Nuff Said

Si Kamahalan, ang PBO, at mga bagong Kaibigan

UPDATE: Dahil sa marami ang naghahanap ng photos. Ayan na! Hiram ang mga larawan kay AXL at Mar. Ahemmmm!

Noong nakaraang biyernes ay naimbitahan ako sa isang eyeball ng mga kapwa ko blogero. Noong una ay nagdadalawang isip ako dahil unang una may pasok ako sa araw na iyon dahil sa panggabi ang pasok ko at 6pm ko sila dapat kitain ay nag say "no" muna ako; pangalawa dahil sa mga isa or dalawa lang ang kakilala ko sa mga magmimeet medyo dyahe ako. Tahimik kasi ako sa personal. Lol.

Pero dahil sa pagpursige ni kamahalan na itago na lang natin sa pangalang Arvin ng  www.archiviener.com (na ang blog niya ay for invited readers na ngayon at di ko na nababasa..may pinagtataguan ata..LOL) ayy napilit ako sa isang kondisyon... Kailangan niya kami pasalubungan ng starbucks tumbler from Singapore.. Duk! Syempre gusto ko talaga mameet sa personal si Arvin dahil sa matagal na din naman kaming magkakilala at isa siya sa masugid na magcomment sa mga post ko sa blog na ito kahit na minsan feeling ko walang kwenta ang post ko ay nagcocomment pa din siya. At kahit na minsan lang din ako nakadalaw sa blog niya ehh dinadalaw pa rin niya blog ko. Kaya napa "yes i do" ako. Kasama kung pumunta si Karlo/Suplado ng Supladong Office Boy kasi mahiyain kaming dalawa sa personal. Haha.

Si Suplado, Si Ako, Si Mar, at Si Kamahalan (Larawang Kupas hiram kay AXL)

Nagplano na magkita sa Resorts World Manila ngunit dahil sa lintik na traffic ehh napagdesisyunan na sa MOA na lang kami magkikita. Nakakahiya man na late kaming dumating ehh ipagpaumanhin na po ninyo. 

Syempre pagdating namin dun eh una kaming binati ni Kamahalan na si Arvin at sumunod naman yung mga nakilala na namin dati na si Mar at ang sikat na blogger na si Bagotilyo. May iba din na pamilyar sa akin dahil binibisita ko din ang blog nila gaya ni SunnyToast at si Senyor, though once or twice ko pa lang ata nabibisita ang blog ni Senyor..at si Josh o Kulapitot. Masaya din naman kaming binati ng ibang mga bloggers na andun na ang matatandaan ko lang na name ay sina...  Daddy Jay , Pao (John Paul), at yung iba na nakalimutan ko ang mga pangalan.. Memory gap!

Ako, Si Senyor at Si Suplado (nakaw na litrato galing kay AXL)
Sa totoo lang ilang pa din ako makipagkita sa ibang bloggers unless close na close na kasi sa blogospero pa lang. Pero alam niyo may natutunan din ako sa tuwing makikipag meet ako sa ibang bloggers...

  • Ang pagbuo at pagkakaroon ng mga bagong kaibigan ay hindi lang matatagpuan sa opisina, sa paaralan, sa bahay, sa simbahan.. yung iba makikilala mo din sa blog world, sa internet, sa twitter o facebook.
  • Maraming kang matutunan sa buhay ng ibang bloggers kapag nakita mo sila sa personal. Marinig ang bawat kwento ng buhay nila at kung pano sila nagsimulang mag blog.
  • Masaya makipag usap o makipagkita minsan sa mga taong kapareho mo ng hilig gawin sa buhay..--- pagiinom, pambabae, pagsusugal... Pagsusulat at Pag-blog. 
Bago ko pala makalimutan, ang karamihan sa mga na-meet ko nung Friday ay myembro ng PBO (Pinoy Bloggers Outreach) na may gagawing Bazaar sa Pasig Capitol Community Church sa darating na February 24, 2013. Ayun! kaya punta na.

Dinner Time








Pasenya na pala dun sa mga nakalimutan ko ang mga blog at name. Pasensya na medyo tumatanda na eh. Lol.. Comment na lang kayo dito at iwan ang bloglink niyo at nang ma follow ko kayo. Again, #AMASORRY... Hug ko na lang kayo... para di magtampo.

Maraming Salamat! Sa uulitin as sa muling pagkikita...

29 comments:

  1. Tampo ako! Nakalimutan mo pangalan ko! Jowk! hahaha At talagang sikat si Bagotilyo!! hahaha

    Sa susunod na EB uli! O kaya ay event ng PBO!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakalimutan ka dyan.. hahaha.. nakamention kaya name mo.. ayun ohh MAR hahahaha..

      oo Sa sunday magkikita tayo ulit.. haha

      Delete
  2. di ka naggrab ng photos! inimagine ko na lang tuloy lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu nga ehh di ako nakapag grab kasi hindi ko alam kung kanino ako mag grab wahahaaha..

