ELEMENTALIA: Gintong Bakal na Pluma
PAUNANG SALITA: ANINO AT PANAGINIP
Nagising si Daina sa loob ng isang kweba na walang saplot at duguan. Isang maliit na puting tela ang tanging nakabalot sa kanyang hubad na katawan. Sa di kalayuan kung saan siya nagkamalay ay natanaw niya ang katawan ng ibat ibang uri ng nilalang na di niya pinagkilanlan. Nabalot siya ng takot kaya pinilit niyang tumayo para usisain kung ano ang nangyari sa kapaligiran. Habang iniikot niya ang kaloob-looban ng kweba ay nakarating siya sa isang bukal na ang tubig ay kasing linaw ng salamin kaya naisipan niyang linisin ang dugo sa kanyang katawan. Habang naglilinis siya ay bigla siyang nakarinig ng boses ng isang babae mula sa bukal.
"Gising ka na pala Daina." Sambit ng boses.
"Ha? Sinong andyan?" Ang utal na sagot ni Daina.
"Hindi mo ba ako nakikilala?"
"Sino ka ba? Magpakita ka sa akin." Ang kabadong sambit ni Daina.
"Tumingin ka sa bukal. Makikita mo kung sino ako." Sagot ng boses.
"Ha? Ang nakikita ko sa bukal ay ako. Pano nangyari ito?
"Oo, tama ka Daina. Ako at ikaw ay iisa. Ako ang nasa loob mo na matagal nang gustong kumawala. Sa wakas ay naisakatuparan na rin natin ang matagal na nating pinapangarap."
"Anong pinapangarap? Anong pinagsasabi mo? Di kita maintindihan."
"Hindi mo ba matandaan ang nangyari? Kung ano ang ginawa mo sa mga kawawang nilalang sa loob ng kwebang to?" Ang pagtatanong ng boses.
"Hindi. Wala akong maalala. Hindi ko kayang gawin ang ganyang bagay. Hindi totoo ito." Pagsisigaw ni Daina.
"Wala kang maalala? Balikan mo ang lugar kung saan ka nagkaroon ng malay. May makikita kang ginintuang pluma at isang itim na libro. Doon mo makikita at mababasa ang mga nangyayari. Pero nais kong sabihin sayo na kagusuhan mo ang nangyari."
Sa takot ni Daina ay agad siyang tumakbo palayo sa bukal. Sa pagtakbo niya ay hindi niya napansin ang isang malaking hoyo sa unahan na dahilan ng kanyang pagkahulog at mawalan ng malay.
Sa muling pagising ni Daina ay napansin niyang buhat-buhat siya ng isang lalaking hindi niya kilala. Naaninag niya ang mukha ng lalaki na mapayapa pero kakaiba. May pinta ang mukha ng lalaki, at may kakaibang liwanag itong taglay, nakasuot ng maputi at matingkad na damit na may tela na sing lambot ng bulak. Sa unang tingin ni Daina ay isang anghel ang may buhat sa kanya. Hindi na inalintana ni Daina kung sino ang lalaking iyon dahil sa sakit na kanyang naramdaman ay tuluyan na siyang nakatulog ng mahimbing.
SIMULA AT PAGKAMULAT
"Daina! Daina! Anak! Gising!"
Pilit na minulat ni Daina ang kanyang mata at sa kanyang pagkamulat ay hinid niya maalala ng buo ang nangyari. Ang tanging bagay lang na bumabalik sa kanyang isipan ay ang libro at ang pluma.
"Daina, bilisan mo na diyan at baka mahuli ka pa sa klase mo." Sigaw ng kanyang ina na naghahanda ng almusal sa kusina.
"Oo, pababa na mama. Hayy, bakit wala na naman akong matandaan ang panaginip ko. Ilang gabi na rin na paulit ulit ang ganun pero wala pa rin akong maalala" Ang pagtataka ni Daina habang pababa nang hagdan.
"Andyan ka na pala. Bilisan mo at baka ma late ka pa. Tandaan mo unang araw ng pasukan ngayon."
Hindi maiwasan ni Daina na mairita sa boses ng kanyang Ina. Pero alam niya na mahal siya nito at kahit matanda na siya ang ginagawa pa rin siyang bata dahil na rin sa nagiisang anak siya at tanging silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay.
