Ang Damuhan, Ang BnP, at Ako

Nakakatuwang isipin na ang pinaghirapan mong kwento ay mapansin, purihin, at mabigyan ng karangalan lalong-lalo na kapag galing ito sa mga kapwa mo blogero. Sa totoo lang plastik kung sabihin ko na hindi ko naman hinangad na mabasa ng nakararami ang aking mga sinusulat sa blog na ito at hindi ko hinangad na sana ay maraming mag comment sa post ko, o di naman kaya ay purihin ang gawa ko. Kahit sino naman sigurong manunulat ay hinangad na mabasa ang pinaghirapan natin diba? Kaya Oo! Kailangan ko ang kunting awa niyo.. Mag comment naman kayo sa mga post ko. Utang na loob! Lol. Kidding aside...( minsan lang ako magpatawa..Waley pa! ) Unang-una, personal blog ito; dapat ay patungkol sa sarili at sa mga kalokohan ko ang mga nakasulat dito. Pero gaya ng wika dynamic din ang utak ng isang tao. Pangalawa, hindi ako mahilig magsulat ng mga kwentong gaya ng entry ko. Marahil sa haba ng panahon ay nagbago na ang pamamaraan ng pagsusulat ng isang blogero. Gaya ko na hindi mahilig magsulat...