Palatandaan Ng Isang Tunay Na Kaibigan
Marami sa atin ang naghangad na magkaroon ng tunay na kaibigan. Maliban sa pamilya ang mga kaibigan ang isa sa mga tinatakbuhan ng karamihan sa atin sa tuwing magkakaron tayo ng problema. Sila yung mga taong matatawag natin na pangalawang pamilya o di kaya ay mga kapatid natin sa ibang ama/ina. Gaya ko marami ng dumaan sa buhay ko na tinawag kong tapat na kaibigan. Mangilan-ngilan na din ang nagsabi na kabigan nila ako, ganun din ako sa kanila. Madali akong magtiwala sa isang tao lalong lalo na kung naramdaman ko ang integridad o katapatan. Ilang beses na dni akong nasaktan dahil sa sobrang tiwala na binigay ko sa isang "kaibigan" ngunit sa bandang huli ay nagiging parte lang sila ng aking nakaraan at hindi ang hinaharap. Yung parang dumaan lang sila sa buhay ko para magbigay kulay at maging bahagi nito sa maikling panahon. Nangangarap tayo na may isa o dalawang tao tayong makakasama sa kahit anong pagdaanan natin sa buhay maliban sa ating pamilya. Yun ang mga taong tinatawag nating KAIBIGAN.
Ngunit kailan mo matatawag ang isang tao na totoo at tapat na kaibigan?
- KASAMANG HINAHARAP ANG PROBLEMA - Ang tunay na kaibigan ay hindi nangiiwan kapag may problema ka. Lagi siyang andyan para sayo, hindi lang pra tulungan ka sa iyong problema kundi handa siyang harapin ito kasama ka.
- BINIBIGAY ANG LAHAT NG KAYA NILA DAHIL MAHAL KA NILA BILANG ISANG KAIBIGAN - Hindi lamang sa materyal na bagay kundi pati na rin sa panahon o oras. Hindi nababayaran ng kahit na anong materyal na bagay ang panahon o oras na ginugol mo sa isang kaibigan.Ngunit ang pagbibigay panahon, oras o kahit materyal na bagay ay hindi ginagawa lamang ng isa. Ika nga sa isang relationship hindi siya one way street. Sa pagkakaibigan maari din i apply ang "give and take".
- NAGLALAAN NG PANAHON O ORAS - Sabi ko nga sa itaas na ang pagkakaibigan ay binibigyan ng importansya gaya na lamang ng pagbibigay mo sa kanila ng panahon o oras. Panahon para malaman mo ang kalagayan nila. Ang simpleng text message na "Kamusta ka na?" ay mahalaga para sa isang kaibigan. It doesnt hurt to you to send a short message to your friends. If they did'nt reply then, wala silang load. Lol
- THEY OFFER FREEDOM - Minsan kahit di natin gusto ay dumarating sa buhay natin na may mga tao talagang sadyang hindi para sa atin. Gaya ng ibang relasyon minsan kailangan bukas ang ating pinto o bintana para makapasok ang hangin. Kung ang isang kaibigan ay talagang para sayo ay mananatili siyang para sayo kahit na bukas pa ang pinot at bintana sa buong mundo.
- TANGGAP NILA ANG BAWAT ISA SA KUNG ANO SILA - Hindi epektibo sa isang relasyon ang baguhin mo ang isang tao, kahit na sa magkakaibigan. Kung naging kaibigan mo siya, unang una at dahil tanggap mo kung ano siya. Kung may isang bagay ka na gusto mong baguhin sa kaibigan mo, marahil tanungin mo muna ang sarili mo kung ano ang babaguhin mo sa sarili mo para matanggap mo ang kaibigan mo kung ano at kung sino siya.
- THEY COMMUNICATION - Sa kahit anong relasyon, ang komunikasyo ang pundasyon sa matibay sa relasyon. Sa pagkakaibigan kailangan din ang magandang kumonikasyon. Kung may sama ng loob ka sa kaibigan mo, marapat na sabihin mo ito at wag hayaang ikimkim ang sama ng loob hanggang sa dumating ang araw na mapuno ang puso mo ng galit. Kung insecure ka naman at nagseselos sa iba niyang kaibigan, hindi masama na pagusapan at sabihin sa kanya ito. Minsan may mga kaibigan lang talaga na possesive. Pero sa maayos na komunikasyon pwede naman itong pagusapan.
- THEY COMPROMISE - Kung may hindi pagkakaintindihan. maari itong pagusapan at magkasundo sa kung anong dapat gawin para maiwasan ang alitan at di pagkakasundo. Real friends meet in the middle and compromise.