Matapos kumain ng agahan ay agad na umalis si Daina papasok sa paaralan. Nasa ikalawang taon sa kolehiyo na siya kaya masaya siya na makita ulit ang mga kabigan sa paaralan. Pero sa likod ng saya ay di pa rin mawala sa isip niya ang panaginip na hanggang ngayon ay di pa rin niya maalala.
Pagdating sa paaralan ay agad siyang binati ng kaibigan niyang sina Beca and Jethro.Si Beca ang pinakamalapit na kaibigang babae ni Daina. Maganda, matalino at medyo may pagka astigin sa pananalita si Beca. Siya ang tipo ng babae na walang hiya sa katawan na kahit saan ay magaayos ng kanyang damit panloob na sumingit sa kanyang kuyukot. Si Jethro naman ay ang kasintahan ni Beca na isang photographer sa Spotlight; ito ang opisyal na peryodiko ng kanilang paaralan; habang si Daina naman ay isa sa mga manunulat nang nasabing peryodiko; Kaya naman ay kahit saan sila pumunta ay may dala-dalang kamera si Jethro.
"Dainnaaaa... andito ka na pala. Kamusta ang bakasyon mo?" Ang maingay na sigaw ni Beca kay Daina na parang puta na nakahanap ng parokyano.
"Ahhh... okay lang naman." Ang maikling sagot ni Daina.
"Hay naku dumating na naman ang kontrabida. Im sure aagawin na naman sa akin ang atensiyon ng kasintahan ko." Ang pabulong na sabi ni Jethro habang nakatitig sa dalawang magkaibigang nagyayakapan.
"Sumama ka sa amin mamasyal maya pagkatapos ng klase ha!"
"Huh? Ahh okay. Pero kailangan ako magpaalam kay Mama na late na ako makakauwi." Mabilis na sagot ni Daina.
"Kamusta na pala yung boyfriend mo na si Andrew?" Pagusisa ni Beca.
"Haaayyy.. hindi ko boyfriend si Andrew. Ok?" Pabulong na sagot ni Beca.
"Siguro iniisip mo siya ngayon no? Magkasama kayo buong summer noh? Aminin.." Pag kantyaw ni Beca.
"Speaking of Andrew, hindi ko na pala siya nakikita bago mag summer. Pumapasok pa ba yun? Ano ba nangyari sa kanya Daina?" Dagdag pangungulit ni Jethro sa dalaga.
"Ahh di ko alam, baka binisita lang ang Daddy niya. Sigurado ako papasok yun ngayon." Mabilis na sagot ni Daina.
Si Andrew ang isa sa kanilang barkada. Medyo may pagka misteryoso ang dating ni Andrew. Tahimik siya at laging nakatingin sa kawalan. Tanging si Daina lang ang kinakausap niya at pinagkakatiwalaan. Malaking lalaki si Andrew, matipuno at may magandang pangangatawan. Hindi naman maipagkailan na magandang lalaki si Andrew. Dahil sa pambihira ang laki niya kumpara sa mga ka-edad niya ay Andrew Barako ang tawag sa kaniya ng ibang tao.
Habang nasa loob ng klase si Daina ay hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Iba ang kutob niya na may kasamang pag-alala. Pag-alala sa kung ano ang ibig sabihin ng panaginip niya at pag-alala sa kaibigang si Andrew. Para makawala sa pag-aalala ay minabuti niyang magsulat na lang para makalimutan ang nangyari. Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang notebook at ballpen sa loob nito. Habang kinakapa ang laman ng bag ay may kakaiba siyang naramdaman. Isang pamilyar na bagay ang kanyang nahawakan sa loob ng kaniyang bag. Binunot niya ito at bumungad sa kanya ang libro at ang pluma na nakita niya sa kanyang panaginip. Sa kanyang nakita ay nag-init ang kanyang kalamnan na tila ba may mga alupihan na nagsilabasan dito. Ang sikmura naman niya'y waring bumabaliktad na parang isang ahas ang nakapulupot dito hanggang sa hindi na siya makahinga. Mabilis na lumabas si Daina sa silid at tumakbo papalayo sa ibang tao. Naisipan niyang pumunta sa klinika para humingi ng medisina na pampakalma. Dito ay naabutan si Andrew na kausap ng masinsinan ang Doktor.
"Andrew, Andito ka pala? Kamusta ka na?" Ang nanginginig niyang tanong.
