ELEMENTALIA: TRUTH
"Sampung mag-aaral... Apat doon ay mga kaibigan ko. Ni hindi ko alam kung buhay pa ang iba sa kanila" Bulong ni Daina habang nakatayo sa may bintana sa loob ng klinika.
Sa di kalayuan ay narinig niyang nag-uusap ang Nars at ang Doktor.
"Siya ba yung babaeng sinasabi nilang Mulato? Bakit pa kasi pinapahintulutan ang mga kagaya niya dito sa paaralan. Alam naman natin na mapanganib ang mapalapit sa kanila. Ang masama pa ay ako pa ang gumamot sa kanya. Dapat sa kanya ay hinayaan na lang para matahimik na tayong lahat."
"Alam mo naman na kahit sino ay tanggap sa eskwelahang ito. Walang pinipili mapa-tao, halimaw, o maging mga Mulato."
Sa narinig ni Daina ay hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng Nars pero alam niya na siya ang tinutukoy ng Nars ngunit hindi niya ito masyadong iniintindi dahil mas nanaig pa rin ang pagkalungkot at pagaalala sa mga taong kanyang nasaktan. Ngunit sa narinig niya ay may pagdududa na siya sa sarili. Sa tunay niyang pagkatao. Sa kakayahan niya... Sa kapangyarihang taglay niya.
Itinuon muli niya ang tingin sa labas ng bintana. Habang nakatitig siya ay may napansin siyang isang lalaking nakatingin sa kanyang tinatayuan. Lumapit si Daina sa bintana para titigan at usisain ang lalaki. Medyo pamilyar sa kanya ang postura at itsura ng lalaki. Matangkad ito, maputi at may kahabaan ang buhok, may suot na salamin at may pinta ang mukha. Hindi mawala sa isip ni Daina ang lalaking nakita niya sa kanyang panaginip. Ganun na ganun ang itsura ng lalaking bumuhat sa kanya. Binuksan ni Daina ang bintana para mas makita niya ng maayos ang lalaki ngunit sa kanyang pagbukas ay nawala na ito sa paningin niya.
Sa katabing kama kung saan nakahiga si Daina ay nagising ang kaibigang si Beca.
"Daina...?"
"Beca, buti naman at nagising ka na. Nag-aalala ako sayo ng sobra. Akala ko kung napano ka na." Umiiyak na sambit ni Daina habang niyayakap ang kaibigan.
"Daina, anong nangyari sa buhok mo? Ngayon ko lang nakita ng ganito kahaba at magkahalong kulay lila at itim pa ang buhok mo. Parang kakaiba. Anong nangayari dito?" Pagtataka ni Beca.
"Ha? Ah ito ba, alam mo naman na mahilig ako maglagay ng kulay sa buhok ko diba?" Pagsisinungaling ni Daina. Kahit hindi rin niya maintindihan ang nangyayari sa pagbabago sa kanyang panlabas na kaanyuan. Alam niya na hindi lang yun ang nagbago sa itsura niya.
"Si Jethro naasan? Si Andrew? Yung iba.. Nasaan sila?" Pagaalala ni Beca.
"Bex, sorry... hindi ko alam. Wala akong balita sa kanila. Hindi ko alam kung buhay pa sila o kung ano na nangyari sa kanila."
"Ha? Ano ba ang nangyari? Wala akong maalala. Nasaan ba sila? Gusto ko sila makita."
"Patawad... Kasalanan ko ang..."
"Patawad... Kasalanan ko ang..."
Bago pa matapos magsalita si Daina ay dumating ang Nars at sinabing sinusundo na si Beca ng kanyang mga magulang. Agad naman nagligpit nang gamit si Beca at nagpaalam kay Daina.
"Daina, magingat ka lagi. Pupuntahan kita mamaya sa bahay niyo ha. Kailangan natin mag-usap. May mahalagang bagay kang dapat malaman."
"Okay."
Sinabayan ni Daina si Beca na lumabas sa klinika nang may narinig siyang pamilyar na boses na nagsasalita sa silid ng punong guro. Nakita niya ang kanyang Ina na si Celestina na nagmamakaawa na wag tanggalin si Daina sa paaralan. Sa narinig niya ay mas ligtas siya kapag nanatili siya sa loob ng paaralan at mas mapalayo siya sa kapahamakan. Ngunit naging matigas ang sagot ng punong guro at ayaw nilang may iba pang masaktan sa mga susunod na araw. Sa kalaunan na pagpumilit ng Ina niya ay pumayag din na wag tanggalin ang dalaga sa paaralan ngunit kailangan muna niya magpahinga at magpagaling para maiwasan ulit ang isang sakuna. Sumang-ayon naman ang Ina niya na ikinatuwa nito.
