What's in my Nickname?

Mahalaga sa akin ang pangalan ko. Pinangangalagaan ko ito gaya ng pag alaga ko sa sarili ko. Nagpapasalamat ako sa lolo ko na siyang nagbigay ng pangalan ko. Naalala ko may naisulat din ako tungkol sa pangalan ko dito dati. Andito ang post na yun - Whats my Name?

Alexander aang binigay na pangalan sa akin.

Kung titignan mo at i search mo sa google ang name na yan ay matutuwa ka dahil nangangahulugan ito na tagapagligtas ng mga taong naapi. Parang super hero ang dating diba? 

Kung nickname naman ang paguusapan, Sa totoo lang hindi talaga Xander ang nakalakihan kung palayaw. Ang palayaw talaga na binigay sa akin ng mga magulang at malalapit na myembro ng aking angkan ay "Andin". Isang palayaw na hindi ko alam kung saan nag ugat at nanggaling. Basta ang alam ko magkasing tunog sila ng Alex. Ngunit habang tumagal ay naging Andok, Budok, Andoken, Androkles (na palaging ginagamit ng lola ko). Ganyan siguro talaga ang language, napaka dynamic.

Dahil nga sa dynamic ang language, naisip ko na ang palayaw ko ay masyadong totoy. Naisip ko na palitan ito at hikayatin ang mga tao sa paligid ko na tawagin ako sa ibang palayaw. Lalo na nung nagsimula akong mag blog ay ginamit ko na ang palayaw na "Xander".

Ngunit yung ibang kakilala ko ay ginagamit ang spelling na "Zander" at yung iba naman ay "Xander". Sa sobrang tuwa ko ginamit ko ang "zxander" sa email ko. Kaya kung napansin niyo ang email address ko na "zxander316". Ang 316 dyan ang isang pamilyar na chapter at verse sa bible. Paborito ko kasi yan. 

Minsan, may nagtanong sa akin kung ang zxander ba daw ay ginaya ko lang sa isang name ng isang Fashing Designer. 

Sabi ko nga sa itaas pinagsama ko lang yung magkaibang spelling ng bago kong palayaw. 

Ngunit nung hinanap ko sa google ang word na zxander, laking gulat ko na isa pa itong slang word na makikita at mababasa sa www.urbandictionary.com

Ang urban dictionary ay isang web-based dictionary para sa mga slang word and phrases.

Hinanap ko din sa webster.com ang word na zxander, sa pagbabasakali na isa nga itong official word. But I failed...

Pero masaya pa din ako kasi ang word na zxander sa urban dictionary ay akmang akma naman sa personalidad ko.. Lol. 

Tingnan ang ibig sabihin nito sa larawan sa baba: 


May tinatawag pala na mocha person. Siguro yung itsurang kape to. Hahaha..

Nakakaliw naman diba?

Ikaw? Na try mo na din ba tignan ang palayaw mo sa world wide web?


Comments

  1. Pinilit ko talagang patunugin ang Andin at Alex pero di naman. failed ako. lol Ang sosyal ng Androkles. hehe Naalala ko si Alexander d' great sa name. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahahah tinry mo talaga patunugin ahahahaha.. Oo Androkles nakakaaliw nga yun.. heheh

      Delete
  2. Ako. Ang nickname ko sa bahay ay Betong. Tapos dhl nga dynamic naging Betongski, Tong, Bets, Tongbets, Tongski, Betang, Tantang, Betsy. Kaloka! Andami na pla! Wahaha!

    ReplyDelete
  3. Ako. Ang nickname ko sa bahay ay Betong. Tapos dhl nga dynamic naging Betongski, Tong, Bets, Tongbets, Tongski, Betang, Tantang, Betsy. Kaloka! Andami na pla! Wahaha!

    ReplyDelete
  4. Ako. Ang nickname ko sa bahay ay Betong. Tapos dhl nga dynamic naging Betongski, Tong, Bets, Tongbets, Tongski, Betang, Tantang, Betsy. Kaloka! Andami na pla! Wahaha!

    ReplyDelete
  5. siguro kasi kasing sarap ka ng mocha kaya gnun meaning ng name mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha.. mukhang ganun na nga.. masarap na nakakabuhay pa.. hahha

      Delete
  6. Alam ko na order mo sa Sunday... mocha!!!

    ReplyDelete
  7. yung nickname ko na denggoy, nanggaling sa isang kaklase sa haiskul. na nadala ko hanggang college. hanggang ngayon na nagtatrabaho na'ko. hehe. ;)

    ReplyDelete
  8. john chapter 3:16 :D

    ReplyDelete
  9. wow try ko nga to minsan haha pag di na ganu bz

    ReplyDelete
  10. morning mocha! haha..napadaan here :)

    ReplyDelete
  11. akala ko bday mo ang 316 :) Cuite ng Xander, buti hindi Alex ang ginawa mong nick, masyado ng gamit :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malapit na din sa birthday ko yung 316... bale, 322 naman yung bday ko haha

      Delete
  12. Ang kewl! Buti pa yung nickname mo nasa urbandic. hehe.

    ReplyDelete
  13. it's either you will buy Mocha Frappe or Mochaccino on Sunday hehe

    ReplyDelete
  14. mas ok ang Androkles lols! ganda talaga ng font ng blog, anong dont yan!?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha.. Hmm.. naisip ko na din yan maganda talaga ang Androkles

      Delete
  15. you're so zxander.. hehehe may ganyan na palang slang.. nice to know :P

    ReplyDelete
  16. may ganun palang slang.. you're so zxander.. hehehe :P pwede ba kitang i-dare.. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong klaseng dare yan... dont you dare.. Daredeveil ako hahahaha

      Delete
  17. naku kung iyong tunay kong pangalan. sobrang palasak na. mas madali pa nga akong makilala sa pseudonym ko e. hehehe

    pero ang alam kong meaning ng real name ko ay blessed and divine gift.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

November 1 na ba???

Happy 2013!!!

Oh na na, Whats My Name?