Anong ganap?



Maraming naganap sa buhay artista ko. Kaya medyo nawala sa sirkulasyon ng blogospero dahil sa busy ako sa shooting ng bago kong mobee at komersyal. Syempre joke lang yun!

Maraming masayang naganap sa paglalayo ko sa sarili ko sa blogging. Nabawasan lang ako ng mga kaibigan (online) na lagi kong nakakausap dati. Ganun naman talaga yun. Kapag naging focus ka at busy sa isang bagay, nakakalimutan mo yung ibang bagay (na dapat hindi, kaso ganun talaga ang nangyayari) gaya ng mga blogger friends mo... Mga kasabayan mo dati na di mo na alam saan at ano na ang nangyari sa kanila, hindi ka na makakasali sa mga bloggers eyeball, at mga events. Nakakamiss sila. Kaso, ayaw na nila ako pansinin. Hahaha. 

Pero okay lang yan. Ganun talaga ang buhay. Minsan kailangan mong lumayo para may mapatunayan ka. Minsan kailangan mong ilayo ang sarili mo sa nakagisnan mo na para matuto ka. Minsan kailangan mong lumabas sa hawla na iyong pinagkakulungan para maging malaya ka. At minsan kailangan yung isakripisyo ang ibang bagay para lang may mapatunayan ka sa sarili mo at sa mga tao sa paligid mo.

Sa ngayon, kailangan mag focus sa work para may mapatunayan. At syempre mag buhat buhat din pa minsan-minsan pag may time. Sabi ng nakalagay sa larawan sa itaas "Do something today that your future self will thank you for."

So Thank you. LOL

NAGBABALIK?

Hindi ko pa masasabi. Pabugso-bugso ang aking pagsusulat at medyo mapaglaro ang aking isipan. Minsan madaya din, kasi kapag may idea ako at sisimulan ko na ang pagsusulat.. BOOM! Biglang nawawala. #saklap #mentalblock 

Andami ko na kayang naka "draft" na post at hindi talaga natatapos. Kapos sa idea at kapos sa magandang imahenasyon. Kaya di ko alam kong magbabalik artista ako sa pagsusulat. Tingnan na lang natin ang takbo ng panahon. Kung di kaya tingnan ang takbo, eh di sabayan ang takbo ng panahon. 

NAKAKAMISS?

Oo naman. Nakakamiss mag blog at magbasa ng blogs ng iba. Nakakaaliw magbasa ng kwento ng buhay ng ibang tao. Ang saya makakuha ng idea sa ibang blogero. Ang saya makausap ang mga bloggers (lalo na yung mga close mo na talaga, diba?)

WHAT'S NEXT?

Hmm.. Tingnan natin kung san papunta ito. Sa ngayon isa lang ang alam ko. May idea akong maisulat sa blog ko. May ma i-post lang bah!

Kung next naman sa work ang tatanungin niyo, aba! maraming next... At ibabahagi ko na lang yan sa mga susunod na araw. Para naman may ma i-post ako.

PAALAM MUNA

Exit muna ako kasi maraming pang gagawin. Hanggang sa muli. Patawad sa pagiging hiatus ng matagal. Sana pwede akong kumanta ng Yakap... at makabalik...

Ako ay nagbalik, at muli kang masilayan. 
Hindi na 'ko muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko,
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang 'yong ngiti.



Comments

  1. Replies
    1. Salamat.. at sana back na back na talaga wahaha

      Delete
  2. Kuya Xander, ako nga 2 years ng hiatus eh. Nakakalungkot ang dami ng wala. HAHAHAHA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha Oo nga naman Yow.. mas matagal kang nawala hahaha.. Kaya heto nagpaparamdam ulit eh ahhaa.

      Delete
  3. not sure if you miss anything relevant...in any case, welcome back to crazy world of blogging.... :)

    ReplyDelete
  4. wahaha! same here bebe ko!! busy ako sa outside world, nagbabanat ng buto at nagbubuhat ng kung ano anong mabibigat na bagay! hahaha!!

    sana sa sunod na eyeball natin sa gym naman o kaya sa takbuhan!! hahaha! mas masaya yun!!!

    ReplyDelete
  5. hey xander! surprised ako na blogger ka rin pala. hindi na tayo nagkitang muli mula ng una at huling pagniniig naten. chos. pagkikita pala.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts