Run


CHAPTER 1 - STRANDED
CHAPTER 2 - TAKEN



"Wag kang mag-alala di kita pababayaan."

Yan ang mga salitang binitiwan ni Noel habang yakap-yakap si Andrea. Pilit iniiwasan ni Andrea ang mahigpit na yakap ni Noel ngunit nanaig sa kanya ang kaginhawaan at kapayapaan dahil sa mga yapos ng binata. Di na pumalag si Andrea at hinayaan na lang ang maikling oras na nalalabi. Naisip ni Andrea na baka yun na ang huling yakap ni Noel sa kanya..

Hindi mahirap mahalin ni Noel. Matalino, maalaga, at mabait. Noon pa man sa pinapasukan nila ay nakakitaan na siya ng kabaitan. Ngunit sa likod ng kanyang pinapakita ay tila may misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Pakiramdam ni Andrea ay may mahalagang bagay siyang tinatago tungkol sa kanyang nakaraan. Walang nakakaalam kung saang probinsya siya nanggaling. Walang nakakapunta sa bahay na tinitirhan niya. At walang kahit na sino ang nakakakilala sa kanyang pamilya. Isang malaking palaisipan. Ngunit, baliwala na ang lahat. Hindi na mahalaga ang kung ano siya at ang tinatago niya. Ang mahalaga ay andyan siya.

"Kailangan na nating umalis habang mataas pa ang sikat ng araw. Mas malaki ang pag-asa na makaiwas sa mga Taong Gala."

Tumungo si Noel sa may pintuan at itinuon ang kanang kamay sa hawakan ng pinto habang ang isang kamay niya ay hawak-hawak ang kamay ni Andrea. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Andrea. Sinimulan ni Noel ikutin ang hawakan para buksan ang pinto. Tumingin ulit si Noel kay Andrea. Ngumiti si Andrea. Ngunit bago pa tuluyang buksan ni Noel ang pinto ay sinabi ni Andrea kay Noel na kahit ano man ang mangyari paglabas nila sa imbakan ay kailangan nil Noel na mabuhay. Kailangan niyang tumakas at lumayo. Kapag naging isa na si Andrea sa mga Taong Gala ay kailangan niyang tapusin ang buhay ni Andrea nang hindi ito makasakit ng iba at mahirapa pa. Nangako naman si Noel na gagawin niya iyon pero nangako din siya na hindi niya hahayaan na may masamang mangyari sa akin.

Binuksan ni Noel ng paunti-unti ang pintuan.Sinalubong sila ng maaliwalas na sikat ng araw. Masangsang ang amoy ng hanging ngunit maganda sa pakiramdam na tila ba umaalingawngaw ang pag-asa sa tuwing dumadampi ang malamig na hangin ng umaga.

Pinagmamasdan ni Noel ang paligid para siguraduhin na walang Taong Gala sa paligid.

Isang hakbang...dalawang hakbang... taklong hakbang... walang Taong Gala.

Inikot nila ang buong gusali at walang bakas ng Taong Gala sa paligid. Lumabas sila sa gusali at tinignan ang labasan. Walang kahit na anong kapahamakan silang naramdaman. Nakakabingi ang katahimikan.

"Noel, san tayo pupunta? May pagtataguan pa ba tayong ibang lugar?" Tanong ko sa kanya.

"May alam akong lugar ngunit di ako sigurado kung ligtas sa lugar na iyon."

"Sige ikaw na ang bahala. Basta kailangan natin bilisan para di tayo maabutan ng dilim."

Walang tigil ang kanilang pagtakbo. Pawisan. Pagod. Nakakauhaw. Ngunit hindi pwedeng huminto. Kailangan patuloy lang sa pagtakbo.

Mga tatlong oras silang paikot-ikot. Hindi nila alam ang lugar na dinaanan nila. Takbo lang ng takbo.  Narating nila ang isang pribadong ospital sa syudad. Huminto si Noel sa pagtakbo. Tinitigan ang buong gusali. May halong tuwa at lungkot ang kanyang mga mata. Binitiwan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Andrea. Tinanong siya ni Andrea kung iyun ba ang lugar na sinasabi niya. Tumango siya. Parang malayo ang kanyang isip. Parang may mga ala-ala siyang pilit na binabalikan habang mahigpit ang titig sa ospital. Hinikayat niya si Andrea na pumasok sa loob. Kinabahan si Andrea.

"Noel, ayos ka lang ba?"

"Ha? Ah oo, ayos lang ako. Tara na pumasok na tayo."

Pagpasok nila sa ospital ay ramdam ni Andrea ang kaba at ang masangsang na amoy ay mas nagpatindi pa ng takot niya. Tumungo sila sa ikalawang palapag kung saan naroon ang Nursery Room. Dumungaw si Noel sa salamin na tila may hinahanap siya.

"Noel? Ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa balisa."

"Oo, ayos lang ako. Sinisigurado ko lang na walang Taong Gala dito. Mas mabuti nang mag-ingat tayo."

