Taken
Saksi ako kung pano nangyari ang lahat, kung pano mawalan, at kung paano kunin ang lahat sa akin.
Nagtatago kami nuon sa kwarto sa pagitan ng kisame at ng bubungan. Biglang nagutom si Mama kaya nag desisyon siyang bumaba at pumunta sa kusina. Sa oras na iyon ay ubos na rin ang nakaimbak naming pagkain. Pinigilan ko siya kaso sabi niya hindi niya na kayang tiisin ang kalam ng kanyang sikmura. Karga ko pa si bunso noon, tatlong taong gulang pa lang siya. Ang sabi ni Mama, para din makakain na si bunso at nagugutom na din kaya kailangan niyang bumaba. Ubos na ang nakaimbak na pagkain namin sa pinagtataguan namin kaya kailangan na niyang pumuslit ng pagkain sa kusina. Naalala ko dati noong nasa ayos pa ang mundo palaging may tinatagong pagkain si Mama at si Papa para daw sakaling magkaubusan ay may makakain kami. Heto na ang panahon na yun. Sagana sa pagkain ang aming bahay. Hindi gaya ngayon, salat sa pagkain at maiinom.

Dahan-dahang bumaba si Mama sa hagdan. Alam ko dilikado pero kailangan. Naglalaro sa isip ko paano kung may mga Taong Gala na nagaabang sa kanya sa baba. Pano kung may makarinig sa kanya? Pano na lang. Ano ang gagawin ko? Pano kung makuha siya at gawing pagkain ng mga Taong Gala.
Taong Gala? Oo, yan ang tawag ko sa kanila. Palakad lakad lang ng walang papupuntahan at patutunguhan. Gumagala. Tahimik na naglalakad. Akala mo deadma lang sila. Pero dead naman talaga sila, akala mo wala silang pakialam pero kapag malapit ka na at nakaamoy sila ng sariwang laman sasakmalin ka at gawing hapunan.
Pinigilan ko si Mama. Sabi ko, ako na lang ang bababa. Mas mabilis ako sa kanya tumakbo. Okay na din siguro kung ako ang kukunin kesa si Mama. Hindi ko kaya mawala siya sa buhay ko. Mahal ko si Mama at ang kapatid ko. Pero wala siyang imik. Tahimik lang siyang sumisilip sa maliit na butas at pinagmamasdan kung may Gala bang nasa paligid lang. Wala. Tahimik ang ibabang parte ng bahay namin.
Dahan-dahang binuksan ni Mama ang pinto. Walang kahit na anong ingay ang maririnig mula sa kanya. Kahit ang paghinga niya ay bilang at hindi makabasag pingan. Wala akong kibo. Niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko at siniguradong hindi siya magising sa pagkakatulog. Lumingon si Mama. Ngumiti. Pilit kung tinitigan siya sa mata ngunit nanlabo ang paningin ko. Natatakpan na nang namumuong luha ngunit pilit kung tinitigan ang maaliwalas na mukha ni mama at ang labi niyang pilit na binubulong ang salitang...
"Mahal na mahal ko kayo"
Pinahid ko ang aking luha. Pinigilan ang pagiyak. Tahimik na sinara ni Mama ang pinto. Naghintay ako ng ilang minuto. Limang minuto... Anim... Pito... Walong minuto.. Sampung minuto... Wala pa si Mama. Kinabahan ako. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko. Tumayo ako at dahan dahan na nilapag si Bunso sa sahig pero nagising siya. Biglang umiyak pero niyakap ko siya at sinayaw habang kikantahan ng paborito niyang oyayi. Mahinang mahina ang pagkanta ko, nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga para siguradong siya lang ang nakakarinig ng aking awitin. Tumahimik siya pero dilat ang kanyang mga mata at nakatitig lang sa akin. Tila naglalaro sa kanyang isipan na mapapahamak kami kapag gumawa siya ng ingay. Hinalikan ko siya sa pisngi at inilapag ulit sa sahig. Walang imik si bunso tila nakakaintindi sa kung anong balak kong gawin.
