Posts

Showing posts from May, 2013

Update-update Din Pag May Time

Image
Andaming update na nangyayari sa mundo, blog ko na lang ang wala pa.
May mga naihalal na pala na mga bagong Senador.
Patay na pala si Bella Flores.
Bumisit pala si Sarah Jessica Parker sa Pinas at nag ribbon cutting sa SM Aura.
Hiwalay na pala si Ai Ai Delas Alas at ang kanyang bagong asawa. Akalain mo yung kakakasal lang last month hiwalay agad?
Ang daming update sa mundo. Blog ko na lang ang wala pa.
Loser.
Ipagpaumanhin niyo po sa hindi ko pag update sa blog na ito. Naging busy lang po sa trabaho at mga bagay na kailangan bigyan ng pansin. Mahalagi sa akin ang blog na ito. Kaya kahit na busy ako sa buhay ko eh bumibisita pa din ako dito. At nagbobloghop din ako, di nga lang halata. UNA, dahil sa opisina ako ng boblog at naka block ang mga blog dito lalo na pag hindi naka dot com (haha..racist kasi IT namin dot com lang ang pwede bukas..joke!). PANGALAWA, pag nagplano ako mag blog sa bahay nakakatulugan ko na lang ang laptop nang hindi ko namalayan. Pagising ko , ayun umaga na…