T.G.I.S. (Thank God I'm Single)
I stumbled upon this phrase in the internet while I was looking for the logo of TGIS, the now-defunct teen oriented show of GMA 7.
Medyo natawa lang ako sa phrase na ‘to kasi parang it gives new meaning to my single life. Siguro nga it is really God’s plan that I would be single, well, maybe not just for now pero baka for my entire life na rin siguro. Aaminin ko, minsan nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon eh single pa rin ako, pero kung iisipin mo, maswerte pa rin ako kahit papaano pala. Hindi lang siguro ako nagmamadali na magkaroon ng karelasyon dahil na rin sa takot na akong mabigo at masaktan. Well, may sarili naman tayong choice sa buhay and sa ngayon mas pinipili ko na lang na maging single muna. Masaya naman pala maging single.
Una: hindi ko kailangan magpaalam kapag aalis ako sa isang tao na nakilala ko lang at minahal kamakailan lamang. Hindi ako mahihirapan magpalusot at kapag hindi ako pinayagan sumama sa mga lakad. Kung sa magulang lang ako magpapa-alam, it’s easy. I can get my way through them.
Pangalawa: hindi ako magkakandarapa sa pagtetext minu-minuto kung nasaan na ako at kung ano ginagawa ko o kung kumain na ba ako. At least, kapag single ka text mo lang mga tao sa bahay niyo para alam nila kung asan ka. Ayos na yun.
Pangatlo: pagdating ng sweldo wala kang ibang iisipin kundi ang sarili mo lamang at ang iyong pamilya. Hindi mo proproblemahin kung saan kayo sunod na magdadate. Kasi syempre diba, nakakahiya nga naman na pababalik balik nalang kayo sa isang lugar kung mag date. At siyempre, pag date din, dapat best foot forward kahit na hirap ka na sa kakabudget.

Pangapat: ligtas ako sa ka-cornyhan na tawagan kagaya ng baby, honey, sweetie, muffin, hotcake, at kung anu-ano pang ka-cornyhan. Walang maglalambing sa mga braso ko na minumudmod ang kanilang mukha na para bang mga pusa. In short, walang maarte.
Panglima: wala akong aalahanin na ibang tao kung di ang sarili ko at ang pamilya ko. Wala akong pasensya sa mga taong pag tinext mo kung ano na nangyari sa kanila ang isasagot ay okay lang, kahit alam mong hindi. At least, kung gusto ko maglakwatsa mag-isa, makakaglakwatsa ako.
Panganim: ‘di ka na makakatingin sa ibang tao lalo na kapag crush mo siya. Di ka na dapat titingin kasi meron ka nang boyfriend or girlfriend. Pero pano pag gusto mo talaga siya? Malamang na susunod niyan eh hiwalayan na.
Pangpito: pang dating ng mga birthday, pasko, new year, monthsary, anniversary di kana mabubuwang pa kakahanap at kakaisip ng ireregalo mo sa karelasyon mo. At least, kung ikaw lang mag-isa, alam mo kung ano gusto mo at alam mo kung ano ang makakapagpaligaya sayo. Hindi ka matatakot kung magugustuhan niya ba o hindi ang binili mong regalo para sa kanya.
Pangwalo: you won’t have to wait kapag may lakad kayo kasi usually, lagi late ang boyfriend o girlfriend mo. Wala rin akong pasensya sa mga ganyang tao. Kapag sinabi na ganitong oras dapat sa oras na yun andun na kayong dalawa. Dahil kung hinid, iiwanan kita.
Pangsiyam: malayo ka sa tukso ng pag-che-cheat. Kung single ka, kahit ano pwede mong gawin at dapat pag ginawa mo, tandaan lagi, no strings attached dapat. Kasi kung na-inlove ka, malamang niyan eh sumusulat ka na ng THANK GOD I’M NOT SINGLE.
Pangsampu: wala kang pagkakataon para masaktan at manakit.
***
Inspired and forwarded by a friend named Love.
Inspired and forwarded by a friend named Love.
eh di ikaw na ang single! heheheh. nagsalita ang di single oh. masarap naman talaga ang maging single, pero ako, nangangarap pa rin na may isang tao na makakasama ko'ng bumuo ng pamilya
ReplyDeletehahahaa... oo naman.. ako hintay na lang kung may dumating.. hehehe.. enjoy naman single ehh.. hahaha
ReplyDeleteedi ikaw na ang madaming dahilan. lol.
ReplyDeletemas masaya ang may katuwang sa buhay.
daming rason para maging single noh? wahahah. ayos. inisa isa mo tlga lahat. :))
ReplyDeletehttp://www.hijabified.net
Ahihi!! Napa smile ako sa #1. Ganun kasi ako nung kami pa ni ex. Nagpapaalam.. Kahit na hindi naman nya malalaman (dahil LDR kami), hala nagpapalam pa rin. Respeto lang kasi. :)
ReplyDeleteSa #2, ganun ba yun? hehe.. Kasi for me, hindi masyadong importante ang lugar.. importante kung sino ang kasama. Ayiiii!!
Sa #7 naman, di naman kelangan merong gift eh. Yung maalala mo lang yung mga important dates, okay na. Pag merong gift, bonus na yun.
Masaya nga maging single. Daming mga benefits.. haha!! pero syempre, naghahanap pa rin tayo ng isang long time partner. Yung pang habambuhay. Mas masaya yun, Im sure.
Don't mind me. Inlababo lang ako today. haha!!
Tama!!! pero masarap mainlove.. hehe!
ReplyDeletenatwa sa one nd two.. parang ako lang yan... kelangan updated saken kung saang lupalop yan... kung nde for sure eh u know nah... away... ewan koh bah ba't kelangan mag report lagi saken... pero i'm tryin' naman na mag lie low =P 'la lang napadaan... Godbless! =)
ReplyDeletewow.. atleast.. alam ko na now.. na hindi lang ako ang tanging single na blogger.. ahahahha
ReplyDeleteEh di ikaw na nga ang single! Ako din pala. Haha. Masaya din naman lahat ng ginagawa ng nasa isang relationship kasi lahat ng yun ginagawa mo because of love. Pero in fairness, pag traumatic nga ang buhay pag-ibig mo, biglang sumasaya kapag single ka na ulit. Hahaha
ReplyDelete@Bulakbolero -- hahah oo na ako na ang maraming dahilan.. at ako na din ang hindi masaya at walang katuwang sa buhay waahhhh..nasasad tuloy ako haha
ReplyDelete@Charm- hahah oo walang magawa ehh single kasi walang disturbo kaya naisa isa ko.. salamat..
ReplyDelete@Leah -- waahh ikaw masasabi mo bang TGINS (THANK GOD IM NOT SINGLE)? oii inlab kay bagets? hjehe
ReplyDeleteikaw na ang single!! pero masarap ang ma-inlove ha!! hihihi
ReplyDeleteisa isahin daw ba talaga? Atleast masaya ka sa pagiging single ^^ go for it. may time naman para sa lahat ^^
ReplyDeletehahah at dahil jan, papromote ng blogs ^^
www.lifemeetshappiness.blogspot.com
www.notbuknilhan.com
www.lahingpinay.com