Simpleng Pamamaalam

Nakatitig sa kawalan si Yumi habang nakatayo sa may bintana.

Malakas ang ulan noon at malamig na hangin ang dumadampi sa kanyang katawan. Tila ba nagpaparamdam ng isang malungkot na pamamaalam.

Sumasabay ang kanyang mga mata habang sinasayaw paitaas ng hangin ang kulay asul na tabing ng bintana.

Humakbang siya papalayo at umupo sa may kama.

Nakatuon ang kanyang mga mata sa may bintana at pinagpatuloy ang pagtitig sa kawalan.

Minamasdan ang sayaw ng ulan.

Pinakikinggan ang panaghoy ng hangin.

Malungkot... Balisa ang kanyang isipan... Kinakabahan...

Humiga siya may kam...

Binaluktot ang kanyang mga paa hanggang sa ang mga tuhod nito ay umabot sa kanyang dibdib.

Niyakap ang kanyang sarili na parang isang sanggol na nasa sinapupunan pa. 

Naging mahinahon ang kanyang nararamdaman. Sa sandaling iyon ay nakaramdam siya ng kapayapaan.

Isang malakas na katok ang kanyang narinig na sanhi ng paglakas muli ng pintig ng kanyang dibdib.

Muling nabalot sa pagkabalisa ang kanyang pakiramdam. 

"Siya na kaya yan?" Tanong sa kanyang isipan.

Bumangon si Yumi at dahan dahan na binuksan ang pintuan.

Nakatitig ang isang lalaking matipuno ang katawan na nakatayo sa kanyang harapan.

Walang imik...Nag uusap ang kanilang mga mata.

Pinapasok ni Yumi ang lalaki habang iniwang bukas ang pintuan. 

"Siya na nga!" Ang sambit ulit sa kanyang isipan.
Takot at lungkot ang kanyang nararamdaman. "Marahil ito na ang hinihintay ko na pagkakataon." Ang sabi ni Yumi sa kanyang sarili.

Si BJ...

Sinarado ni BJ ang pintuan habang si Yumi ay bumalik sa aking kinauupuan.

Ilang minuto pa ay wala silang kibuan.

Nagpapakiramdaman...

"Haaayyyy.." Buntong hininga ni BJ.

"Dinalhan kita ng pang almusal mo. Alam kong hindi ka pa kumakain." Ang malambing na sabi ni BJ kay Yumi.

"Di ako gutom." Ang maikli niyang sagot.

"Bakit ka ba ganyan?" Ang pasigaw na tanong ni BJ kay Yumi.

Nagpipigil.. Lumakas ang pintig sa dibdib. Naninikip. Nahihirapan sa paghinga si Yumi ngunit pinilit parin na maging matatag at pilit pinipigilan ang kanyang pag-iyak.Gusto niyang sumagot sa mga tanong ni BJ. Gusto niyang magalit. Gusto niya sumigaw. Pero...

Umupo si BJ sa tabi ni Yumi.

"Sana patawarin mo ako  sa nagawa ko." sambit ni BJ sa dalaga.

Nakayuko lamang si Yumi habang pigil pa rin ito sa kanyang nararamdaman.

"Di ko sinasadyang saktan ka ng ganito." Pagpatuloy ni BJ.

Naglalaro sa alaala ni Yumi ang mga madramang palabas sa telebisyon o di naman kaya ang mga love stories na nababasa niya sa libro. Ganun na ganun ang mga eksena sa loob ng kwarto ni Yumi. 

Ito na yung eksena na sasampalin niya ang lalaki., Magsasagutan sila. Ngunit habang patuloy ang babae sa pagsampal sa lalaki ay pilit namang yayakapin ni lalakisi babae. Hanggang sa mapagod ang babae. Yayakapin ni lalaki si babae ng mahigpit. Yayakap din si babae at maisip niyang sa kabila ng nagawa nito ay mahal na mahal pa rin nila ang isat-isa. Maghahalikan. Magyayakapan ng mahigpit at kalilimutan ang hidwaan at magpaubaya na lang sa kanilang nararamdaman...

Ngunit...

"Kasalanan mo ang lahat ng ito BJ." Ang lumuluhang sagot ni Yumi.

"Niloko mo ako. Hindi ko matatanggap na may nangyari sa iyo ng bestfriend ko." Hagulgol na sambit ng dalaga.

"Sabagay patas lang tayo! I also did what you did. Nagkaroon din ako ng iba habang tayo pa." Patuloy na sabi ni Yumi.

"So.. quits lang tayo right?" Habang may halong ngiti ang kanyang mga luha.

"Ano???" Pasigaw na sabi ni BJ. 

Naglalaro na naman sa isipan ni Yumi ang palabas sa telebisyon. Ito yung eksena na sasampalin siya ng lalaki dahil sa siya pala ang nanloko. Nasaktan ang ego ni lalaki. Iiyak ang babae at magmamakaawa na wag itong iwanan. Nakakaladkad. Ngunit deadma si lalaki.

Naghintay si Yumi sa mga mangyayari. Tila ba proud pa ito sa ginawa niya. Sa tingin niya ay patas ang ginawa niya.

Tumayo si BJ sa kinauupuan. Tumalikod kay Yumi. Sabay kuha sa pasalubong na almusal.. Binuksan ang pinto at umalis ng walang kahit anong salitang binitiwan.

Tulala si Yumi...Habang nakatingin sa papalayong si BJ.

"Yun lang?" Ang tanong sa kanyang isipan...

"San na yung eksenang magmamakaawa siyang balikan ako. Yun lang? Ganun lang ka simple akong iwanan?"


Comments

  1. Awww... ang sad...

    Pero ang galing mo! Very creative writing! Loves it! :D

    ReplyDelete
  2. aba nalungkot ako..:( akala ko magkakabalikan.. haist.. hehe

    ReplyDelete
  3. @Anciro-- hahaha lapit na ako magpaalam.. ahahah Joke!

    ReplyDelete
  4. @MOMMY-RAZZ- heheeh hindi na.. break na sila.. hirap daw kasi kapag niloloko.. hehe

    ReplyDelete
  5. ay ang lungkot. amf!!! nadama ko :d

    ReplyDelete
  6. ouch... grabe.... yun lang.... pero tama quits lanag sila.. lol..

    hay nako... kakaloka.. :P

    ReplyDelete
  7. idol ang galing mo magpahiwatig ng kalungkutan sa storya hehe.. naks!

    ReplyDelete
  8. @Xan-- hahaha idol talaga? ahehehe.. salamat pare ko..

    ReplyDelete
  9. nageexpect pala si yumi. hehehe.

    ReplyDelete
  10. Awww.. Akala ko may jer moments. LOL. Juk lang.

    Ganun na nga lang, kabod.Bitch kasi si Ate eh. Feel na feel ko pa naman ang eksena, parang pocket book lang. Hahaha

    ReplyDelete
  11. yun lang?! yun lang?! wag kasing magpapaniwalang masyado sa mga nababasa at napapanood! ayan tuloy..lintek naman tong si lalaki backstroke agad bakit dinala pati food sayang naman.

    ReplyDelete
  12. @empi-- wahjahaha.. sobrang expect siya na babalikan siya.. pero sorry na lang ahehehe

    ReplyDelete
  13. @Yow-- hahahaha walang jer moments.. nagkaroon ng ibang ka jer si lalaki at gayun dib si babae.. kaya dun napunta sa hiwalayan ang lahat.. hahaha.. carried away ba?

    ReplyDelete
  14. @iya-- ysanga daw ang binili niya na food para sa baba.. siya na lng daw kakain hahaha.. sabay bawi noh hehee

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?