Kabayaran sa Kasamaan
Abot tanaw na ni Dan ang pangarap na gusto niyang makamtam. Isang hakbang na lang at makikita na din ang inaasam asam na karimlan. Para sa kanya, mainam na tapusin ang buhay kay sa makita ang pamilyang nagugutom sa hirap at asawang nasasaktan sa tuwing siya'y nasasapian ng demonyo ng alak.
Nakatayo sa gilid ng pampang sa may sapa si Don habang inaalala ang kasamang idinulot niya sa asawa't mga anak.
Isang hakbang na lang ay matatapos na din ang paghihirap ng kanyang pamilya.
Hindi na niya kaya ang pananakit sa asawang si Mae tuwing nalalasing siya.
Hindi na niya kayang makitang nagugutom ang anak sa tuwing binibili niya ng alak ang pera na dapat sana'y gastusin para sa pagkain ng pamilya.
At hinding hindi niya mapapatawad ang pambababae at panloloko sa butihing may bahay.
Nanlulumo sa kahihiyan..
Nababagabag..
Nakokonsensya...
Si Mae ang simbolo ng isang ilaw ng tahanan na nangarap na mapabuti ang kanyang pamilya. Isang inang nangarap na sana maibalik ang dating saya ng pamilya. Isang asawang inasam ang yakap ng Mister at inaasahang bumalik ang dating sigla ng katuwang sa hirap at ginhawa.
Ngunit hindi lahat ng masasayang bagay sa mundo ay kanyang nakukuha.
Habang nakatingin sa malakas na agos ng tubig sa sapa si Dan, bumabalik sa kanyang alaala ang bawat suntok at pananakit sa asawa. Sa bawat paglapat ng mga kamay nito sa asawa ay ganun na lang din ang sakit at pighati ang kanyang nadarama.
Nanlulumo sa kahihiyan..
Nababagabag..
Nakokonsensya...
Hindi niya kayang humarap sa butihing maybahay at humingi ng tawad sa mga kasalanan nito.
Isang hakbang na lang ang kailangan....
Isang hakbang na tatapos sa lahat ng kanyang kasamaan...
Ngunit bago pa ito makahakbang isang sigaw ang umalingawngaw sa kanyang liguran.
"Dan! Wag!!!" Ang sigaw ni Mae sa asawa.
"Tama na, umuwi na tayo sa bahay. Mahal kita. Asawa kita. Kahit ano pa man ang nagawa mo ay naiintindihan ko." Sambit ni Mae sa asawang nanakit sa kanya.
"Mae? Pano mo nasasabi ang mga bagay na yan?"
"Tingan mo ang itsura mo sa salamin kung gaano kita nasaktan."
"Hindi pa ba sapat ang mga pasa sa buo mong katawan para iwanan ako?"
"Hindi pa ba sapat ang mga salitang nabitiwan ko sa tuwing nakakainom ako?"
"Kaya mo bang tingnan ang mga anak natin na magutom dahil sa kapabayaan ko?"
"Dan, alam ko na may kabutihan pa rin sa puso mo." Ang sagot ni Mae sa asawa.
"Kalimutan na natin ang lahat at mag umpisa tayo ng panibago para sa pamilya natin. Para sa mga anak natin."
"Hindi ko kayang mag isa sa buhay. Hindi ko kayang makita ang mga anak natin na lumaking may galit sayo. Hindi ko kayang lumaki ang ating anak na ulila at walang amang nakagisnan." Pagsusumamo ni Mae kay sa asawa.
Dahan dahan na lumapit si Mae sa kinatatayuan ng asawa.
Napagtanto ni Dan na may pag-asa pa siyang mag bagong buhay.
Gusto din niyang magbago. Gusto din niya makasama ang pamilya at makita ang mga anak na lumaki na may pagmamahal at gabay ng isang ama. Isang ama na magiging simbolo ng katatagan at haliga sa kanilang tahanan.
Hindi gumalaw si Dan sa kanyang kinatatayuan. Tila ba nakapako ang kanyang sa kinatatayuan.
Nagtatalo pa rin ang konsensya at ang ang alaala na baka maulit pa rin ang ginawa niya.
Lumingon si Dan kay Mae...
"Patawad sa mga nagawa kong kasalanan."
"Sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon." Sambit ni Dan na may pagsisisi.
"Kalimutan na natin ang nangyari. Lumapit ka dito Dan." Sabay abot ang dalawang kamay ni Mae habang naiiyak at naawa sa asawa.
Dahan dahang lumapit si Mae kay Dan upang ilayo sa kinatatayuan.
Ngunit tila ba napadikit ang mga paa ni Dan sa batong kanyang kinatatayuan sa gilid ng pampang.
Sa di maipaliwanag na dahilan hiindi maihakbang ni Dan ang kanyang mga paa.
Naiiyak..
Natatakot...
Nakakakilabot...
Dahan dahang lumapit si Mae sa asawa.
Tumabi ito kay Dan habang nakatingin sa kawalan...
Umiiyak... Humahagulgol...
"Mae, patawad sa mga nagawa ko. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin."
"Sana bigyan mo pa ako ng isang pang pagkakataon."
"Alam kong ilang beses na akong humingi ng tawad pero hindi ko tinupad. Pero ngayon, huli na to. Tanggapin mo ako bilang asawa mo." Saad ni Dan kay Mae.
Hindi maipaliwanag ang tuwa at saya sa narinig niyang salita sa asawa.
Balot sa luha ang mga mata ni Mae habang yakap ang asawa ng biglang...
"Ahhhhhhhhhhhhh......"
Isang malakas na sigaw ang tanging narinig ni Mae habang nakatingin sa asawang nilamon ng malakas na agos ng tubig.
--Fin-
--Fin-
MORAL LESSON: Bawat kasalanan maliit man o malaki ay may kabayaraan. Mabigat man o magaan ang kabayaran ay dapat tanggapin ng bukal sa kalooban. Hindi man natin magustuhan ang kaparusahan ngunit sadyang may kapalit ang lahat ng kasamaan.
ang likot kasi ni Dan eh, yan tuloy nahulog. pero tadhanan na siguro nya un matapos ang mga nagawa nya sa asawa.
ReplyDelete@Bino - hahahha.. oo nga ehh.. pero tingnan natin baka may kasunod pa ang kwento.. di naman natin alam kung patay o buhay si Dan.. ABANGAN!
ReplyDeleteAyan. Ang orti kasi. Haha. Ganyan nanay ko dati kay Mae. Martyr pero successful. LOL. Nakirelate? Haha. Kung buhay man si Dan, may amnesia na siya tapos mapapadpad sa isla at makakakilala ng bagong May. Ibang spelling naman. LOL. Dinugtungan? hahaha.
ReplyDelete@Yow-- hahaha wow nakakrelate ka huh! hehehe.. Hmmm pwede rin.. pero may naisip na ako na mas kakaibang eksena.. wahahaha.. Pero ayaw ko na dugtungan yan hahaha. gusto ko kasi sad ending ayaw ko ng happy ending.. wahahah Bitter-bitteran hahaha
ReplyDeletewaaaah! tinulak ata ni mae si dan! hahahah adik drama etchos ah!!
ReplyDelete@iya-- wahahah. pwede rin baka si Mae nga ang tumulak sa kanya. Naghihiganti.. nyahahaha
ReplyDeleteMake a mistake and learn to live with the consequences. Ganyan talaga. Lahat, may bayad.. wala nang libre ngayon. lols..
ReplyDeleteP.S.
Natawa ako sa comment ni Joshua. Haha! Ibang klase.. lols.
buti nga kay Dan, hahaha! ang mga babae minamahal hnd sinasaktan.. maagang dumating angg Karma kay Dan..:P
ReplyDeletenice story!
adik lang to pre. may gantihan? lol
ReplyDelete@Leah -- i agree.. pero may libre pa naman hahahahaha..
ReplyDelete@Mommy Raxx-- oo nga mommy napaaga ang karma niya.. kawawang nilalang.. salamat for liking it..
ReplyDelete@EngrMoks-- hahah walang gantihan.. walang kasalanan si Ma.e baka katangahan ni Dan un.. baka nadulas siya kasi sobrang emo nya.. hahahahahha
ReplyDeletesimple plot, yet strong in message. apart from the lesson of the story the poignant scene is indeed powerful! congratulations in this entry.
ReplyDeletecheers!
@Leo -- thanks alot Leo..
ReplyDelete