- MAY TIWALA SA KAKAYANAN NG ISANG KAIBIGAN - Ang simpleng tiwala na binigay mo sa kaibigan ay isang malaking bagay. Maari dni itong magpabago sa buhay ng isang tao. Ang pagtiwala mo sa kakayanan o talento ng iyong kaibigan ay isang palatandaan na tanggap mo siya sa kung ano siya. Ang tunay na kaibigan at nagsusuportahan sa bawat pangarap ng bawat isa. Handang ibigay ang palakpak sa tuwing nagkakaroon ng tagumpay ang isang kaibigan.
- THEY KEEP THEIR PROMISES - Mahala ang bawat salita at pangako na binitawan mo sa isang kabigan. Kung nangako ka na gagawin mo ang isang bagay, GAWIN MO TO! Kung hindi mo naman kayang gawin ang isang bagay para sa isang kaibigan, SABIHIN MO TO at wag mag sinungaling. Kung nangako ka pa pupuntahan mo siya, gawin mo to. Ang totoo at tunay na kaibigan ay hindi binabali ang pangako at nagsasabi ng totoo at tapat.
- REAL FRIENDS STICK AROUND - Ang pinakamasakit na part sa buhay ng isang tao ay yung mawala ang mga taong pinagkakatiwalaan mo at sa tingin mo ay mga taong kaibigan mo. Silan yung mga tao nangiiwan kapag nakukuha na nila ang gusto nila. Meron din iba na iniiwan ka sa ere kapag sa pakiramdam nila ay wala ka nang silbi para sa kanila. Mas maganda na pumili ng mga taong sa tingin mo ay hindi ka gagamitin sa kanilang sariling kapakanan. Sa totoo lang bihira lang naman talaga tayo mawalan ng isang kaibigan, nalalaman lang natin kung sino yung tunay na kaibigan at kung sino ang nagsusuot ng maskara sa bandang huli.
Real friends is not tarnished by money or lack of it, nor is it enhanced by prestige and success. A real friend will always believe in you, always expect the best of you, and always stand hi/her ground in defending you.
agree na agree. ilang beses na din ako'ng nagkaroon ng mga akala ko ay kaibigan pero nung dumatin gsa time na bumagsak ako, nawala din silang parang bulla. piling pili talaga ang mga pinagkakatiwalaan ko ngayon. bilang na bilang ang mga itinuturing ko'ng totoong kaibigan. at alam na nila kung sinu-sino sila
ReplyDeleteTama..
Deleteandami ko ding set of friends nung college ako. andaming inuman sessions. pero may konting natira na masasabi kong "my brothers from different mothers". hindi importante na madami kang friends. madami nga, e ampaw naman lahat. ang importante, kahit dalawa o tatlo lang yan, ay yung di ka iiwan sa ere.
ReplyDeleteoo tama yan.. hindi naman padamihan ng friends ehh.. ang importante yung kung sino ang maiiwan at matitira
DeleteGustong-gusto ko to na POST! XD
ReplyDeleteSalamat...
Deletedahil diyan okay lang na konti ang mga tunay na kaibigan :) haha.
ReplyDeletenaisip ko na haggard maging "tunay" na kaibigan sa marami. high maintenance kaya :) parang girlfriend lang.
hahahahhaa... mas malala pa sa girlfriend haha
Deleteagree much ako dyan
ReplyDeleteAgree. Marami din akong kaibigan pero iilan lang ang tunay na kaibigan. :)
ReplyDeleteAGREE!!!!
ReplyDeleteall caps pa hehe,
ang tunay na kaibigan palagi kang nililibre at sinasama sa lakad niya hahahahha .... agree ako dun sa sinulat mo :) wala ako masyadong friends eh peo nakakarelate ako ...
ReplyDeleteagree!as in super. hirap akong makipagkaibigan pero i see to it na kapag naging kaclose ko na eh magiging kaibigan ko na talaga ng pangmatagalan. parang romantic relationship din kasi ang friendship eh dapat inaalagaan =D
ReplyDeleteang tunay na kaibigan, nagbibigay ng ipad. hahahahha joke lang . Ang tunay na kaibigan dyan lagi sa hirap man o ginhawa. :)
ReplyDeletethebackpackman.com
Agree akala ko siya na yung Bestfriend ko pero nung time na down na down ako bigla siya nawala
ReplyDeletekaya pili lang talaga ang tunay na kaibigan