Oh na na, Whats My Name?

 I REALLY HATE MY NAME. dyuk!

Seriously, I really don't like my name that much.

Why?

Tinatanong pa ba yan? For me kasi my name is so common. Madami akong kapangalan.

Gusto ko kasi wala akong kapangalan eh. Gusto ko nagiisa lang ang name ko. Like for example, when I had my Masters may ka name ako na Alex (girl). So kapag tinatawag ang Alex napapatayo kaming dalawa kasi di  namin alam kung ako ba o yung girl ang tinatawag. Nakakainis diba.. pero mas gusto ko na siya ang tawagin haha.. Ayaw ko kasi ang oral recitation ehh.. Lol.

If given a chance at kapag mayaman na ako, I might change my name into something different. Yung hindi common maybe starts with letter "Z" like Zandro, Zabel, Zeebeedee, Zuma (di pala common ha!?) or maybe starts with "X" like Xavier (marami nga lang kapareho) o di naman kaya a name that starts with Ñ. Astig diba?

Pero honestly gusto ko talaga na name nag start sa letter "J". Ewan ko kung bakit pero parang nice ang mga name na nag start sa "J".

Like Joshua, John, James, Jasper, Jeremiah, Jireh. Mga pinsan ko name nila starts with letter "J". Ang saya lang. Nakakainggit. Pag naguluhan yung Mommy nila at nakalimutan kung sino panganay sa kanila tatawagin na lang silang J1, J2, J3 and J4.

Parang yung magkakapatid lang na may Flor ang name. Naguluhan yung daddy nila kung sino ba ang panganay kung si Flor de Lisa, Flor de Luna, o si Flor de Leah ba. Kaya sa kalituhan binigyan na lang niya ito ng code na 1st Flor, 2nd Flor and 3rd Flor. Galing diba?

Mabalik tayo sa name ko...

Akala ko panget ang name ko.

MALI PALA AKO...

Tinanong ko si Mama kung bakit Alexander ang name na binigay nila sa akin.

Here's some facts about my name:
  • Ang nagbigay ng name ko ay ang Lolo ko -- Astig! Nangingialam (dyuk lang! I love you Lolo)
  • Pinangalan pala talaga ako sa magiting na manlulupig at mananakop na si Alexander The Great -- Double Astig!! Ikaw na Lolo!
  • Gusto daw ni Lolo na maging magiting ako gaya ni Alexander The Great
  • Naging great din naman ako.. The Great Protector. The Great Pretender. The Great sa kakulitan. The Great sa kagwapuhan (wag basagan ng trip!)
Akala ko dati pinaka common na ang name na Alexander sa balat ng lupa, yun pala HINDI!

Ayun sa http://www.namestatistics.com/ ang ALEXANDER  na name ay pang #141 most common male first name and 0.132% of males in the US are named ALEXANDER. Around 161700 US Males are named ALEXANDER!

Hindi na rin masama. At least hindi #1 pinaka common ang name ko...

And ang first letter ng name ko starts with letter "A". San kapa pinaka una sa letters ng Alphabeth. Ehh di ako na ang pinaka una.
And to add..

Marami din ang may name na Alex or Alexander ang super sikat and some of them changed the shape of universe with their contributions..
  • Alexander the Great - A towering figure in the ancient history, came close to cinquering the entire civilized world of his day. The son of King Phillip II of Macedon. Alexander was educated by the Philosopher Aristotle and first led troops at age 18.
  • Alexander Graham Bell - the man who invented the Telephone.
  • Alexander Fleming - is famous for discovering the usefulness of penicillin as an antibacterial agent.
  • Alexander Calder - abstract painter and scupltor famous for working in wire and originating the dangling, moving artworks know as mobiles.
And ang next sa mga nasa itaas ay ako na... ALEXANDER CATIERO.. hehehe (Hari ng yabang lang!)

A certain survey says that Alexander is such a nice name. Ako na ang proud sa name ko..









So starting today, I will love my name with all my heart and be proud of it. PWAMIZZ....


Comments

  1. Ayan.. LOVE your name na. Baka magalit sayo si Lolo mo. Hehe.. Ang ganda kaya ng name na Alexander. Kung ako, merong chance na baguhin ang name ko.. it would be either ALEXA. ALEXANDRA or AURA.. Those are regal names.. parang of royalty kasi.