Pagdating sa bahay ay agad na inutusan ni Celestina si Daina na ayusin at iligpit ang kanyang mga gamit at kailangan na nilang umalis agad. Ngunit bago pa man sila makapasok sa bahay ay isang lalaki na ang humarang sa may pinto. Bumilis ang tibok ng puso ni Daina dahil sa ang lalaking nakatayo sa harapan niya ay ang lalaking nakita niya nung nasa klinika pa siya. At siya din ang lalaking nasa panaginip niya.
"Ikaw?"
"Dain, gusto kong ipakilala sayo si Romano." Agad sambit ng kanyang Ina.
"Nay, kilala mo siya?" Pagtataka ni Daina.
"Oo anak. Matagal ko na siyang kilala. Bata ka pa lang ay kilala ko na siya. Marahil hindi mo siya natatandaan ngunit buong buhay mo kasama na natin siya."
"Ngunit bago ko ipaliwanag ang lahat ay kailangan na nating magmadali bago pa tayo maabutan ng mga Pintados." Pagpapatuloy ng kanyang Ina.
"Pintados? Ano yun?." Tanong ni Daina.
"Basta anak, saka ko na ipaliwanag ang lahat kapag ligtas ka na."
Ngunit bago pa man sila makapasok sa kanilang bahay ay dumating ang mga Pintados na agad sinalakay at hinuli sina Daina. Dahil sa may angking lakas at kapangyarihan si Romano ay agad niya tinulungan sina Daina. Binuhat niya ito at mabilis na tumakbo papalayo sa mga Pintados. Habang ang Ina ni Daina ay nagpaiwan at nagpahuli sa mga ito para na rin magakaroon ng pagkakataon na makalayo at makatakas sila Romano.
"Romano, yung nanay ko. Balikan natin." Pagmamakaawa ni Daina.
"Wag ka magalala sa kanya. Magiging okay din siya. Sa ngayon ay kailangan natin maakalis dito hindi na ligtas ang lugar na to para sayo."
"Sino ba ang mga yun? At bakit ganun ang itsura nila?" Tanong ni Daina.
Ang mga Pintados ay ang mga espiritu ng mga taong ikinulong sa kadiliman dahil na rin sa kasamaang kanilang ginawa noong nabubuhay pa sila. Ang mga itsura nila ay karaniwang kalahating tao at kalahating hayop. Minsan naman sila ay sumanib sa katawan ng mga hayop na kanilang inangkin. Ang mga Pintados ay mga alispures ni Diyosa Mayari, ang Diyosa ng Kadiliman at Buwan. Ang mga pintados ay may mga guhit na latin sa kanilang katawan at mukhang na iginuhit ni Diyosa Mayari para hindi sila makatakas sa kanilang pagkakakulong sa kadiliman
"Sila ang mga Pintados. Hindi sila mapagkakatiwalaan."
"Bakit nila ako hinahabol? Anong kasalanan ko sa kanila?"
"Malalaman mo din ang lahat kapag nakarating na tayo sa Santuwaryo. Doon masasagot lahat ng katanungan mo."
"Santuwaryo? Ano yun? At saan mo ba ako dadalhin? Hindi kita kilala kaya ibaba mo na ako.!"
Hindi kumibo si Romano at patuloy lang siya sa pagtakbo.
SANTUWARYO
Sa isang kalye na malayo sa kabihasnan dinala ni Romano si Daina. Sa isang lugar na hindi masyadong dinadayo ng mga tao, isang lumang gusali sa pagitan ng ika-apat and ika-anim na lansangan ang pinasok nila. Isang makipot na daan ang kanilang binaybay at sa dulo nito ay may isang matandang lalaki na nakaupo at nagbabantay. Tumango ang matandang lalaki ng makita si Romano; tanda ng pagbigay pugay sa binata.
Sa pinakadulo ng eskinita ay isang pang lumang hotel ang nakatayo. Halatang wala nang taong nakatira rito at abandunado na. Nagtataka si Daina dahil ngayon pa lang niya nakita ang lugar na kinatatayuan ng gusali. Napansin niya ang nakatambay sa labas ng hotel na may kakaibang itsura. Sa may pintuan ay may dalawang batang babae na masayang naglalaro. Amarilyo ang kulay ng balat ng dalawang bata, maliit ang mukha, may mapupulang mata at parehong nakasuot ng mahabang damit na magkahalong kulay itim at abo. Sa paglapit ni Daina sa dalawang bata ay nagiba ang hugis at itsura nito. Naging isang munting ada ang dalawang bata, mga isa o dalawang pulgada ang haba. Ang isang ada ay may pakpak na hugis dahon ng maple, mapupula at matingkad ngunit kumikinang sa tuwing pinapagaspas niya ito.Ang isang ada naman ay maputi na gaya ng niyebe. Ang pakpak nito ay hugis niyebe din ngunit kulay asul at kumikinang na parang kristal sa tuwing pinapagaspas niya ito. Masayang lumipad palayo ang dalawang ada habang papalapit si Daina sa kanila.
