STRANDED
Isang araw na ang nakalipas at di pa rin nakabalik si Patrick. Alam ko na kinuha na siya, gaya ni Russel. Alam ko kami na ang susunod. Ako na ang susunod...
Ganun nga siguro kapag ang mga patay ay muling nabuhay at muling naglalakad sa ibabaw ng lupa. Buong akala ko sa pelikula lang ito nangyayari. Akala ko sa mga kwento lang sa libro o isang kathang isip lang ang mga ito ngunit iba pala kapag naranasan mo talaga ang magtago, ang tumakbo at tumakas palayo sa mga Zombie.
How? Aba! Malay ko. Nagising na lang ako na ganito na.
Why? Mas lalong hindi ko alam. Yan din ang gusto kong malaman.
Yan ang mga katanungan at kasagutan na paulit ulit bumabalik sa isipan ko. Basta ang alam ko lang andito ako ngayon nakatago sa loob ng isang imbakan ng damit sa loob isang department store. Tahimik lang para hindi marinig ang aking kaluskos ng mga naglalakad na patay. Madilim dito sa loob ng imbakan para na rin hindi ako makita agad.
Ang alam ko lang may dalawang pinto sa imbakan na ito. Ang pangunahing pinto na nakasara at alam ko na kapag lalabas ako sa pintong yun ay mahuhuli na nila ako. Yung pangalawa ay ang pinto sa likod kung saan nila dinadaan ang mga kargamento at mga bagong biling damit at paninda. Wala na siguro akong ligtas dito. Gaya nung iba na nagpasyang umalis sa imbakan na ito.
Sa totoo lang walo kami sa loob ng imbakan na ito, kasama si Andrea. Magka-opisina kami ni Andrea sa gusaling kaharap ng department store na ito. Dati pinagmamasdan ko lang siya sa canteen habang kumakain at kapag nakasabayan ko siya sa elevator ay naamoy ko ang kanyang pabango na laging naiiwan sa loob ng elevator. Pero ngayon heto kami nasa loob ng isang imbakan. Kami na lang ang natira. Kahit na kunting amoy ay wala na akong pakialam. Kahit hindi na kami nakakaligo ay hindi na mahalaga.
Ito na ang pang sampung araw namin sa loob ng imbakan. Yung pangalawang araw namin dito, lumabas si Jose pero di na nakabalik. Siya yung pabida sa isang pelikula na nagtatapang tangapan pero wala, siya yung unang makakain. Ang unang mapapahamak. Ang unang nawalan ng papel sa isang magandang pelikula. Sumunod si Rosa at Tope, gusto nila hanapin si Jose. Pagkatapos kanina lang nung nilamon ng dilim ang paligid, si Naomi. Gusto niya magtago sa dilim ng gabi para di makita ng mga Zombie. Iniisip siguro niya na dahil madilim eh mahihirap siyang makita at mahanap ng mga walang awa na Zombie na walang ibang gustong kainin kundi ang aming utak. Pero di na rin siya nakabalik.
Isa din sa mga dahilan kung bakit sila umalis ay para malabanan ang isa sa pinakamatindi naming kaaway - ANG MAGUTOM. Kailangan namin makakain. Kailangan namin ng lakas para mabuhay kailangan namin subukan mabuhay. Sa tingin ng iba ang kinalalagyan namin ay wala nang pag-asa. Pero, gusto lang talaga namin subukan.
Sa ngayon kaming dalawa na lang ni Andrea sa loob ng imbakan. Ang dating pagnanasa ko sa magandang hubog ng katawan ay nawala na. Ngayon kahit isang bakas ng ngiti sa aming mga mukha ay wala na. Ang tanging nagagawa namin ay ang obserbahan ang mga kaluskos at ingay sa labas ng imbakan. Magkatitigan man kami ngunit pero wala itong halong sekwal. Ang tanging pagnanasa na lang na natira sa akin ay ang pagnanasa na makatakas at mabuhay na malayo sa takot at kaba.
Naisip ko na minsan ang buhay ng isang tao ay nababago kapag nasa sitwasyon na gaya nito. Wala kang pagpipilian na iba. No choice kung baga. Iba ang nagagawa ng isang sitwasyon na kunti lang ang pagkakataon mo para mabuhay. Kung dati pinagnanasaan ko si Andrea na makasama sa isang malamig at madilim na kwarto. Pero ngayon nawala ang pagnanasang yun dahil sa isang pagkakamali lang namin ay pareho kaming masasawi.