Hindi sumagot si Andrew sa tanong niya sa halip ay mabilis na umalis ang binata palabas ng klinika na tila iniiwasan ng binata ang dalaga. Laking pagtataka ni Daina kung bakit ganun si Andrew sa kanya. Habang papalabas si Andrew sa klinika ay sinundan siya ng tingin ni Daina. Napansin ni Daina na may nagbago sa itsura ni Andrew. Mas naging gwapo at matipuno ang binata. Ngunit maliban sa pisikal na pagbabago ay may kakaibigang naramdaman si Daina kay Andrew. Isang pakiramdam na kailan man ay hindi niya naramdaman sa tanang buhay niya.
Matapos pumunta ng klinika ay hindi na bumalik si Daina sa klase sa halip ay dumiretso sya sa silid aklatan para makapag isip. Habang naglalakad ay may nakasalubong siyang batang babae na marahil ay nasa pitong taong gulang na may hawak na isang apa ng sorbetes. Sa hindi niya malamang dahilan ay napakasama ng titig sa kanya ng batang babae. Lumakas ang tibok ng puso ni Daina at muli siyang kinabahan kaya nagmadali siya sa paglalakad. Nang makarating sa silid aklatan ay humanap siya ng puwesto kung saan walang gaanong estudyante ang nagpupunta. Inilabas niya ang libro at pluma mula sa kanyang bag at sa pagkakataong ito ay muli siyang nabalutan ng kaba at takot ngunit nilakasan niya ang kanyang loob upang malaman ang nilalaman ng nito. Laking pagtataka niya na hindi niya mabuksan ang libro kahit anong pilit niya kaya inusisa niya ito maging ang pluma. Sa kanyang paguusisa gintong pluma ay may nakita siyang nakaukit na mga salita na hindi niya maintindihan. Muli niyang inilapag ang pluma at laking gulat niya nang magliwanag ang mga salita na nakaukit dito. Matapos magliwanag ang mga salita ay mas nagulat siya nang maintindihan na niya ang nakaukit. Binasa niya ang mga salitang ito na nagsasabing...
Rahsia Terletak Di Dalam
Binasa ni Daina ang salita ng paulit ulit at biglang bumukas ang libro. Dahan-dahang niyang binuklat ang bawat pahina ng libro at inumpisahang basahin ang nilalaman nito. Isang mahika ang parang kumawala sa libro na na ikinatog ni Daina. Nakaramdam si Daina ng pagkainit ng katawan na parang nasusunog ang kanyang balat. Sumigaw siya ng malakas ngunit parang walang boses na lumalabas sa bibig niya. Nakaramdam siya ng sakit na parang pinupunit ang bawat hibla ng kanyang kalamnan at tila ba may isang nilalang na gustong kumawala sa kaloob-looban niya.
SAKUNA AT SAKLOLO
Sa loob ng silid aralan ay tahimik na nakikinig sina Beca at Jethro sa kanilang guro nang makarinig sila ng ingay sa labas ng gusali. Lumabas sila para tingnan ito at nakita nila si Andrew na nakikipag away sa ibang estudyante.Mabilis na pinigil ni Jethro ang mga estudyante pati na rin si Andrew.
"Andrew, wag! tigilan mo na yan." Sigaw ni Jethro.
"Ano ba ang nangyayari at bakit mo pinagsusuntok ang mga estudyanteng ito?"
"Kasi itong mga to ang sama ng tingin sa akin. Parang nakakaloko. Huy! tandaan niyo na pinakaayaw ko ang tinitignan ako ng masama. Kaya umayos kayo nang di kayo masaktan." Pagaamok ni Andrew sa mga duguang estudyante.
Ilang minuto pa ay may narinig silang sigaw ng babae sa ikalawang palapag ng gusali kung saan naroon ang silid aklatan.
"Si Daina!" Sigaw na sabi ng Beca.
"Beca, ayos ka lang ba? Anong nangyayari? Anong nakikita mo?" Nagaalalang tanong ni Jethro sa kasintahan.
"Si Daina, may nangyayari sa kanya sa silid aklatan. Kailangan natin siyang tulungan."
"Anong nangyayari sa kanya?" Tanong ni Jethro.
"Hindi ako sigurado, pero ang alam ko may masamang mangyayari sa kanya kapag hindi natin siya tutulungan."
Mabilis na tumakbo ang magkakaibigan patungo sa ikalawang palapag. Ilang segundo lang ay nakarating agad ang magkasintahan sa silid aklatan. Nagulat sila nang makita si Andrew sa silid aklatan na hinahanap ang pinagmulan ng sigaw.