Hinay-hinay akong lumapit sa pinto, nasa posisyon na akong buksan ito. Kailangan ko mahanap si Mama. Kailangan makabalik siya dito. Sumilip muna ako sa butas at siniguradong walang Gala sa paligid. Lumingon ako kay Bunso. Nakatitig siya sa akin at binigyan ako ng napakagandang ngiti. Naluluha na naman ako pero pinipigilan ko ang luha ko. Kailangan ko maging matapang. Kailangan ko maging malakas para kay Mama at kay Bunso.
Sinara ko ang pinto at siniguradong hindi ito mabubuksan ng Gala sakaling magkagulo man. Dahan dahan kung tinungo ang kusina para tingnan kung andoon si Mama. Wala siya. Pero bukas ang kabinet kung saan nakatago ang mga pagkain. Walang laman ang kabinet. Malamang nakuha na ni Mama ang pagkain. Pero nasaan siya?Bakit di pa siya nakabalik sa pinagtataguan namin?
Hinalughog ko ang bawat kwarto ng aming bahay. Pumunta ako sa banyo na katabi lang ng kusina. Wala siya. Tiningnan ko ang kwarto ni Bunso, baka sakaling kumuha siya ng natitirang damit nito. Wala din siya doon.
Nasaan ka na Mama? Ang tanong ko sa sarili.
Pumunta ako sa may sala baka andun siya. Wala rin si Mama. Tinignan ko ang pasilyo sa bandang kanan ng aming sala. Nakabukas ang ilaw. Yung an ilaw sa kuwarto nila Mama at Papa. Dahan-dahan kung tinungo ito. Kalahating bukas ang pinto ng kuwarto. Marahan kong binuksan ang pinto at nakita ko si Mama nakaupo sa kama yakap ang larawan nila ni Papa noong bagong kasal pa sila. Umiiyak siya. Walang akong narinig sa iyak niya pero lumuluha siya. Pinipigilan niyang mag-ingay sa kanyang pagiyak. Namimiss niya si Papa. Namimmiss ko din si Papa. Nasaan na nga ba si Papa? Hindi na siya nakauwi sa bahay namin simula nang mangyari itong trahedyang ito.
Niyakap ko si Mama at sinabihang magpakatatag para sa amin ni Bunso. Pinilit ko siyang tumayo at bumalik na sa pinagtataguan namin at hindi ligtas na andito kami sa labas. Sinabihan ko siya na kailangan namin balikan si Bunso.
Sinabi ni Mama na kailangan ko magpakatatag kapag dumating na ang panahon na mawawala siya sa akin. Minsan darating sa buhay natin na kailangan natin maging malakas kahit na sobrang hirap pa ng sitwasyon. Kailangan maging handa sa kung ano mang masamang mangyari. Hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. Kailangan magpakatatag. Kailangan maging malakas para sa sarili. Yun ang pangaral ni Mama sa akin. Alam ko ang mga bagay na yun. Ngunit sa ngayon hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya na mawala sila. Hindi ko kayang magisa. Hindi ko kakayanin na walang saysay ang pagkamatay nila. Hindi ko matiis o makita na namatay sila dahil nakuha sila ng mga Taong Gala.
Anak, kailangan natin tanggapin kung anong kapalaran ang naghihintay sa atin sa mundo. Walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay kaya kailangan maghanda tayo. Maging matatag at maging matapang.
Sa puntong iyon sumangayon ako kay Mama dahil kailangan na naming bumalik sa kuwarto.
Binitbit ko ang dalang takuyan na may lamang mga pagkain. Dinala ni Mama ang larawan nila ni Papa. Siguro okay na din yun para meron siyang isang bagay na magpapaalala sa kanya at maging malakas.
Tahimik naming binaybay ang sala pabalik sa kuwarto ng aming pinagtataguan. Tahimik kami sa paglalakad at iniiwasan ang mga bagay na nakakalat sa sahig baka maapakan namin at gumawa pa ng ingay. Ilang hakbang na lang at nasa kuwarto na kami kung saan ko iniwan si Bunso. Limang hakbang... Apat... Tatlong hakbang...
Bumungad sa amin ang bukas na pinto ng kuwarto kung saan kami nagtatago. Bumilis ang tibok ng dibdib ko at nabitawan ang dalang takuyan na may lamang pagkain. Mabilis akong tumakbo sa loob ng silid upang tingnan ang nangyayari. Hindi pwede ito. Iba iba ang naglalaro sa isip ko. Ayaw kong isipin na nakuha si Bunso ng Taong Gala. Hindi pwede. Wag naman sana...
