Posts

Update-update Din Pag May Time

Image
Andaming update na nangyayari sa mundo, blog ko na lang ang wala pa. May mga naihalal na pala na mga bagong Senador. Patay na pala si Bella Flores. Bumisit pala si Sarah Jessica Parker sa Pinas at nag ribbon cutting sa SM Aura. Hiwalay na pala si Ai Ai Delas Alas at ang kanyang bagong asawa. Akalain mo yung kakakasal lang last month hiwalay agad? Ang daming update sa mundo. Blog ko na lang ang wala pa. Loser. Ipagpaumanhin niyo po sa hindi ko pag update sa blog na ito. Naging busy lang po sa trabaho at mga bagay na kailangan bigyan ng pansin. Mahalagi sa akin ang blog na ito. Kaya kahit na busy ako sa buhay ko eh bumibisita pa din ako dito. At nagbobloghop din ako, di nga lang halata. UNA, dahil sa opisina ako ng boblog at naka block ang mga blog dito lalo na pag hindi naka dot com (haha..racist kasi IT namin dot com lang ang pwede bukas..joke!). PANGALAWA, pag nagplano ako mag blog sa bahay nakakatulugan ko na lang ang laptop nang hindi ko namalayan. ...

Thankful and Blessed

Image
Hindi ako mahilig sa mga surprises. Ayaw ko ng sinosurprise ako kasi hindi rin naman ako mahilig mag surprise. Well may one point sa buhay ko na sinorpresa ko ang isang tao, pero sa huli ako ang na surprise ng bonggang-bongga. #nakakabadtrip #BrokenHearted #WasakAngPusoNiLastimak Pero sadyang mapaglaro ang kapalaran at ang buhay ng tao ay parang isang gulong na umiikot (paki connect na lang!) Minsan kasi sinosurprise tayo ni Lord, lalo na kapag medyo siguro gusto niya na i-shake yung buhay natin ng kunti para magkaroon ng thrill at excitement. Gaya na lamang ng trabaho ko. For the past three years, masyadong magulo na ang nakalista na mga company name sa resume ko, if not mahaba. Marami kasing offer sa akin (Lol... partly true). Bakit nga ba? Dahil na rin siguro ay palipat lipat ako ng pinapasukan at hindi ako kontento sa mga ginagawa ko. Aaminin ko madali ako ma bored sa isang bagay o trabaho lalo na kung routinary na ito plus dagdagan pa na mga taong nasa paligid mo na wala...

Where Art Thou Kulitis, The Podcast?

Image
Remember Kulitis?  Wala lang naalala ko lang siya. LOL. Well, bigla ko lang naisip kung nasaan na siya at hindi na nakapag update ng blog niya na nakakatuwa. Nag blog hop kasi ako ngayon at bigla ako napadaan sa blog niya na Kulitis, The Podcast . Naalala ko lang na ako pala ang unang na feature sa blog niya. Nakakatuwang pakinggan at balikan lang. Pero hindi talaga ako si Kulitis gaya ng haka-haka ng ibang blogger friends ko. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung sino siya. Pramis! Minsan napadpad ako sa lugar na Puerto Galera. Sa wakas nabigyan ng pagkakataon na makita ko siya at makilala. Kaya pala di na nag-uupdate ng podcast itong si Kulitis ehh naging bangkero pala siya. LOL.  Ayaw niyo maniwala? Heto ang ebedensiya.... Kaso di ko pa rin siya nakita sa bangka. Mailap lang talaga siya. Hahaha. Peace to you Kulitis kung mababasa mo ito. Mag podcast ka na. Madami nang bagong kwento sa blog ko. LOL. Ciao!