Nakita nila sa isang sulok si Daina na nakabulagta, nanginginig, nanlilisik ang mga mata at yapos ang kanyang sarili na parang isang batang nangangailangan ng akay ng ina.
Ilang minuto pa ay narinig nila si Daina na sumigaw na iba ang boses.
"Palabasin niyo ako." Sigaw ni Daina na may boses na di nila mawari.
Bumangon si Daina at lumuhod sabay hawak sa kanyang ulo.
"Ang boses! Ang ulo ko!. May boses sa ulo ko! Wag! Tumigil ka na." Ang sunod sunod na sigaw ni Daina.
Isang boses ng babae ang naririnig ni Daina sa loob ng kaniyang ulo. Boses na nagsasabing pakawalan siya nito. Sa sobrang pagsisigaw ni Daina ay nakita ng kaniyang mga kaibigan ang dugo na lumabas sa ilong at taenga niya. Walang magawa ang mga kaibigan sa nakikita dahil sa sobrang lakas ni Daina na sing lakas ng sampung lalaking toro. At sa tuwing hahawakan nila si Daina ay napapaso sila sa init nito na parang may kakaibang mahika na bumabalot sa katawan niya.
Sa pagsisikap na tulungan nila si Daina ay nabigo sila. Sa sobrang lakas ni Daina ay pati ang lakas na taglay nga mga taong pilit na tumulong sa kanya ang naubos din. .
Ilang minuto ang makalipas ay biglang tumigil si Daina sa kakasigaw. Nakatitig at nanlilisik ang kanyang mga mata at nakatingin sa may bintana.
"Tumigil na ang boses." Bulong ni Daina.

"Daina, ayos ka lang ba?" Ang nanginginig at nanghihinang tanong ni Beca.
Walang kibo si Daina, patuloy pa rin ang pag titig niya sa may bintana. Sa bintana na may salamin ay naaninag niya ang kanyang sarili ngunit ibang babaeng ang nakikita niya sa salamin. Isang babae na may mahabang buhok ngunit may kung anong pinta ang mukha at kamay. Mayroong isang itim at kumikinang na pakpak ang babae at kung tingnan niya ay parang pakpak ng agila. Nakasuot ng kitem na damit ang babae na may malambot na hibla. Ngunit kapag tinitigan niya ang mukha ng babae ay mukha niya ang naaaninag niya. Nang tinitigan niya ang mukha sa salamin ay isang kamay na may matalas na kuko ang lumabas sa may likuran niya na biglang tumakip sa kanyang mga mata. Habang nakatakip ang kamay sa kanyang mga mata ay naririnig niya ang boses na nagsasabing...
"Palabasin mo ako Daina..."
"Wag! Tama na! Wagggg... Ahhhggnnhhnnhgg..." Ang walang tigil na sigaw ni Daina.
Habang nagsisigaw si Daina ay isa-isang nagsisigawan ang mga tao na nanunuod sa kanya kasama na ang kanyang mga kaibigan. Tila isang masamang kapangyarihan ang bumalot sa loob ng silid na dahilan ng pagsakit ng ulo nila.
"Ang ulo ko." Sigaw ng isang babae.
"Anong nangyayari, bakit ang sakit ng ulo ko parang sasabog." Sigaw ni Jethro.
"Daina, tumigil ka na. Ahh ang ulo ko." Pasigaw ni Beca sa kaibigan.
"Tulong!!!" Sigaw ng isang magaaral.
"Maawa ka! Tumigil ka na." Pabulong ni Daina sa sarili habang yapos ang kanyang dalawang paa na naka upo sa sahig.
Nahimasmasan si Daina matapos ang ilang minuto. Hinihingal siya at tumayo para usisain ang nangyari. Wala siyang ibang matandaan kundi ang babaeng nakita niya sa salamin.
"Nawala na ang boses at pati na rin ang sigaw ng ibang tao." Bulong niya sa sarili.
Sa pagtayo niya ay nakita niya ang ibang ng mag-aaral sa loob ng silid na nakbulagta at wala nang malay. Sa di kalayuan kung saan siya nakatayo ay nakita niya ang mga kaibigang si Beca, Jethro at Andrew. Nilapitan niya mga mga ito at inusisa ang nangyari sa kanila. Tinignan niya si Beca, wala itong malay at may mga dugo na lumabas sa mata at tenga nito. Gayun din ang kaibigang si Jethro at Andrew pati na rin ang ibang mag-aaral.