Pagbukas ko sa pinto ay nakita ko ang isang Taong Gala na nakatayo sa kinahihigaan ni Bunso. Mga limang dangkal na lang ang layo niya kay Bunso. Agad kung hinablot ang isang bakal na tinago ko sa likod ng pinto at tinusok ko ito sa ulo ng Gala. Hinila ko siya palayo kay Bunso. Agad tumakbo si Mama kay Bunso at inakay niya ito. Nagsimulang umiyak si Bunso. Pilit siyang kinakantahan ni Mama ngunit walang tigil ang iyak niya.
Sa isang iglap lang ay may narinig kaming kaluskos ng mga Taong Gala na paparating. Papalapit ng papalapit. Kailangan na naming lumayo. Kailangan namin tumakas. Magtago... Tumakbo...
Binuhat ko ang tayukan habang si Mama naman ay karga si Bunso. Mabilis naming nilisan ang silid ngunit sa paglabas namin sa sala ay isa isang nagsidating ang mga Taong Gala. Tumakbo kami sa may banyo para humanap ng matatakasan. Yun na lang ang naiisip kung paraan na pwede naming daanan para makalabas ng bahay. Binasag ko ang salamin na nasa taas malapit sa kinauupuan ng inidoro. Sinira ko ang nakaharang na bakal nito ay tinanggal ko ang takip na tabing at tumuntong ako sa inidoro at hinila ang sarili paitaas para makalabas na ng tuluyan. Mabilis ang kilos ko. Ayaw ko nang sayangin ang nalalabing oras namin dahil kunti na lang makukuha at mahuhuli na kami.
Pagkalabas ko ay sinilip ko si Mama at Bunso na umaakyat na din palabas sa bintana. Hindi ko napansin na nasira na pala ng mga Taong Gala ang pintuan ng banyo at agad pumasok ang mga ito. Hawak-hawak ko na ang kamay ni Mama at ni Bunso at pwersahang hinihila palabas sa bintana. Binigay ko ang lahat ng makakaya ko at ang buong lakas ko para matulungan sila. Ngunit hindi sila makalabas sa bintana. Hawak ng isang Gala ang binti ni Mama. Sumisigaw siya ng tulong. Magkahalong galit, takot at puot ang naramdaman ko. Pinipilit kung hilain si Bunso ngunit mahigpit ang yakap niya kay Mama. Patuloy ang pagsigaw ni Mama . Ang mga kasunod na sigaw na ang narinig ko sa kanya..."Takbo! Takbo Anak! Umalis ka na dito! Iligtas mo na ang sarili mo!"
Patuloy ako sa pagiyak. Naririnig ko na din ang pagiyak ni Bunso. Ang walang muwang at walang kamalay malay na Bunso ko. Magkahalong sigaw at iyak ni Mama at Bunso ang narinig ko. Hawak ko ang mga kamay ni Mama. Nagmamakaawa ako na wag bumitiw. Umiiyak siya. Umiiyak si Bunso. Tinitigan ko si Mama sa kanyang mga mata. Walang lungkot sa kanyang mga mata. Tila naka ngiti ang mga ito. May halong luha man ang kanyang mga mata ngunit nakikita ko na masaya siya. Gusto kong intindihin ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Nais ipahiwatig nito na masaya siya at ito na ang katapusan nila. Nagsasaad na iyon na ang kapalaran nila. Hanggang sa mga daliri na lang niya ang hawak ko. Nagmamakaawa akong wag bumitiw pero hindi na niya kaya. Tatlong kataga ang huling narinig ko kay Mama... "I Love You" at tuluyan na siyang bumitaw...
Pinagtulungan ng mga hayop na Taong Gala ang mga mahal ko sa buhay. Si Mama. Si Bunso. Nakain. Nakuha. Syet! Pano nangyari ang ganun? Bakit ko hinayaan na mangyari sa kanila iyon?
Gusto ko nang mamatay. Gusto ko nang magpakain at magpahuli sa mga Gala. Gusto kong kasama ang aking pamilya sa hirap na dinaranas nila. Ngunit, kailangan ko kayanin. Kailangan ko malampasan. Kailangan ko paghigantihan sila Mama at Bunso. Kailangan ko mabuhay. Kailangan lumayo at makatakas. Yun ang gustong mangyari ni Mama.
