Posts

Showing posts with the label Literary Pieces

Gamo-gamo

Image
Gamo-gamong lumilipad Sa apoy na pula Anino ay nag marka Sa pader na tinta Atras-abante Sayaw niya sa ere Gamo-gamong lumilipad Sa apoy na pula Parang di mapakali Tila may sinasabi Lumapit pa ng kunti Sa apoy na walang pasubali Gamo-gamong lumilipad Sa apoy na pula Palapit ng palapit Kahit na masakit Pakpak ay nasunog Apoy na muntik matulog Gamo-gamong lumilipad Sa apoy na pula Pilit nilalayo ang sarali sa ilaw na nagbabaga Pero ang munting pakpak at nasira at sunog na Ayaw makinig sa inang sinasaway sya kanina pa Kaya ayan tuloy sunog pati ang pwet niya

Leave & Go

Image
Leaves clenching closely in the tree branch Breathing happily like there's no second chance Hanging in innocence Silently holding stronger than we notice For the leaves gladly dances as the wind approaches The leaves never tired of clapping Like praising the one who made him When storm comes and slap its face It only bow down and pray for God's amazing grace For the leaves know that trials come in many ways As the tree continues to grow The leaves will surely know The sooner the leave will go For thats what the leaves destiny and so Returning from the ground is where the leaves go Accepting the leaves fate is inevitable Willing to let go because the leaves know That as the tree grows A new leave will surely show Taking its inheritance and continue to grow -ABoyNamedXander  Makati | 2014 Photo Taken: Davao City, Abreeza Mall

Shattered

Image
Sometimes we need to get hurt for us to heal. We need to get wounded to experience pain. Sometimes we need to get lost for us to get direction. We sometimes need destruction, damaged or broken for us to understand how to build ourselves and be created anew, stronger, better and different.  Personally, fear befalls me when I am broken and shattered. I became fragile and easily distracted. I lost direction. I lost control of my decisions and always jump into every opportunity that comes my way. I want to keep away from that feeling of loneliness and hurt and so I easily dive into anything that comes along whatever it takes. I envy those who have that guts to be strong despite and inspite of what situation they are into. I admire those who still believe that there is someone out there who firmly believe with all their faith that someone is always ready to save them from their misery. I do believe, but I just don't know how to start. I can hear that little child...

The Sipit Love Story

Image
We found love in a hopeless place right? So the story below is a very unusual story about a girl and a boy hanging in a tenter (Sampayan in Tagalog).  Let's just name the lovers Shing and Julius. The ever sweet lovers. THE LOVERS : Shing (Orange Clip) and Julius (Maroon Clip) Shing and Julius were together for over three years now. They promise to love each other till death separate them apart. One day, Shing met Rodney (Gray clip). Equally handsome as Julius but more mature about everything. Shing and Rodney became friends and in a short period of time, something blossomed between them. An unexpected love. THIRD PARTY Few more months and so Shing finally felt love over Rodney. She thinks Rodney is the right guy for her. So she finally confronted Julius and tell her the truth. And so Julius, was devastated and broken. He decided to let her go as she wanted Shing to be happy. He was crying over the lost of her beloved Shing but beyond the hurt he was curious a...

Left Behind

Image
CHAPTER 1 - STRANDED CHAPTER 2 - TAKEN CHAPTER 3 - RUN Bitbit ni Andrea ang basang tuwalya at batya na may maligamgam na tubig. Inabot niya ito kay Noel. Piniga ni Noel ang tuwalya at pinahid sa noo at mukha ni Claire. Palaisipan pa rin kay Andrea kung sino si Claire sa buhay ni Noel. Nilinis ni Noel ang dumi at tuyong dugo sa mukha ni Claire. Maganda si Claire. May pagka mestisa siya. May luha sa mga mata ni Noel habang nakatitig sa tulog na Claire.  "Noel?" Ang tanong ni Andrea.  "Halos isang taon ko siyang hinanap. Ang buong akala ko patay na siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nawala nang walang paliwanag. "Noel, anong ugnayan meron kayo ni Claire?" Ang matapang na tanong ni Andrea.  "Si Claire ay... siya ang... kasintahan ko." "Huh!?"..Pano nangyari...? "Andrea, hayaan mo muna ako magpaliwanag. Mahirap din sa akin ito. Hindi ko inaasahan...

Byahe

Image
Lugmok sa hapis na karagatan Hila-hila sa kailaliman ng karukhaan Isang barkong lulan ang pag-asa na maasahan Byahe ay palayo sa buhay na kinasadlakan Inabot ang kamay ng kapitang sakay Maamo ang mukha at may kapayapaang taglay Batid ko ang kanyang pagkadalisay Pagtitiwala at pag-asa ay muling nabuhay Sumalipadpad sa karagatang walang katiyakan Ngunit pag-asa ay naramdaman Pasasalamat at kaluwalhatian Sayo lamang ilalaan

Run

Image
CHAPTER 1 - STRANDED CHAPTER 2 - TAKEN "Wag kang mag-alala di kita pababayaan." Yan ang mga salitang binitiwan ni Noel habang yakap-yakap si Andrea. Pilit iniiwasan ni Andrea ang mahigpit na yakap ni Noel ngunit nanaig sa kanya ang kaginhawaan at kapayapaan dahil sa mga yapos ng binata. Di na pumalag si Andrea at hinayaan na lang ang maikling oras na nalalabi. Naisip ni Andrea na baka yun na ang huling yakap ni Noel sa kanya.. Hindi mahirap mahalin ni Noel. Matalino, maalaga, at mabait. Noon pa man sa pinapasukan nila ay nakakitaan na siya ng kabaitan. Ngunit sa likod ng kanyang pinapakita ay tila may misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Pakiramdam ni Andrea ay may mahalagang bagay siyang tinatago tungkol sa kanyang nakaraan. Walang nakakaalam kung saang probinsya siya nanggaling. Walang nakakapunta sa bahay na tinitirhan niya. At walang kahit na sino ang nakakakilala sa kanyang pamilya. Isang malaking palaisipan. Ngunit, baliwala na ang lahat. ...