Run

Image
CHAPTER 1 - STRANDED CHAPTER 2 - TAKEN "Wag kang mag-alala di kita pababayaan." Yan ang mga salitang binitiwan ni Noel habang yakap-yakap si Andrea. Pilit iniiwasan ni Andrea ang mahigpit na yakap ni Noel ngunit nanaig sa kanya ang kaginhawaan at kapayapaan dahil sa mga yapos ng binata. Di na pumalag si Andrea at hinayaan na lang ang maikling oras na nalalabi. Naisip ni Andrea na baka yun na ang huling yakap ni Noel sa kanya.. Hindi mahirap mahalin ni Noel. Matalino, maalaga, at mabait. Noon pa man sa pinapasukan nila ay nakakitaan na siya ng kabaitan. Ngunit sa likod ng kanyang pinapakita ay tila may misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Pakiramdam ni Andrea ay may mahalagang bagay siyang tinatago tungkol sa kanyang nakaraan. Walang nakakaalam kung saang probinsya siya nanggaling. Walang nakakapunta sa bahay na tinitirhan niya. At walang kahit na sino ang nakakakilala sa kanyang pamilya. Isang malaking palaisipan. Ngunit, baliwala na ang lahat. ...

Alta Vista De Boracay Experience

Image
It's summer time. Holy week is coming. And the best part is, its my birth month. How to spend all these? A great vacation in the island of Boracay! Boracay was recognized as the 2nd Best Beach in the world by TripAdvisor in its Travelers' Choice Awards 2011. It was also awarded the 2nd Best Island in Asia and 4th Worldwide by Travel + Leisure Magazine in the same year.  And where's the best place to stay when in Boracay? Well... worry no more because I just found one of the cleanest and nicest place in the island - Alta Vista De Boracay .  It is located on a 4-hectare prime property on the hillside. It's breathtaking view will surely capture your heart as the resort allows you to see its surrounding sea and mountains, regardless of where you are at the resort. Usually, when I'm on vacation there are two things that I always consider specially when I'm looking for a place to stay. After all, vacation is to relax and to make ...

Ang Damuhan, Ang BnP, at Ako

Image
Nakakatuwang isipin na ang pinaghirapan mong kwento ay mapansin, purihin, at mabigyan ng karangalan lalong-lalo na kapag galing ito sa mga kapwa mo blogero. Sa totoo lang plastik kung sabihin ko na hindi ko naman hinangad na mabasa ng nakararami ang aking mga sinusulat sa blog na ito at hindi ko hinangad na sana ay maraming mag comment sa post ko, o di naman kaya ay purihin ang gawa ko. Kahit sino naman sigurong manunulat ay hinangad na mabasa ang pinaghirapan natin diba? Kaya Oo! Kailangan ko ang kunting awa niyo.. Mag comment naman kayo sa mga post ko. Utang na loob! Lol. Kidding aside...( minsan lang ako magpatawa..Waley pa! ) Unang-una, personal blog ito; dapat ay patungkol sa sarili at sa mga kalokohan ko ang mga nakasulat dito. Pero gaya ng wika dynamic din ang utak ng isang tao. Pangalawa, hindi ako mahilig magsulat ng mga kwentong gaya ng entry ko. Marahil sa haba ng panahon ay nagbago na ang pamamaraan ng pagsusulat ng isang blogero. Gaya ko na hindi mahilig magsulat...

ELEMENTALIA: TRUTH

Image
B ASAHIN ANG UNANG BAHAGI - ELE MENTALIA: GINTONG BAKAL NA PLUMA "Sampung mag-aaral... Apat doon ay mga kaibigan ko. Ni hindi ko alam kung buhay pa ang iba sa kanila" Bulong ni Daina habang nakatayo sa may bintana sa loob ng klinika. Sa di kalayuan ay narinig niyang nag-uusap ang Nars at ang Doktor. "Siya ba yung babaeng sinasabi nilang Mulato? Bakit pa kasi pinapahintulutan ang mga kagaya niya dito sa paaralan. Alam naman natin na mapanganib ang mapalapit sa kanila. Ang masama pa ay ako pa ang gumamot sa kanya. Dapat sa kanya ay hinayaan na lang para matahimik na tayong lahat." "Alam mo naman na kahit sino ay tanggap sa eskwelahang ito. Walang pinipili mapa-tao, halimaw, o maging mga Mulato." Sa narinig ni Daina ay hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng Nars pero alam niya na siya ang tinutukoy ng Nars ngunit hindi niya ito masyadong iniintindi dahil mas nanaig pa rin ang pagkalungkot at pagaalala sa mga taong...