Gamo-gamo


Gamo-gamong lumilipad
Sa apoy na pula
Anino ay nag marka
Sa pader na tinta
Atras-abante
Sayaw niya sa ere

Gamo-gamong lumilipad
Sa apoy na pula
Parang di mapakali
Tila may sinasabi
Lumapit pa ng kunti
Sa apoy na walang pasubali

Gamo-gamong lumilipad
Sa apoy na pula
Palapit ng palapit
Kahit na masakit
Pakpak ay nasunog
Apoy na muntik matulog

Gamo-gamong lumilipad
Sa apoy na pula
Pilit nilalayo ang sarali sa ilaw na nagbabaga
Pero ang munting pakpak at nasira at sunog na
Ayaw makinig sa inang sinasaway sya kanina pa
Kaya ayan tuloy sunog pati ang pwet niya

Comments

Popular posts from this blog

Sana Andyan Ka Lang

Oh na na, Whats My Name?

When Love Moves In a Mysterious and Unpredictable Way