Thankful and Blessed



Hindi ako mahilig sa mga surprises. Ayaw ko ng sinosurprise ako kasi hindi rin naman ako mahilig mag surprise. Well may one point sa buhay ko na sinorpresa ko ang isang tao, pero sa huli ako ang na surprise ng bonggang-bongga. #nakakabadtrip #BrokenHearted #WasakAngPusoNiLastimak

Pero sadyang mapaglaro ang kapalaran at ang buhay ng tao ay parang isang gulong na umiikot (paki connect na lang!) Minsan kasi sinosurprise tayo ni Lord, lalo na kapag medyo siguro gusto niya na i-shake yung buhay natin ng kunti para magkaroon ng thrill at excitement.

Gaya na lamang ng trabaho ko. For the past three years, masyadong magulo na ang nakalista na mga company name sa resume ko, if not mahaba. Marami kasing offer sa akin (Lol... partly true). Bakit nga ba? Dahil na rin siguro ay palipat lipat ako ng pinapasukan at hindi ako kontento sa mga ginagawa ko. Aaminin ko madali ako ma bored sa isang bagay o trabaho lalo na kung routinary na ito plus dagdagan pa na mga taong nasa paligid mo na walang ginawa kundi inisin at gawing misirable ang buhay mo... (bato bato sa langit, ang matamaan..tanga!).

Seriously, masyado akong mainipin. Marahil na din siguro dahil hindi ko pa din nakukuha yung hinahanap ko sa isang trabaho. Ano yun? Di ko alam. Hinahanap ko pa nga diba? Haha

Well, sa totoo lang masaya naman ako sa mga napasukan kung company. Masaya kasama ang mga taong nakasalamuha ko na eventually naging kaibigan ko na rin. Kaso on a personal note, may mga bagay na hinahanap tayo gaya nang simpleng recognition sa ginawa mo trabaho, yung tipong na appreciate yung pagpasok mo sa work kahit doubleshift ka pa at kahit wala kang kain at tulog at ligo magawa mo lang nang maayos ang trabaho mo. Yung tipong nabibigyan ng karapatang bayad (lol) ang paghihirap na ginawa mo. Ganun naman talaga diba? Kaya nga tayo nagtatrabaho para may pera tayo. Sabihin na nating mukhang pera pakinggan ang sinabi ko pero dapat lang naman yun.

Pero hindi ito rant about sa work ko kundi pasasalamat sa biyayang pinagkaloob ni Lord. Inspite and despite of my own selfish decision, he still make all things beautiful and workable for me. Ganun siguro talaga magmahal si Lord. Right now, normal na ang buhay ko as in normal ang working hours ko. Na miss ko din kaya ang mag work sa umaga. Its been, I think, 5 years or more na ako nagwowork sa gabi. Gaya ayun! Haggardo Versoza ang itsura ko since then. Hahaha.

Anyways, Thank God for every blessings.

Ciao!


Need to start working na. #modelemployee

Comments

  1. congrats. alam mo na ang dalangin ko . sana magtagal ka na dyan. hehehe

    ReplyDelete
  2. Experiences in life no matter what it is, there is always learnings to yearn from.

    Glad you highlighted the part that you're "thankful despite of and inspite of". The best thing is we were able to make a mark, trivial or not, in the field we're at as of the moment.

    Natural na din na may mga tao talaga na susukat ng pasensiya mo kung gaano kahaba. But the good thing about it, you're streching it out more and more in the process. As a result mas magiging mahaba na ang patience mo. Patience is a virtue nga di ba? hahaha.

    Ganda ng realization at ang pag ka twist ng entry, aakalain mo na isang rant post pero in the end my realization pala na nakakabit.

    Good post!

    ReplyDelete
  3. good luck! sana nga mahanap mo na yung hinahanap mo :)
    ganun naman daw talaga ang trend sa mga generation ngayon, hindi na nakukuntento sa isang trabaho...

    ReplyDelete
  4. sana ako din ee maging smooth na ang aking working life haha
    need na mabuhay ee hahaha kapagod maging tambay

    ReplyDelete
  5. okay yan... atleast normal na ulit ang working hours mo... ^^

    un nga lang nakaka miss din ang dating working hours...

    enjoy lang diyan...

    ReplyDelete
  6. Talaga namang kaya ka nagtatrabaho dahil sa pera 1% lang ata yung mga taong nagtatrabaho di dahil sa pera eh

    ReplyDelete
  7. Na experience ko na rin yan, talagang magiging thankful ka sa normal shift ^_^ , the best things in life are made to be free. Kaya libre lang na maranasan mo naman ang pagiging normal ang buhay sa trabaho. God Speed ^_^

    ReplyDelete
  8. Ako naman ayokong ayoko sa umaga!haha andami kasi naming bisor at mga arabong kaduty sa morning shift,

    At tama yan. Magpasalamat tayo sa lahat ng blessings maliit man o malaki :-)

    ReplyDelete
  9. ako importante sakin yung management na hindi masyadong mahigpit. as long as all are working well. pero kung oa na masyado nako. iiwan ko talaga. at symepre yung colleagues. sana mahanap mo na yung hinahanap mo sa isang job.

    ReplyDelete
  10. Congrats sa bago mong trabaho. Ako naman mahilig sa surpresa. Peroho tayong mainipin at madaling magsawa sa mga bagay na paulit-ulit. hehe. Nakakarelate ako sa hindi pagrecognize sa mga bagay na ginagawa mo. unfair yun.

    Sana makita mo na yang hinahanap mo para hindi mo na hanapin. Natural. Nakita na e. Haha. Gulo ko!

    ReplyDelete
  11. eh welcome back na sa normal na buhay at normal na tulog. hehehe )

    ReplyDelete
  12. Amen/:) Just have faith and patience.:))) Godbless!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?