      Delete
  3. ok lang po yun. pleasure is mine meeting all of you last weekend :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat ng marami yccos.. nice meeting you too.. hope hindi pa yun ang huli

      Delete
  4. naks naman! tayo di pa nakaka pag meet, pa desribe mo na lang kay Van ang ichura ko lols!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah di na kailangan ipadescribe kasi ang dami mong pic sa fb wahahaha...

      Delete
  5. Sana hindi mo na lang ako na-mention para may hug.... tsk...

    Maraming salamat sa mention po ng event... at maraming salamat dahil naka-delihensya kami sa inyo tru PBO button pins...

    Sana hindi 'yun ang huli...

    ReplyDelete
  6. kapag ako na meet mo madami ka din matutunan sa akin. lalo na sa pang araw araw na pamumuhay. charot hahahha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahhaa... sige turuan mo ako ng mga bagay kung paano mabuhay hahaha

      Delete
  7. ahahaha asan na yung pics!!! hehehe

    ako dati, nagkataon namang nasa MOA si jepoy at kumagcow tapos basta may mga di na ako kilala tapos ako lang girl so parang ayoko pumunta pero nung nagpunta ako, ansaya ko kasi ansaya magkaroon ng new friends tapos mas naging close mo pa sila kahit di mo pa nabisita dati blog nila...

    natawa naman ako na kayo pa ni supladong office boy yung mahiyain hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maam pasensya na wala kasi ako dalang kamera nun ehh at di ako nakapag grab ng photos sa mga dumalo sa EB hehehe.. Masaya talaga makakilala ng mga bagong mukha lalo sa mga bloggers hehee

      Hahaha oo mahiyain talaga kami sa personal wahahahahaha

      Delete
  8. nandun ako sa EB. Joke! hahahah. sayangs. Noong saburdei ako pumunta. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayy andun ka ba? hehehhe.. sayang di tayo nagkita...

      Delete
  9. Tampo din ako, kasi walang link ang pangalan ko! hahaha! Joke salamat at isa ako sa natandaan mo (palibhasa one syllable lang) haha!

    Pasensya na at hindi ko na kayo nahintay kanina sa ICU. :(

    Ayun nice meeting you kuya Xander! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahahaha... wag ka na tampo Pao.. may hug naman ehh para sa hindi masyadong na promote ang blog.. lol...

      Okay lang yun.. see you next time and nice meeting you too!

      Delete
  10. ayus! hehe sana minsan makasama din ako sa mga EB ng bloggers! :)

    ReplyDelete
  11. sayang talaga at di ako nakarating sa eyeball na yan
    dame kasing kabusihan eeh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu nga sayang at di pa kita nakita.. Maybe next time???

      Delete
  12. ang dami nyo daw nong EB ninyu. yung ngang friend ko si xoxo_grah iilan lang din nakwento sakin pag balik nya dito sa dumaguete. buti ka pa nga nakasama sa EB. ako naku hanggang stories nyo nalng ako nakaabang. si axl palang ang naglabas ng mga photos nong EB.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo ang dami namin mga nasa 16 ata kami lahat.. hehehehe.. dapat sama ka minsan.. wala nga akong photos dito ehh kaya kwento na lang ibabahagi ko.. hehe

      Delete
  13. Waley aq haha, sa txt lang aq nagparamdam, nung nagsbe aqng "This is Martin," haha chos

    Bata ka pa papi, hnd na nga tayo tumatanda db? Hehe

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Papi.. hindi ka naman kasi pumunta ehh hahaha,.. hanggang text ka na lang ba ngayon at hindi ka na magpapakita sa akin? heheh..

      Ayy uu nga pala.. immortal pala tayo ahehehee

      Delete
  14. Finally, we've met. Isang karangalan na makita ka namin at si Karlo. Salamat :D mahiyain nga kayo. Parang ako din. Thanks din sa pagpromote ng PBO.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. nice to meet you finally Kamahalan..

      Delete
  15. Damn heyt yu xander.. panu mo ko makikilala e di ka nag sasalita? nyahahaha..
    TAs ang lakas ng loob ha? kayo pa ni Suplado ang mahiyain? e kayo nga yung tipong me galit sa mundo at sa amin? JUK! humor blog ka pala e..personal ka pa jan eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha..ramdam ko galit mo ah hahaha.. lol.. Uu mahiyain talaga ako ahhaa

      Delete

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!