Sa pagpasok nila sa lumang gusali ay lumuwa ang mata ni Daina sa kanyang nakita. Kakaiba ang itsura ng looban ng gusali kumpara sa labas na anyo nito. Mas maaliwalas at maliwanag ang looban ng gusali. Ang bawat sulok nito ay pinapailawan ng mga kristal na nakabitin sa pader. Ang itaas na bahagi naman ay pinapailawan ng nagliliyab na apoy na kung titingnan ay isang malaking Santelmo ngunit kulay asul ang apoy na nilalabas nito.
Isang napakagandang babae ang sumalubong sa kanila. Si Vashti, isang babae na nagmula sa angkan ni Dal'Lang; ang dyosa ng kagandahan. Maputi ang balat, may mahaba at kulay kahel na buhok, at kulay berde ang mga mata. Hindi na nagtanong si Vashti kung sino ang kasama ni Romano. Nagbigay galang si Vashti kay Romano na may kasamang paglalandi.
"Ikaw pala Romano. Ito na ba yung sinasabi nila na sasagip sa ating lahat? Hmmmm.. Mukhang wala sa itsura niya pero may kakaibang lakas akong nararamdaman sa kanya." Paglalandi ni Vashti kay Romano.
"Andyan ba na si Haring Langitnon?" Tanong ni Romano.
"Oo kanina ka pa niya hinihintay. Nasa baba siya. Dumiretso na ka lang muna doon. Ako na ang bahala kay Daina."
"Sige, pakidala na lang muna siya sa kanyang kwarto sa itaas para makapagpahinga. Bigyan niyo na din nang makakain baka nagugutom siya."
"Daina, sumama ka muna sa akin akong bahala sayo. Kailangan mo muna magpalit ng damit at may kakaibang amoy ang suot mo" Sambit ni Vashti.
Dinala ni Vashti si Daina sa isang napakaling silid na may isang kama sa gitna. Isang malaking bote na naglalaman ng alitaptap ang nagbibigay liwanag sa silid. Dahil sa pagod ay humiga muna si Daina at nakatulog.
PAGMULAT SA KATOTOHANAN
Makalipas ang ilang oras ay isang katok ang gumising kay Daina. Binuksan niya ang pinto at laking tuwa niya nang makita niya ang Ina niya sa pintuan. Niyakap niya ito ng mahigpit at naluluha sa saya nang makitang buhay at ligtas ang kanyang Ina. Pinaliwanag ng kanyang Ina kung paano siya nakatakas sa mga Pintados. Ilang minuto pa ay dumating din si Romano sa kwarto at nakitang nagiiyakan ang dalawa. Hindi na sana isturbohin ni Romano ang dalawa ngunit nakita siya ni Celestina na pumasok sa kwarto kaya tinawag niya ito.
"Romano, andyan ka na pala."
"Nais na kayo makita ni Haring Langitnon. Naghihintay na siya sa silid niya."
"Inay sino si Haring Langitnon at bakit andito tayo? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan natin magtago at bakit may humahabol sa akin. Hanggang ngayon ay hindi parin malinaw sa akin ang lahat." Pagtatanong ni Daina.
"Anak, bago tayo pumunta sa Hari ay nais ko munang malaman mo na kahit anong mangyari ay mahal na mahal kita. Wala akong hinangad kundi ang kaligayahan at kaligtasan mo. Ngunit kailangan mo nang malaman ang lahat tungkol sa pagkatao mo. Kailangan mo na din malaman ang pinanggalingan mo para narin sa kaligtasan mo."
"Kaligtasan? Bakit? May masama bang mangyayari sa akin? At sino ang gagawa sa akin ng masama? Ang mga Pintados na ang itsura ay gaya ng mga halimaw na napapanuod ko sa TV?" Sunod sunod na tanong ni Daina.
"Tama anak, ang mga halimaw na napapanuod mo sa TV ay totoo. Sila ang mga Tigbanwa, kalahating tao at kalahating engkanto. Ang dugong nananalaytay sa kanila ay purong dugo ng tao at busilak na dugo ng isang engkanto. Noong una pa man ay gusto na nila ng pantay na karapatan gaya ng sa tao. Ngunit mahirap para sa mga namumuno ng bansang ito ang bigyan sila ng parehong karapatan dahil na rin sa mga balitang nagsisimula mismo sa kanila ang kapahamakan at gulo." Paliwang ni Celestina.
"Gulo? Paano?"
