MANHID
Kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon mo, eh wala ka nang pakialam.
Kung baga pa sanay ka na sa nararamdaman mo.
Immune.
Hanggang kailan ba dapat umabot sa punto na maging manhid ang ating nararamdaman?
Yun ba ay kapag sawa ka na.
Kapag ba paulit-ulit na lang nangyayari ang isang bagay at kahit na anong gawin mong paraan para maayos ito, wala pa din.
Talo ka pa din.
Lugi ka pa din.
Nasasaktan ka pa din.
Ngunit bakit sa tuwing naging maayos ang sitwasyon mo eh bumabalik ka na naman sa nararamdaman mo.
Gaya sa isang relasyon.
Kapag napagod ka na at sobrang nasaktan ka eh nagiging manhid ka na.
Anytime, pwedeng sumuko at inawan ang kung ano man ang meron kayo.
Pero kapag sinuyo ka na naman.
Kapag pakiramdam mo ikaw ay binabalikan.
At kapag sa tingin mo ay gusto niya na sana magkaayos kayo at muling magkabalikan...
Umaasa ka na naman.
Nabigyan ka na naman ng buhay.
Muli kang magtitiwala sa pagibig.
Falls hope nga ba ang tawag dyan o sadyang totoo lang talaga na nakikipagbalikan?
Pero kapag nagkagusot na naman...
Babalik at babalik ka na naman sa nararamdaman mo.
Masasaktan.
Maiinis.
Isusumpa ang pagibig dahil sa pagiging unfair.
Magiging manhid muli.
Paikot-ikot lang diba?
Paulit-ulit lang.
Ngunit kahit ganun pa man, ay muli tayong magtitiwala.
Muling aasa.
Parte na siguro ng buhay ng isang tao ang masaktan at maging manhid.
Kasama na yan sa pagiging tao natin.
Bahagi ng buhay natin.
Ngunit alam mo kung ano ang masaklap?
Yun ay yung umabot ka na sa punto na ayaw mo nang umibig muli.
Ayaw mo nang magtiwala muli.
Ayaw mo nang masaktan muli.
Takot ka na sa lahat ng bagay.
Kaya kahit dumating na ang tamang tao para sayo, takot ka pa din magtiwala.
Saklap.
anung pinagdadaanan mo ngayon?
ReplyDeletekung manhid ka lang iindahin mo lang ang sakit pero ang pagkatakot ay pagiging duwag..just a thought..i just love reading your posts :)
ReplyDelete