Kailangan naming lumabas sa pinagtataguan namin para maghanap ng makakain. Kailangan din naming lumabas at tahakin ang daan na tinahak nila Patrick, Russel, Jose, Rosa, Tope, at Naomi. Kailangan naming lumabas at harapin ang kapalaran na naghihintay sa labas. Kung hindi man kami lalabas sa imbakan na ito ay mamamatay rin naman kami sa gutom. Lalabas man o hindi, kamatayan pa rin ang naghihintay sa amin ni Andrea.
Isang sinag ang pumasok sa loob ng imbakan. Sinag nang araw na nanggaling sa butas ng pader na nagmula sa labas. Ito na nga ba ang sinyales na kailangan na namin harapin ang umaga?
Tumingin ako kay Andrea. Tinitigan niya ako sabay buntong hininga. Tumayo ako sa may pintuan at hinawakan ang tatangnan nito. Tumingin ulit ako kay Andrea. Tumango siya. Palatandaan na handa na siyang harapin kung ano man ang nagaabang sa amin sa pinto.
Kailangan namin gawin ito para mabuhay kesa pumirmi sa loob ng madilim na imbakan na ito na puno ng takot. Kailangan namin mabuhay. Kailangan namin lagpasan ito.
Kung ang mga zombie kailangan nila kumain ng utak para mabuhay kahit patay na sila. Kami ni Andrea kailangan namin gamitin ang lahat ng aming alam at kakayahan para mabuhay. Hindi ako papayag na hanggang dito na lang matatapos ang buhay namin at wala kaming ginawa.
Ay bitin naman tong zombie story mo parekoy hehe!
ReplyDeleteMaraming pwedeng mangyari pag lumabas sila dun sa imbakan. It's either isa sa kanila ang maging zombie or both. Pwede din makaligtas sila pareho. Game of survival talaga ito.
I-ready na ang mga ammunition at magtanim ng Pea Shooter at Sun Flower!
ayan na sila!!!!
Ang dami kong reserba na sunflower hahaha panigurado tatalonin ko mga Zombie na yan..
DeleteHehehhe..sinadya kung bitinin para ma thrill.. hehehee
Ang tanging pagnanasa na lang na natira sa akin ay ang pagnanasa na makatas at mabuhay na malayo sa takot at kaba.
ReplyDelete"makatakas"" yata ibig mong sabihin dito? lol
feeling ko may kasunod ito! walking dead style eh. ganda!
Hahahah..uu nga noh..
DeleteMakatas talaga. Pagnanasa kasi.. dapat pag may pagnanasa dapat makatas ang pinagnanasahan.. hahaha joke lang.. #typo
Sana may maisip pa akong isusunod dyan hahaha...
sa simula akala ko it's just another zombie story pero habang tumatagal nagugustuhan ko ang pinupunto nito.
ReplyDeletegusto ko yung storyang ito.. malalim at parang maraming gusto sabihin :)
Thank you Aaron...
Deletewow walking dead inspired post haha at si andrea ee kasama pa haha
ReplyDeletenaku dame ko na bes naisip anu gagawin ko sa mga pagkakataong yan haha
katakot pero astig in a way haha
ako din nagiisip na ako kung ano ang gagawin ko kapag nangyari yan at saan ako magtatago.. waahhh
DeleteAzztig ang iyong kwento pareng Xander... magaling... hindi ako mahilig sa walking dead series o anything zombie related pero absorbed ako sa istorya... ang sakit nga lang nito sa puson... nakakabitin...
ReplyDeleteAyy salamat naman Senyor!
DeleteHindi ka na mabibitin kasi na release na ang next book.. lol.. book talaga.. haha
Yown! At talagang may pag nanasa pa din sa istorya haha! Bakit "Andrea" pa? -_- lol Next!
ReplyDeleteHhahahaha.. ganun talaga minsan kailangan may bastos sa kwento lol.. kiddding..
Deletebakit may problema ba tayo sa name na Andrea, Pao? hahaha hmm.. siguro may kilala kang Andrea ang name no? Hahahaha..
bakit nawala yung comment ko rito? you deleted? sama!
ReplyDeleteHindi ko po denelete.. wala po akong kinalaman.. nasa itaas po ang comment mo.. haha nasa ibabaw ng comment ni pao.. nakapatong ka sa kanya haha
Delete