Habang patuloy sa pagtitig si Noel sa loob ng Nursery Room ay narinig nila na bumukas ang pinto sa kabilang kwarto. Agad pumasok si Noel at Andrea sa Nursery Room para magtago. Nakahanap sila ng matataguan, sa isang aparador sa bandang sulok ng kwarto. Papalapit ang Taong Gala sa aparador. Sumilip si Noel sa maliit ng butas at nakita niya ang Isang babaeng Gala. Naamoy sila nito. Pilit na binubuksan ng Gala ang aparador ngunit hindi ito mabuksan dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Noel sa loob ng aparador. Nanginginig si Andrea. Niyakap siya ni Noel at bumulong na wag matakot. Tumigil ang Gala sa pagbukas ng pinto. Sumilip ulit si Noel sa butas. Nakita niya na nakatitig lang ang Gala sa isang kuna malapit sa aparador. Paminsan-minsan ay tumititig ang Gala sa aparador kung saan sila nagtatago. Inilapit ni Noel ang kanyang mga mata sa butas upang mas lalong usisain ang ginagawa ng Gala. Nilakihan niya ang kanyang mga mata para maaninag ng maayos ang itsura ng Gala. Bumitiw sa pagkayakap si Noel kay Andrea.

"Imposible!" Ang bulong ni Noel.

"Ano? Anong sabi mo?" Tanong ni Andrea.

"Andrea, ang babaeng Gala. Kilala ko siya. Hindi ito maari." Sambit ni Noel na may halong panginginig at sa pagkakataong iyon ay may luha siyang naaninag sa mga mata ni Noel.

"Ha? Sino? Pano? Sino siya?" Sunod-sunod na tanong ni Andrea.

"Kailangan ko siyang tulungan."

"Ano? Bakit? Baka delikado."

"Hindi! Tingnan mong mabuti ang Gala. Tignan mo ang kanyang mga mata. Hindi ito mukhang Gala. Normal ang kanyang mga mata. Marahil wala sa katinuan ang kanyang pagiisip pero sigurado ako hindi siya isa sa mga Gala. Wala akong nakikitang sugat sa kanyang mga kamay. Normal na tao ang babeng yan." Ang paliwanag ni Noel.


"Pano ka nakakasiguro na hindi Gala ang babaeng yan?"

"Alam ko, base sa kilos niya at mga mata. Hindi siya infected. Wala akong nakikitang sugat sa kahit saang parte ng katawan niya. Kalmado ang kanyang itsura. Hindi mabangis at hindi nagwawala.

"Pano mo alam ang mga senyales na yan?"

"Andrea, kailangan natin tulungan ang babaeng yan."

Sa pagkakataong ito naramdaman ni Andrea na buo ang loob ni Noel na lumabas sa aparador. Pinipilit pigilan ni Andrea si Noel. Mas mabuti nang hintayin nila makaalis ang Gala kesa mapahamak sila.

"Noel, baka mapahamak tayo kapag labas tayo. Ayaw ko may masamang mangyari sayo. Hintayin muna nating makaalis ang gala bago tayo labas."

"Ngunit kilala ko ang babaeng yan. Kilala ko siya."

"Noel..."

Bago pa man makapagsalita si Andrea ay binuksan ni Noel ang aparador at tumakbo ito palapit sa babaeng Gala.

"Claire?" Ang pangalang binanggit ni Noel.

Walang kibo ang Gala. Nakatitig pa din ito sa kuna ng bata. Pinagmasdan ni Andrea si Noel. Nanginginig ang katawan ni noel habang papalapit sa babae. Tumulo ang mga luha ni Noel habang dahan dahan itong papalapit sa babae. Binanggit ulit niya ang pangalan ng babae na may halong panginginig sa boses nito. Lumingon ang babae sa kanya. Dahan dahan itong lumapit sa kanya. Masama ang titig sa kanya. Tila hindi siya kilala ng babae.

"Ikaw...Ikaw...Ikaw... Takbo.. Ikaw.. Takbo.. Takbo.. Takbo.. Ikaw...?" Sunod-sunod na saad ng babae.

"Claire, please... Naririnig mo ba ako? Claire...Ikaw nga toh!"

Habang binabanggit ni Noel ang pangalan ng babae ay dahan dahan siyang lumalapit dito. Nang palapit na siya sa babae ay niyakap niya ito ng mahigpit. Walang tigil sa pagiyak si Noel habang ang babae naman ay patuloy pa rin sa pagsasalita ng mga salitang.. IKAW at TAKBO....

 Naguguluhan si Andrea kung sino si Claire sa buhay ni Noel. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Claire. Palaisipan sa kanyang ang katagang.. Ikaw at Takbo.


Itutuloy...

Comments

  1. Babae siguro ni noel si claire hehehe

    ReplyDelete
  2. hala bitin naman... hahahaha....

    ReplyDelete
  3. haha omg sino si claire! at mukang may defect sya ahh naku eggciting

    ReplyDelete
  4. Ah alam ko na, nararamdaman ni Claire na malapit na siyang maging zombie kaya pinatatakbo na nya si Noel

    or...

    zombie na talaga si Claire at mejo nasa katinuan pa ang kanyang utak kaya pinaaalis na niya si Noel.

    Exciting nga toh :D

    ReplyDelete
  5. sino si claire at ano ang kaugnayan nito kay Noel...
    Huwad ba ang pagibig na pinakita ni Noel kay Andrea
    Ginamit lang ba ni Noel si andrea dahil sya ang paraan upang manunbalik sa katinuan si Claire...

    sagutin mo ako ng mas mabilis sa susunod na chapter :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?