    Like Queen Alexandra.. Princess Aura... Duchess Alexa.. Oh, kitam.

    ReplyDelete
  2. so nagkakaproblema ka ba sa nbi ? ako kasi laging hit dun hahahaha. pero ayos nama ung name mo ah. king na king ang dating hehhee

    ReplyDelete
  3. @Leah-- oo nga love na love ko na name ko baka magalit si Lolo.. ahehehehe.. Astig nga talaga name ko Alexander the Great hahah..

    ReplyDelete
  4. @Bino- hahahaha.. tama ka dyan King na King nga.. ayos! Never pa naman ako na hit sa NBI.. buti na lang hindi common ang last name ko hahaha..

    ReplyDelete
  5. pag ako nagka baby uli ang pangalan eh zhadrock! bakit J?! JeJemon yun yunik yun! ahahah! labya bebe! ;p

    ReplyDelete
  6. ay pahabol love ko kaya ang name na alexander...

    ex ko name alexander din wahahaha!

    ReplyDelete
  7. Wow naman. Solid na pangalan pala itwu. Hahaha. Okay naman ang pangalan mo kasi, nagrereklamo ka pa kuya. Parang dating Coco Martin sa teleserye lang. LOL.

    Nagtry din ako dun sa Name Statistics. #48 ang Joshua, ang dami nilang gumaya sa akin. LOL. At ang Yow? "Very few male first names in the US are YOW. Be proud of your unique first name!" Yun na! Sino ba naman kasing magpapangalan na parang hello ng hiphop. Haha.

    ReplyDelete
  8. @iya-- hahah jejemon ka dyan.. gusto ko yung mala Saint agn name.. Joseph... John.. yung nasa Bible hehe.. Nakkks Love mo talaga ako no? wahahaha.. Ex mo na ako agad? hahaha

    ReplyDelete
  9. pinuntahan ko tuloy yung link na binigay mo. . rare daw parang yung muka ko hahahaha! hey yeah! father ko is Alexander.. kaya gaya ng pag hugot ni Jesus kay Eba sa Tadyang ni Adan. Hinugot din ng Tatay ko ang pangalan ko sa Kanya ayun! sinilang si XAN. hehe..

    be Proud to ur name ^_^

    ReplyDelete
  10. @Yow- hahaha.. mareklamo talaga ako pare.. ahehehe.. pero oo nga unique ang name kwu.. hahaha..Pero mas unique yung sayo.. Yow.. kung Yow talaga ang name mo.. pero Joshua ka ehh.. which is Letter "J".. Inggit much na naman ako.. wahaha...

    ReplyDelete
  11. @Xan-- hahaha.. tama ka.. nice ang name.. Xan...parang Xander lang din.. ooo see magkahawig tayo ng name.. ahehee

    ReplyDelete
  12. Ayos nga sa name eh parang ALEXANDER THE GREAT!!! astig kaya! ^^

    ReplyDelete
  13. Mas common ang pangalan ko. In fact, lagi akong napapahiya. Pag may tumatawag sa pangalan ko, ako ang sumasagot o lumilingon pero hindi naman talaga ako ang tinatawag. kainis lang. hehe

    ReplyDelete
  14. Alexander is a nice name. At least alex is sounds modern. It could be worst if your name is pang prehistoric times like pedro, ibarra, hernani, dakila etc hahhahahaha

    ReplyDelete
  15. ikaw na choi....wla na jud , ikaw najud.. vow

    ReplyDelete
  16. gusto mo pala ang name na nag-uumipsa sa letter J kaya gawin natin ang name mo na JANDER.. hehe!

    ReplyDelete
  17. i hear what your saying...but although your name is common, it's not even close to my name. based on the US statistics, my name has always been in the top 10, if not the top 5 since they started collecting data. and btw, during my senior yr in high school, out of 26 students in my section alone, there are 8 michaels. need i say more...

    ReplyDelete
  18. @Lhan-- thanks Lhan.. oo the great talaga aheheh

    ReplyDelete
  19. @empi- hmm ok lang yan.. just love your name.. hahaha..