Gusto kong pumatay at ihiganti ang aking mga mahal sa buhay. Pinangako ko na sa sino mang unang Galang lalapit sa akin ay makakatikim ng matingding poot na nararamdaman ko.
Patuloy ako sa pagiyak. Sinisisi ang sarili...
Ang mga ngiti ni Mama ang natitirang ala-ala ko. Ang mga iyak ni Bunso na naglalambing ang tanging pag-asa ko na kailangan mabuhay.
Patuloy ako sa pagiyak... Nakaupo pa rin sa sulok kung saan ko huling nakita si Mama at Bunso. Yapos ang aking dalawang paa. Namimiss ko sila. Mahal na mahal ko sila....
"Andrea! Andrea! Ayos ka lang lang?"
Isang pag alog at isang boses ang aking naramdaman at narinig. Patuloy ako sa pagiyak. Boses ng lalaki ang aking narinig. Malabo ang mukha niya... Pinahid ko ang aking mga mata para makitang mabuti ang lalaking nasa harapan ko.
Si Noel...
Siya ang kasama ko sa loob ng imbakan. Nasa loob pa kami ng imbakan. Naalala ko lang kung pano sila nakuha ng mga Taong Gala sina Mama at Bunso. Tinanong ako ni Noel kung handa na akong umalis sa imbakan. Tumango lang ako. Tumayo at buo ang loob. Kailangan kong mabuhay para kay Mama at kay Bunso. Kailangan ko magpakatatag. Alam ko na si Mama at Bunso ang aking maging gabay at bantay.
Pasaan ba't matatapos din ang lahat.

nakakalungkot naman ito.. minsan talaga, malalaman mo lang kung gaano ka talaga kalakas sa oras na mawala na sa'yo ang lahat.. -_-
ReplyDeleteP.S. ang nanay ko sa sobrang hilig sa zombie movies, nag-iimpok na rin ng food.. pinapractice na rin nya ang pagtakbo nya from our house papunta sa Puregold supermarket.. dun nya kasi planong magtago pagdating ng zombie apocalypse hahahah
Hahahaa.. astig.. alam mo pareho kami ng Nanay mo may malapit na Waltermart at Shopwise dito sa amin so kapag mag Zombie Invasion doon rin ako pupunta at magtatago.. wahahahaha...
DeleteWaah! *sniff* na lungkot naman ako bigla. Nabiktima din pala ng mga zombies ang nanay at kapatid nya :(
ReplyDeleteIniimagine ko ung scenes dun sa banyo habang nakatitig siya sa mata ng nanay niya. *sob*
Yeah sobrang sad nga yung moment na yun.. Naiiyak din ako habang ginagawa ko ito.. huhuh
DeleteGrabe... Naku Andrea mabuhay ka. sayang ang sacrifice ng bunso at mommy mo. Bakit nga kaya may zombie? Mala I am legend ang naiimagine ko. :P
ReplyDeletehahaha ayos!
Deleteteka!!! eba ang napansin ko sa blog mo....bago ang template!!! hahaha astig!
ReplyDeleteok magbackread na ako! hehehe
Medyo bango nga ang template hahaha
Deletewaaa kakaiyak ang episode na to!
ReplyDeleteat ang intense huhuhu
mama's boy pa man din ako
di ko din kaya yan
waah naiimagine ko ung scene
anyways nice name para sa mga zombie ahh
Salamat Mecoy..
DeleteKawawa naman ang mama at si bunso. Lintik naman kasi yang taong gala na yan. Sunugin na yan!
ReplyDeleteOo nga patayin na yan!
DeleteI'm one hundred percent sure adik ka sa Walking Dead...hahahah...! :P
ReplyDeleteNapapatanong ako sa story mo, ano kaya gagawin ko kapag mawala na parents ko at alam ko namang end of the world na, is still worth living?
Hindi naman ako masyadong adik sa Walking Dead.. haha
Deletesiguro susulpot na dito ung mga casts ng the walking dead tapos may eksena ng vampire diaries, true blood etc lol
ReplyDeleteAy hindi rin hahaha..
Deletelol..natawa ko sa trueblood possibilities, sunod meron na din crossing the universe parang fringe..haha
ReplyDeleteLakas maka-kakabakabakaba nito.
Hahaha
Delete