Posts

Showing posts from June, 2014

Anong ganap?

Maraming naganap sa buhay artista ko. Kaya medyo nawala sa sirkulasyon ng blogospero dahil sa busy ako sa shooting ng bago kong mobee at komersyal. Syempre joke lang yun!
Maraming masayang naganap sa paglalayo ko sa sarili ko sa blogging. Nabawasan lang ako ng mga kaibigan (online) na lagi kong nakakausap dati. Ganun naman talaga yun. Kapag naging focus ka at busy sa isang bagay, nakakalimutan mo yung ibang bagay (na dapat hindi, kaso ganun talaga ang nangyayari) gaya ng mga blogger friends mo... Mga kasabayan mo dati na di mo na alam saan at ano na ang nangyari sa kanila, hindi ka na makakasali sa mga bloggers eyeball, at mga events. Nakakamiss sila. Kaso, ayaw na nila ako pansinin. Hahaha. 
Pero okay lang yan. Ganun talaga ang buhay. Minsan kailangan mong lumayo para may mapatunayan ka. Minsan kailangan mong ilayo ang sarili mo sa nakagisnan mo na para matuto ka. Minsan kailangan mong lumabas sa hawla na iyong pinagkakulungan para maging malaya ka. At minsan kailangan yung isakripi…