    ReplyDelete
  20. @Anciro - heheh oo ako na nga..Pero mas unique ang name mo.. astig.. hehe

    ReplyDelete
  21. @Mommy- hahahah nice one.. Jander is my new name.. waheheheh

    ReplyDelete
  22. @Lonewolf-- hahah ayaw ko naman ng ganung mga names like Procopio, Makahiya, Dakila.. hahah.. pero astig pa din ahah

    ReplyDelete
  23. @Mike-- i agree.. hmm ive also read that in 1981 the name Michael is the number named being use by parents to name their child at least for female..

    ReplyDelete
  24. hanep! yung si ALEXANDER CATIERO ang pinakamalupet.

    pero ako happy ako sa name ko, ANTHONY CARLO ****, at yung last name ko ay pwede rin pangalan ng tao..

    ako na mas malupet.. LOL

    ReplyDelete
  25. yon naman pala eh. at least may pagkamodern pa rin name mo. may kasamahan ako sa work na hate na hate nya name nya. JR pakilala nya, yon pala TOMASITO true name nya. minsan tinawag kong TOMAS, lumingon tapos nabigla ang loko hehehe.

    ReplyDelete
  26. bango bango kaya ng pangalan mo hahaha

    pandigma!lels

    ReplyDelete
  27. Congratulations and Welcome to Blog Idol Season 4.
    Meet your fellow participants here http://blogidol09.blogspot.com/2011/08/introducing-blog-idol-batch-2011.html and get the Sponsors badge for your blog. ^_^

    ReplyDelete
  28. Lol. Pareho tayo yung mga pinsan ko sa isang tito ko, lahat sila J. Yung isa naman R. Kami S bukod sa bunso.

    ReplyDelete
  29. @SOB- hahaha... ikaw na ang malupit.. mapa last name or first name pwedeng gawing first name.. hahaaha Astig..

    ReplyDelete
  30. @Ka Swak-- hahaha.. parang tomato lang ahh.. Yung bestfriend ko sa college naman ang pangalan niya is Rizalito.. parang maliit na Rizal lang.. heheh..

    ReplyDelete
  31. @Jay-- mabango ba? inamoy mo pala? ahehehe.. amoy pawis.. kasi pawisan ka kakadigma.. haha

    ReplyDelete
  32. Kung magkakaanak ako, ang pangalan nung second boy (boy talaga eh!) ay John Paul Alexander. Partida, sinabi ko yan eh nambababae pa ako.

    ReplyDelete
  33. haha natawa naman ako dun sa Flor at J na names..
    di naman talaga pangit yung Alexander... astig nga eh..
    ako naman ayuko ng pilido ko... kasi laging namimispronounce ... surname ko is Coyne pero yung mga teacher ko lagi akong tinatawag na "koyne" imbes na "Coyn" haha lagi ko papaliwanag na silent e yun LOL
    btw i'm following ur blog na at thanks for placing the badge
    gud luck!

    ReplyDelete
  34. @Mugen -- huwaw! Nice nang name.. Letter J ang first name niya hahah.. Pero di kaya mainis anak mo sayo at pinahirapan mo siya sa name na napakahaba? hehe.. Pag nagsulat yan sa school niya lagot ka at tatamarin yan sa sobrang haba.. lo.. Pero enperness nice ang name..

    ReplyDelete
  35. @Bluedreamer27 -- salamat ng maraming.. Ang ganda naman ng last name mo pala Coyne.. Pang mayaman.. Thanks for following Ill follow your blog too..

    ReplyDelete
  36. kuya alex: wala tayong cousin na jasper.. haha
    -from your family.. haha

    ReplyDelete
  37. xander, bida ka dito oh heheh


    http://www.notbuknilhan.com/2011/08/my-babys-name-help.html

    ReplyDelete
  38. ayoko man nung akin. pareho tayo ng first two letters wahahaha. pero may choice pa ba tayo alexander? kaya mahalin na lang natin tong mga pangalan natin hihihi

    ReplyDelete
  39. @Lhan -- yeah thanks for making me a bida sa post na yan ahaha

    ReplyDelete
  40. @Sir Mots-- haha wala na nga tayong choice kundi mahalin ang mga pangalan natin...

    ReplyDelete
  41. wala ka sa name ko..
    Aaron is #77
    James is #1..

    put them together and wala this make this rare.. lol...

    maganda naman name mo ah...

    ReplyDelete
  42. @Aj- astig ng name mo kung ganun.. congrats hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???