ELEMENTALIA: TRUTH

Image
B ASAHIN ANG UNANG BAHAGI - ELE MENTALIA: GINTONG BAKAL NA PLUMA "Sampung mag-aaral... Apat doon ay mga kaibigan ko. Ni hindi ko alam kung buhay pa ang iba sa kanila" Bulong ni Daina habang nakatayo sa may bintana sa loob ng klinika. Sa di kalayuan ay narinig niyang nag-uusap ang Nars at ang Doktor. "Siya ba yung babaeng sinasabi nilang Mulato? Bakit pa kasi pinapahintulutan ang mga kagaya niya dito sa paaralan. Alam naman natin na mapanganib ang mapalapit sa kanila. Ang masama pa ay ako pa ang gumamot sa kanya. Dapat sa kanya ay hinayaan na lang para matahimik na tayong lahat." "Alam mo naman na kahit sino ay tanggap sa eskwelahang ito. Walang pinipili mapa-tao, halimaw, o maging mga Mulato." Sa narinig ni Daina ay hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng Nars pero alam niya na siya ang tinutukoy ng Nars ngunit hindi niya ito masyadong iniintindi dahil mas nanaig pa rin ang pagkalungkot at pagaalala sa mga taong...

Taken

Image
CHAPTER 1 ---    STRANDED Saksi ako kung pano nangyari ang lahat, kung pano mawalan, at kung paano kunin ang lahat sa akin. Nagtatago kami nuon sa kwarto sa pagitan ng kisame at ng bubungan. Biglang nagutom si Mama kaya nag desisyon siyang bumaba at pumunta sa kusina. Sa oras na iyon ay ubos na rin ang nakaimbak naming pagkain. Pinigilan ko siya kaso sabi niya hindi niya na kayang tiisin ang kalam ng kanyang sikmura. Karga ko pa si bunso noon, tatlong taong gulang pa lang siya. Ang sabi ni Mama, para din makakain na si bunso at nagugutom na din kaya kailangan niyang bumaba. Ubos na ang nakaimbak na pagkain namin sa pinagtataguan namin kaya kailangan na niyang pumuslit ng pagkain sa kusina. Naalala ko dati noong nasa ayos pa ang mundo palaging may tinatagong pagkain si Mama at si Papa para daw sakaling magkaubusan ay may makakain kami. Heto na ang panahon na yun. Sagana sa pagkain ang aming bahay. Hindi gaya ngayon, salat sa pagkain at maiinom.  Dah...

STRANDED

Image
Isang araw na ang nakalipas at di pa rin nakabalik si Patrick. Alam ko na kinuha na siya, gaya ni Russel. Alam ko kami na ang susunod. Ako na ang susunod... Ganun nga siguro kapag ang mga patay ay muling nabuhay at muling naglalakad sa ibabaw ng lupa. Buong akala ko sa pelikula lang ito nangyayari. Akala ko sa mga kwento lang sa libro o isang kathang isip lang ang mga ito ngunit iba pala kapag naranasan mo talaga ang magtago, ang tumakbo at tumakas palayo sa mga Zombie.  How? Aba! Malay ko. Nagising na lang ako na ganito na. Why? Mas lalong hindi ko alam. Yan din ang gusto kong malaman. Yan ang mga katanungan at kasagutan na paulit ulit bumabalik sa isipan ko. Basta ang alam ko lang andito ako ngayon nakatago sa loob ng isang imbakan ng damit sa loob isang department store. Tahimik lang para hindi marinig ang aking kaluskos ng mga naglalakad na patay. Madilim dito sa loob ng imbakan para na rin hindi ako makita agad.  Ang alam ko lang may dalawa...

ELEMENTALIA: Gintong Bakal na Pluma

Image
Borrowed photo from google PAUNANG SALITA: ANINO AT PANAGINIP Nagising si Daina sa loob ng isang kweba na walang saplot at duguan. Isang maliit na puting tela ang tanging  nakabalot sa kanyang hubad na katawan. Sa di kalayuan kung saan siya nagkamalay ay natanaw niya ang katawan ng ibat ibang uri ng nilalang na di niya pinagkilanlan. Nabalot siya ng takot kaya pinilit niyang tumayo para usisain kung ano ang nangyari sa kapaligiran. Habang iniikot niya ang kaloob-looban ng kweba ay nakarating siya sa isang bukal na ang tubig ay kasing linaw ng salamin kaya naisipan niyang linisin ang dugo sa kanyang katawan. Habang naglilinis siya ay bigla siyang nakarinig ng boses ng isang babae mula sa bukal. "Gising ka na pala Daina." Sambit ng boses.  "Ha? Sinong andyan?" Ang utal na sagot ni Daina. "Hindi mo ba ako nakikilala?" "Sino ka ba? Magpakita ka sa akin." Ang kabadong sambit ni Daina. "Tumingin ka sa bukal. Makikita mo kung...