Noong nakaraang weekend, tulog lang ang ginawa ko. Mahigit 24 oras ata ang tulog ko nun. Bumabangon lang kapag nakaramdam ng gutom at matutulog na naman kapag dinalaw ng katamaran at antok. Minsan bumabangon na lang ako na pagod at umiiyak. Karaniwan na sa akin ang ganung eksena. Minsan naman ay humihingal ako dahil sa masamang panaginip na kesyo hinahabol ako ng mga zombie o di kaya naman ay may humahabol sa akin at lumilipad ako pero ang baba lang ng lipad ko.
Pero noong nakaraang weekend kakaiba ang karanasan ko. Akalain mo ba namang dalawang beses akong nanaginip sa isang tulugan. Magkasunod. Yung una nakakatakot. Yung pangalawa light lang.
Hindi ko maintindihan kung ano nga ba talaga ang dahilan ng panaginip natin. Naalala ko noong nasa kolehiyo ako, maraming mga Psychologist ang may sariling interpretasyon sa mga panaginip natin gaya na lang ni Sigmund Frued, Carl Jung, Calvin Hall, Ann Faraday, Wallace and Jean Dalby Cliff, at marami pang iba. May mga nagsasabi din na ang pa…