Posts

Showing posts from September, 2012

November 1 na ba???

Image
Seen a ghost? Well, try to check the picture above. Ang larawan na ito ay kuha po sa loob ng kwarto namin ngayong umaga pagkagising. Try to look closely at door in the living room. Ilapit mo mukha mo sa monitor mo tapos idilat ang mga mata mo... see a man standing at the door staring in our room holding something? That's what I'm talking about... Bisita namin yan...That is the reason why I have been experiencing something different in this apartment. Afraid? Well, fear not! they don't do any harm. Lol. Maagang pananakot lang? Ganyan?

Paglalakbay sa Byahe ng Buhay

Image
Patuloy ang byahe ng buhay Dala ay pag-asa sa ating paglakbay Sa bawat hampas ng alon Tiwala na tayo ay makakaahon  Sa hirap ng buhay tayo ay babangon Makakarating din tayo Kung saan ang paraiso ay naroon.  Ang larawan sa itaas ay kuha noong Marso 2012 sa Pearl Farm Beach Resort, Davao City. Ang larawan na ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards Year 4        

Unsent Postcard #1: Cares

Image
Sa aking pagpapatuloy ng pagiging positive sa buhay. Isa sa pinanghahawakan ko ay ang tiwala sa Panginoon. Alam niyo, kahit na anong pagsubok sa buhay malalampasana natin kapag tayo ay may paniniwala at relasyon sa Maykapal. Higit sa anong uri man ng relasyon ay kailangan natin ang Panginoon. Gaya ng sabi ko, kahit anong pagsubok man ang ating pagdaanan dapat tayo magpasalamat. Ngunit aminin natin na minsan hindi maiiwasan na nalulungkot tayo. Hindi natin hawak ang buhay at ang bukas. Kaya kapag nalungkot ka, tandaan mo lang na may isang gustong makinig sayo. Para maipagpatuloy ang pagiging masaya minsan kailangan din natin ng lakas na galing sa kanya. Kaya kapag malungkot ka at nahihirapan, ibigay mo lang lahat sa kanya. Magiging masaya ang buhay mo. Kaya ang card na ito ay pinapadala ko sa lahat ng mambabasa ng blog na to at mga mahal ko sa buhay na sana wag tayong bumitiw agad at magtiwala lang. Masaya ang mabuhay... Cast all your cares on HIM, for he cares for ...

Yohoo! Celebration...

Image
Happiness is a choice. I believe that being happy is your own choice. You can still be happy even if you are in a very difficult situation. Imagine.. yung mga taong nakatira sa ilalim ng tulay o yung mga natutulog sa kalsada nakikita mo na kahit gaano kahirap ang buhay. Nakangiti pa rin sila... Kaya ngayong araw na ito, sisimulan ko ang maging masaya. Positive lang dapat, sa lahat ng bagay. Mahirap man o nasa problema. Think positive lang. Ngayon, naisip ko na ang dami ko palang dapat ipagpasalamat at i-celebrate. Alam mo yung kahit gaano kahirap ang buhay ay kaya mo pa rin ngumiti. May pera o wala, may ngipin o wala nakangiti ka pa rin. Maramiing bagay ang dapat italon at mag celebrate. Halimbawa... Noong naholdap ako, nagpapasalamat talaga ako na hindi ako nasaktan o ano man. Mas mahalaga ang buhay kesa sa bagay na nawala.  Kapag nagkakasakit ako, nagpapasalamat ako na hindi malalang sakit ito na ikinawala ng buhay ko.  Dapat din ipagpasalamat at icelebrat...

Palatandaan Ng Isang Tunay Na Kaibigan

Image
          Marami sa atin ang naghangad na magkaroon ng tunay na kaibigan. Maliban sa pamilya ang mga kaibigan ang isa sa mga tinatakbuhan ng karamihan sa atin sa tuwing magkakaron tayo ng problema. Sila yung mga taong matatawag natin na pangalawang pamilya o di kaya ay mga kapatid natin sa ibang ama/ina. Gaya ko marami ng dumaan sa buhay ko na tinawag kong tapat na kaibigan. Mangilan-ngilan na din ang nagsabi na kabigan nila ako, ganun din ako sa kanila. Madali akong magtiwala sa isang tao lalong lalo na kung naramdaman ko ang integridad o katapatan. Ilang beses na dni akong nasaktan dahil sa sobrang tiwala na binigay ko sa isang "kaibigan" ngunit sa bandang huli ay nagiging parte lang sila ng aking nakaraan at hindi ang hinaharap. Yung parang dumaan lang sila sa buhay ko para magbigay kulay at maging bahagi nito sa maikling panahon. Nangangarap tayo na may isa o dalawang tao tayong makakasama sa kahit anong pagdaanan natin sa buhay malib...