My Mom, The Best!
May ibat-ibang kwento tayo pagdating sa ating mga magulang, lalong lalo na sa ating mga Ina. Ako, pagdating sa Mama ko, emotional akong tao. Dahil na rin sa siguro pagsisikap nila ng Papa ko kaya siguro gagawin ko ang lahat para sa kanila. Noong bata pa ako, nakita ko yung didikasyon ni Mama at ni Papa para lang mabigyan kami ng maayos na buhay na magkakapatid. Akalain mo yun si Mama, napagsabay niya ang pag-aaral sa college sa gabi at sa umaga naman ay nagluluto at nagtitinda ng bibingka para lang may maipakain sa amin. Kaya ako, kaya kung maghirap at magsumikap mabigyan lang sila ng maayos na buhay. Hindi pa man siguro ngayon, pero alam nila na nagsusumikap ako para sa aming lahat. I am a proud son to my parents. At alam ko proud din sila sa akin. Pero mas proud talaga ako sa Mama ko. Marahil hindi niyo pa alam, eh kapag kasama ko ang Mama at Papa ko para lang kaming magbabarkada niyan. Mag kasing tangkad lang kami ng Mama ko kaya kapag magkasama kami eh akala ng ibang tao...