Left Behind



Bitbit ni Andrea ang basang tuwalya at batya na may maligamgam na tubig. Inabot niya ito kay Noel. Piniga ni Noel ang tuwalya at pinahid sa noo at mukha ni Claire. Palaisipan pa rin kay Andrea kung sino si Claire sa buhay ni Noel. Nilinis ni Noel ang dumi at tuyong dugo sa mukha ni Claire. Maganda si Claire. May pagka mestisa siya. May luha sa mga mata ni Noel habang nakatitig sa tulog na Claire. 

"Noel?" Ang tanong ni Andrea. 

"Halos isang taon ko siyang hinanap. Ang buong akala ko patay na siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nawala nang walang paliwanag.
"Noel, anong ugnayan meron kayo ni Claire?" Ang matapang na tanong ni Andrea. 

"Si Claire ay... siya ang... kasintahan ko."

"Huh!?"..Pano nangyari...?

"Andrea, hayaan mo muna ako magpaliwanag. Mahirap din sa akin ito. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa ganitong sitwasyon." 

"Sige ipaliwanag mo Noel. Ipaintindi mo sa akin ang lahat. Handa akong makinig sayo. We have all the time in the world." 

"Isa si Claire sa mga napili na sumama sa isang pagsaliksik ng bagong pamamaraan sa paggamot ng isang sakit na nagsimula sa bansang Africa. Dalubhasa si Claire sa agham ng isip, kaya napasama siya sa grupo ng mga Doktor at Siyentipiko na pumunta pa sa bansang iyon. Habang nasa Africa siya ay patuloy ang komunikasyon naming dalawa. Hanggang isang araw, nabanggit niya na na-assign sila sa isang liblib na lugar. Dahil sa mahirap ang koneksiyon ng internet ay baka daw mahirapan siyang makipag komunikasyon sa akin. Matapos nun ay dalawang beses sa isang buwan na lang ang paguusap namin hanggang sa isang araw wala na akong narinig sa kanya." Pagsaad ni Noel.

"Pitong buwan ang lumipas wala pa rin akong narinig na balita galing sa kanya. No emails... no calls..." Pagpatuloy ni Noel.

"Hanggang isang araw nakatanggap ako ng sulat galing sa kanya. Nabanggit niya sa sulat ang mga ginawa nila doon sa Africa, ang mga nangyari sa kanila, ang pag-asa na sana magkasama kaming dalawa, ang pag gunita niya sa mga araw na andito pa siya. Malungkot ang kanyang liham at tila ba nagpapaalam siya. Saad din sa sulat na iyon ang isang balitang matagal ko nang kinatatakutan. Isang balitang hindi ko kinayang tanggapin." Saad niya.

"Anong balita yun Noel?" Pag usisa ni Andrea.

"Balita na hindi na siya makakabalik sa bansa at kailangan kalimutan ko na siya, tanggapin na kahit kailan ay hindi na kami magkakabalikan pa." Malungkot na saad ni Noel.

"Andito na siya at magkasama kayo. Magiging masaya din kayo." Dugtong ni Andrea.

"Pano kami magiging masaya kung ganito ang nangyayari sa mundo. Wala nang pag-asang lumigaya sa kalagayan natin Andrea. Mamamatay tayong puno ng takot at balot ng kaba. Kaya kung sino man ang may kasalanan sa dilubyong ito ay sana nakamtan nila ang kanilang gusto. Kung malaman ko kung sino ang may dahilan ng pangyayaring ito ay hindi ko mapapatawad." Galit na saad ni Noel.

Hindi napigilan ni Andrea na yakapin si Noel para pagaanin ang loob nito. 

"Noel..." Bulong ni Andrea habang mahigpit na niyayakap si Noel.

Naghahati ang damdamin ni Noel. Nalilito sa kanyang nararamdaman. Ginantihan niya ng yakap si Andrea ngunit ang kanyang mga mata ay nakatitig sa natutulog na si Claire. Napansin ni Noel ang paghikbi ni Andrea. 

"Bakit ka umiiyak, Andrea?" Malungkot sa tanong ni Noel.

"Umiiyak ako dahil masaya ako. Masaya dahil nagbalik na ang mahal mo. Ngayon may dahilan ka na para mabuhay. May rason kana na harapin ang bawat bukas dahil kasama mo na siya." Patuloy na pag iyak ni Andrea.

"Andrea, hindi kita iiwanan. Kasama ka namin na harapin ang bawat bukas." Pangako ni Noel.

"Hindi ganun kadali Noel." Pagtutol ni Andrea.

"Bakit?"

"Dahil sa bawat minuto na iniisip ko na mawawala ka sa akin, ay bawat minuto ding pinapatay at dinudurog ang puso ko. Noel, aaminin ko sayo na..."

Bago pa magpatuloy si Andrea sa kanya sinasabi ay nagisi si Claire...

"Noel?" Pagtawag ni Claire.

"Claire, andito ako. Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang ako. Wag ka magalala sa akin. Wala nang oras kailangan niyo na umalis dito. Maghanap kayo ng matataguan. Magtago kayo sa lugar na maliwanag. Lugar na nasisikatan ng araw. Lumayo kayo sa mga madidilim na lugar." Mabilis na pagsasalita ni Claire.

"Claire, anong ibig mong sabihin? Bakit mo sinasabi sa amin ang mga yan?" Pagusisa ni Noel.

"Wala nang oras. Kailangan niyo na umalis." Pagsigaw ni Claire.

"Ngunit Claire, di kita pwede iwanan dito. Tama na yung nagkalayo tayo minsan. Ayaw ko na malayo ulit sayo." 

"Noel, iwanan mo na ako dito. Kung mahal mo ako palayain mo na ako. Mas magiging masaya ka na wala ako, na malayo sa akin. Masasaktan ka lang kung kasama mo ako. Kaya please umalis na kayo." Pagmamakaawa ni Claire.

"Claire... Bakit mo ako tinutulak palayo sayo."

"Noel, mahal na mahal kita ngunit hanggang dito na lang tayo." Saad ni Claire.

"Andrea, pakitali ako sa kama. Itali mo ang kamay at paa ko bilis." 

Nalilito si Andrea sa mga sinasabi ni Claire, ngunit kailangan niya gawin. Pinigilan siya ng galit na si Noel...

"Noel, hayaan mo na ako. Wala nang oras." Pagmamakaawa ni Claire.

"Noel, kapag di niyo ako itatali ilang oras mula ngayon ay magiging kagaya nila ako. Magiging walang saysay ay lahat ng ito. Kailangan mo gawin para sa inyo ni Adrea at sa ibang tao na nagtatago dahil sa takot." Pagpatuloy ni Claire.

"Bakit? Paano?"

Inabot ni Claire ang isang maliit na bag na nakatago sa aparador. Laman nito ay isang tape recorder, isang medisina at isang liham na para kayNoel. 

"Kung gusto mo magkaroon ng kasagutan sa mga tanong mo, pakinggan mo ang tape recorder na yan. Naglalaman yan ng lahat ng mga nangyari sa amin sa Africa at sa kung ano angpinagmulan ng dilubyong ito." Saad ni Claire.

"At Noel, basahin mo ang liham na ito. Dapat sana ay ipapadala ko sayo ito ngunit walang pagkakataon dahil sa mga nangyari sa amin." Malungkot sa saad ni Claire.

"Claire, pano ka magiging gaya nila? Hindi ko maintindihan." Nalilitong tanong niNoel.

"Simple lang, wag niyo hayaang magkaroon kayo ng sugat sa kahit saang parte sa inyong katawan. Isang chemical virus ang nagkalat sa hangin na maaring ikakontamina ng inyong cells. Kapag napasok ng virus na ito ang inyong katawan sa papamagitan ng sugat, magiging kagaya nila kayo." Paliwanag ni Claire.

"Ibig sabihin nito ay may sugat ka? Saan ang sugat mo baka maari pang gamutin." Pagpipilit ni Noel.

"Noel, please hayaan mo na ako. Humanap ka na nang pantali sa kabilang kwarto. Please..." Pagmamakaawa ni Noel. 

Walang nagawa si Noel kundi sundin ang gustong mangyari ni Claire. Habang naghahanap ng pantali si Noel ay kinausap ni Claire si Andrea.

"Andrea, wag mong pabayaan si Noel. Alam ko na may gusto ka sa kanya. Narinig ko ang usapan niyo kanina. Alam ko na mahal mo siya."

"Claire..." Pag singit ni Andrea.

"Wag kang magalala, naintindihan ko. Mahal na mahal ko siya ng buong buhay ko ngunit hanggang dito na lang kami Andrea. Alagaan mo siya at mahalin ng tapat. Mas maayos na din ang ganito. Alam ko magiging masaya kayo. Im giving you my blessing and prayers." Naiiyak na saad ni Claire.

"May isang hiling ako Andrea. Sana ay sa atin na lang muna ito. Ipangako mo na gagawin mo lahat ng sasabihin ko." 

"Ano yun?" 

Ibinulong ni Claire ang mga sinabi niya kay Andrea nang naabutan sila ni Noel. Niyakap ni Andrea ng mahigpit si Claire habang umiiyak ito at ganun din si Claire kay Andrea. Lumapit si Noel sa kanila at sabay na niyakap ang dalawa. 

"Sige na bago umalis na kayo habang may oras pa. Itali niyo ang kamay at paa ko at siguraduhing hindi ako makakawala. Bilis.." Pagutos ni Claire.

Itinali nina Noel at Andrea si Claire ng mahigpit. Matapos nito at niyakap at hinalikan ni Noel si Claire para magpaalam. Humagulgol sa pagiyak si Noel dahil sa ayaw niyang iwanan si Claire. Ilang minuto pa ay nagiba na ang itsura at boses ni Claire.

"Umalis na kayooo!" Sigaw ni Claire.

Habang palabas sila ng kwarto at may mga Taong Gala na din nakaharang sa labas. Kaya minabuti nilang umakyat sa kisame para doon dumaan. Sa bawat kwarto na kanilang madaanan ay may mga Taong Gala na nakaabang. Mainit...masikip... Hirap sila sa paghinga ngunit patuloy sila sa pag gapang...Nang biglang bumagsak ang pinapatungan nila.

Bumagsak silang dalawa sa magkahiwalay na kwarto at tuluyan nang nawalan ng malay...


ITUTULOY...

Comments

  1. whoa.... halu-halong mga pelikula ang nabubuo sa isip ko! bat ang hilig nyo mambitin? next pls! lol

    ReplyDelete
  2. hahaha.. Para may thrill. Coming soon ang kasunod.. malapit na

    ReplyDelete
  3. Ang intense....haha

    At dahil jan bbshin ko muna ung naunang tatlo para maitindihan ko lalo....=)

    ReplyDelete
  4. Waaah, sabi ko na nga ba eh.

    Isa na rin Zombie si Claire T__T

    Looking forward for the next chapter!!!

    ReplyDelete
  5. naku kawawa naman sila lalo na si claire, at mapapahamak pa ata
    tong sina andrea at noel kakabitin naman

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?