Sa kanyang pagusisa narinig na naman niya ang boses ng babae.
"Sabi ko na sayo... Ngayon pagmasdan mo.. pag masdan mo ang ang ginawa mo." Malamig na saad ng boses.
"Nakikiusap ako... tumigil ka na. Maawa ka." Pagmamakaawa ni Daina.
"Diyos ko po. Sana isa ulit itong masamang bangungot. Beca nakikiusap ako gumising ka." Saad niya habang akay ang kaibigan.
"Diyos ko. Kung ano man ang kumitil sa buhay ng mga kaibigan ko pati na rin ang ibang mag-aaral, sana ay bawiin mo na din ang buhay ko." Patuloy na iyak ni Daina habang nakahiga katabi ng kaibigan niyang si Beca.
Hindi matanggap ni Daina ang mga nangyari. Hindi niya mapapatawad ang sarili sa nangyari sa mga kaibigan niya. Alam ni Daina na may kakaiba sa kanya. Alam din niya na may iba siyang pagkatao. Nais man niyang alamin ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong ngunit naubos na ang lakas niya. Para siyang isang lampara na nauubusan na ng gasolina at malapit nang mamatay ang liwanag na tanging nagbibigay sa kanya ng buhay. Pinikit niya ang kanyang mga mata dahil sa gusto na rin niyang matapos ang buhay niya. Pilit pinatay ang liwanag sa puso niya na siyang gabay sa kabutihan at pagkatao niya.
Sadyang malakas ang kapangyarihan na taglay ng babaeng kanyang nakikita. Natalo siya. Nagpaubaya... Hinayaan niyang lamunin siya ng kadiliman hanggang wala na siyang liwanag na nakikita.
-PAGTATAPOS NG UNANG KABANATA-
Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan

sa wakas! salamat :)
ReplyDeleteYeah! Finally na submit ko din haha
Deletehala katakot naman neto!
ReplyDeletemay killer inside sya?
intense ng scene naiimagine ko
anu kaya nangyayari at nagnyari kay daina
bitin pa ko!
Hahahaha... May part 2 pa toh.. abangan haha
DeleteParang horror movie lang.... I wonder kung ano talaga ang mayroon sa kay Diana. Multiple personality disorder lang? Pero, it would be too unreal kasi, sabi mo matipuno si Andrew, so di pwede niyang patayin ito unless may baril siya or something.
ReplyDeleteBaka bangungot din ito, nakatulog siya sa klase...LOLZ!!!
ako na ang movie addict..hehehe
Watch mo yung Identity!!! :)
Hehehee.. yan ang malalaman natin sa part 2 kung ano ba ang meron si Daina at bakit siya ganun. Magkaalaman na sa second part. lol
Deleteexcites much sa part 2 para akong nanonood ng horor movie gamit ang sarili kung sinehan sa loob ng utak ko hehehehe goodluck po sa entry nyo :)
ReplyDeleteSalamat ha.. malapit na ang part 2 nito.. hehehe
Deletewow gudluck sa entry mong ito :)
ReplyDeleteThanks Kikomaxxx...
DeletePang reality to. Minsan we cant help ourselves from doing wrong.
ReplyDeleteTama ka dyan.. I agree..
Deletethanks sa comment!
Ayan, may napossess... At di na nilahad ang pagkadeads.. Wahehe.. Thumbs up! Pwdeng pwde na tong Shake sa shake rattle and roll. :) good luck po,
ReplyDeleteHahahaha.. pwede na ba panakot?? Hahaha.. kakausapin ko si Mother Lily hahaha..
DeleteMaraming Salamat!
eto yung tipo ng istorya na hindi mo talaga titigilan ang pagbabasa mula una hanggang huli.
ReplyDeletemalawak ang imahinasyon mo xander. :)
Goodluck sa bnp.
Nakakatats naman kung galing sayo ang ganyang comment Bagotilyo.. Isa kang inspirasyon sa akin in terms sa pagboblog.. walang halong biro.. Hehehe.. salamat ng marami..
Deletegoodluck din sa entry mo.
ReplyDeleteThanks brother!
DeleteCongrats sa entry mo ^^
ReplyDeleteokay nga ang pagkakasulat mo... nadala ako sa ilang scene.... ^^ astig ^^
Salamat ng marami..
Delete