, pagpagin ang sarili and then move forward. Kaso medyo may pagka masokista ang tao, mas gusto natin yung nahihirapan tayo at nasasaktan. Well, hindi ako! Naks! 

Para ka lang isang gulong sa isang putikan na patuloy na umiikot pero hindi gumagalaw sa nasaklakang putik. Patuloy ang iyong pagikot hanggang sa uminit at umusok ka na. At kapag tumagal pa ay masisira ka na at magiging wala nang kwenta. Tama diba?
Siguro heto ang dapat mong gawin:

TANGGAPIN MO NA MAY MGA BAGAY NA WALA NA TALAGA SAYO. Hindi lahat ng bagay ay meant to be na magiging sayo. Kailangan mo tanggapin na ang mga bagay na nawala sayo ay hindi mo naman ikamamatay. Maybe sit down and then go back to the time that the person who hurt you is not there. Yung time na hindi mo pa siya nakikilala, diba nabuhay ka naman?

Marahil ito na yung pinakamasakit na katotohanan ang tanggapin na wala na sayo ang taong mahal mo. Masakit tanggapin na nawalan ka ng isang bagay na nagpapasaya sayo. Pero kung titingnan mo ang sarili mo hindi ka naman talaga masaya kasi nalulungkot ka sa pagkawalan niya. 

MAKE A PLAN TO CHANGE. Mahirap sanayin ulit ang sarili lalo na kapag nasanay ka na kasama mo ang taong mahalaga sayo. Ngunit, kapag naintindihan mo na ang sarili mo, ang sitwasyon at alam mo kung ano at saang daan ang gusto mong tahakin marahil mas madali lang ang pag move on. It's all in the mind ika nga. 

Ang pinakaunang hakbang para mapagtagumpayan ang sakit at iyong kalungkutan ay ang tanggapin ito. Acceptance lang ang kailangan. Kapag tanggap mo na, ehh di mas madali mong mapagplanuhan ang hakbang kung paano makalimot. 

START LOVING YOURSELF. Kapag nasaktan at nabigo ang isang tao kadalasang sinasabi natin ay, "Kung mabait ba akong tao? Bakit ako kailangan pa ang masaktan? Bakit ako pa? Bakit ganito ako?."

kapag nasaktan kasi ang tao, nawawala yung kumpyansa sa sarili. Taas ang kamay ng mga nag agree!!!
Siguro kailangan mo lang ibalik ang tiwala at kumpyansa sa sarili. Iyon ang pinakamahalaga. 

Life must go on. Hindi hihinto ang pagikot ng mundo mo dahil lang sa sakit na nararamdaman mo. Sayang baka sa todo effort mo na suyuin ang taong ayaw na sayo eh hindi mo alam na ang taong para sayo pala ay nakuha na ng iba.. Ikaw din... #NanakotPa



#Photo borrowed from DevianArt by Metide

Si Kamahalan, ang PBO, at mga bagong Kaibigan

UPDATE: Dahil sa marami ang naghahanap ng photos. Ayan na! Hiram ang mga larawan kay AXL at Mar. Ahemmmm!

Noong nakaraang biyernes ay naimbitahan ako sa isang eyeball ng mga kapwa ko blogero. Noong una ay nagdadalawang isip ako dahil unang una may pasok ako sa araw na iyon dahil sa panggabi ang pasok ko at 6pm ko sila dapat kitain ay nag say "no" muna ako; pangalawa dahil sa mga isa or dalawa lang ang kakilala ko sa mga magmimeet medyo dyahe ako. Tahimik kasi ako sa personal. Lol.

Pero dahil sa pagpursige ni kamahalan na itago na lang natin sa pangalang Arvin ng  www.archiviener.com (na ang blog niya ay for invited readers na ngayon at di ko na nababasa..may pinagtataguan ata..LOL) ayy napilit ako sa isang kondisyon... Kailangan niya kami pasalubungan ng starbucks tumbler from Singapore.. Duk! Syempre gusto ko talaga mameet sa personal si Arvin dahil sa matagal na din naman kaming magkakilala at isa siya sa masugid na magcomment sa mga post ko sa blog na ito kahit na minsan feeling ko walang kwenta ang post ko ay nagcocomment pa din siya. At kahit na minsan lang din ako nakadalaw sa blog niya ehh dinadalaw pa rin niya blog ko. Kaya napa "yes i do" ako. Kasama kung pumunta si Karlo/Suplado ng Supladong Office Boy kasi mahiyain kaming dalawa sa personal. Haha.

Si Suplado, Si Ako, Si Mar, at Si Kamahalan (Larawang Kupas hiram kay AXL)

Nagplano na magkita sa Resorts World Manila ngunit dahil sa lintik na traffic ehh napagdesisyunan na sa MOA na lang kami magkikita. Nakakahiya man na late kaming dumating ehh ipagpaumanhin na po ninyo. 

Syempre pagdating namin dun eh una kaming binati ni Kamahalan na si Arvin at sumunod naman yung mga nakilala na namin dati na si Mar at ang sikat na blogger na si Bagotilyo. May iba din na pamilyar sa akin dahil binibisita ko din ang blog nila gaya ni SunnyToast at si Senyor, though once or twice ko pa lang ata nabibisita ang blog ni Senyor..at si Josh o Kulapitot. Masaya din naman kaming binati ng ibang mga bloggers na andun na ang matatandaan ko lang na name ay sina...  Daddy Jay , Pao (John Paul), at yung iba na nakalimutan ko ang mga pangalan.. Memory gap!

Ako, Si Senyor at Si Suplado (nakaw na litrato galing kay AXL)
Sa totoo lang ilang pa din ako makipagkita sa ibang bloggers unless close na close na kasi sa blogospero pa lang. Pero alam niyo may natutunan din ako sa tuwing makikipag meet ako sa ibang bloggers...

  • Ang pagbuo at pagkakaroon ng mga bagong kaibigan ay hindi lang matatagpuan sa opisina, sa paaralan, sa bahay, sa simbahan.. yung iba makikilala mo din sa blog world, sa internet, sa twitter o facebook.
  • Maraming kang matutunan sa buhay ng ibang bloggers kapag nakita mo sila sa personal. Marinig ang bawat kwento ng buhay nila at kung pano sila nagsimulang mag blog.
  • Masaya makipag usap o makipagkita minsan sa mga taong kapareho mo ng hilig gawin sa buhay..--- pagiinom, pambabae, pagsusugal... Pagsusulat at Pag-blog. 
Bago ko pala makalimutan, ang karamihan sa mga na-meet ko nung Friday ay myembro ng PBO (Pinoy Bloggers Outreach) na may gagawing Bazaar sa Pasig Capitol Community Church sa darating na February 24, 2013. Ayun! kaya punta na.

Dinner Time








Pasenya na pala dun sa mga nakalimutan ko ang mga blog at name. Pasensya na medyo tumatanda na eh. Lol.. Comment na lang kayo dito at iwan ang bloglink niyo at nang ma follow ko kayo. Again, #AMASORRY... Hug ko na lang kayo... para di magtampo.

Maraming Salamat! Sa uulitin as sa muling pagkikita...

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!