"Noong unang panahon bago pa man sila lumantad sa mga tao ay nagkaroon na ng mga patayan at sakuna dahil na rin sa pagdumi ng isip ng mga Tigbanwa na kagagawan ni Mayari. Dahil sa galit at puot na kinimkim ng mga Tigbanwa ay nabahiran ng kasamaan ang puso at isipan nila. Hinaluan ni Mayari ang kanilang dugo ng dugo nga kadiliman na galing sa mismong dugo niya kaya naging halimaw ang mga itsura nila at nagkaroon ng kakaibang kapangyarihan at lakas. Tinawag niya ang kanyang mga alagad na Pintados, ang ang tanging sinusunod ay siya lang." Paliwanag ni Celestina.
"Daina, ang dugo na taglay mo ay hindi purong dugo ng tao. May halong dulo ito ng isang Tigbanwa. Ang dugong taglay mo ay dugo ng isang Aswang at busilak na dugo ng isang Diwata. Ang pagkakaiba mo sa kanila ay naging puro ang dugong Aswang na nananalaytay sayo kaya itsurang tao ka pa din at hindi kalahating hayop.
Sa mahigit isang daang libong taon, ikaw pa lang ang ipinanganak na Mulato... ulit. Kaya nga siguro hinahabol ka ni Mayari dahil sa gusto niyang angkinin ka at gawing sandata." Ang mga Mulato ang isa sa pinaka makapangyarihang nilalang sa mundo ng Elementalia. Kapag hindi nagabayan ng maayos ang isang Mulato sa saktong edad nito ay maaring maging isang masamang Mulato ito na siyang wawasak sa mundo ng Elementalia." Pag-amin ni Celestina kay Daina.
"Ano? Isa akong Aswang?" Tanong ni Daina sa Ina.
Sa pagkakataong ito hindi makasagot ng diretso si Celestina kay Daina. Ayaw niyang sa kanya manggagaling ang ang katotohanan dahil na rin sa pagmamahal niya sa anak. Ngunit kailangan niya ipagtapat ang katotohanan para na rin maliwanagan siya sa lahat.
"Anak, ang totoo niyan ay hindi ako ang tunay mong Ina. Isa akong bantay. Ako ang inatasan na magbabantay sayo dito sa mundo ng mga tao. Isa akong Diwata. Kahit na inatasan ako para maging bantay mo ay minahal kita ng buong buhay ko. Anak kita dito sa mundo at ako ang iyong ina." Pagtatapat ni Celestina.
"Ano? Hindi totoo yan. Hindi ako naniniwala. Pero ung totoo man yan bakit hindi mo sinabi sa akin ang katotohanan?" Sagot ni Daina.
"Anak patawarin mo ako, pero kailangan ko itago sayo ang katotohanan para na rin sa iyong proteksyon at kaligtasan. Heto ang tamang panahon para malaman mo ang lahat. Nasa wastong gulang kana para pumili at piliin ang buhay na gusto mo."
Hindi makapaniwala si Daina sa kanyang narinig. Ngayon lang niya naalala at napansin na kaya pala walang kupas ang ganda na taglay nang kanyang Ina ay dahil sa hindi ito tunay na tao. Kung ano ang itsura niya noong dalaga pa ito ay ganun pa rin ang itsura niya magpahanggang ngayon.
"Anak, mas mabuti kung malaman mo ang buong katotohanan kay Haring Langitnon."
"Oo nga Daina, mas mabuti pang puntahan na natin ang Hari para mas maintindihan mo ang lahat at para na rin malaman mo sa kanya mismo ang katotohanan at para na rin siguro makaharap mo ang taong matagal ka na gusto makita." Sambit ni Romano.
Palaisipan kay Daina ang sinabi ni Romano. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig niya mula sa babae na inakala niyang kanyang totoong Ina. Ang buong akala niya na pangkaraniwang tao lang siya, isang simpleng babae na may pangarap sa buhay - ang umibig, ang magtagumpay bilang isang sikat na manunulat, ang maging mabuting anak sa kanyang ina, ang magkaroon ng sariling pamilya balang araw. Ang hindi alam ni Daina ay may mas malaking responsibilidad siya na dapat niyang gampanan sa mundo ng mga tao at sa mundo ng Elementalia.
Hanggang saan ang kayang tanggapin ni Daina?
Anong tulong ang maibibigay ni Haring Langitnon kay Daina?
Sino nga ba si Haring Langitnon?
*****
Ang unang bahagi ng Kwentong ito ay nakakamit ng ikasampung karangalan sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan. Salamat sa nagbasa at sa mga humusga sa patimpalak!

Pang teleserye lang!? Sinu kaya ang last na Mulato? Feeling ko si Mayari, ngunit na consume siya ng kanyang dugong Tigbanwa!!! hehehe,
ReplyDeleteHehehhe.. well.. lets see how this story will end..
Deletelooking forward sa susunod na kabanata ng buhay ni Diana :)
ReplyDeleteThanks Zei..
Deletehonmg haba ahhh,
ReplyDeleteala isa pala syang half aswang half diwata!
interesting ahh dame nang rebelasyon dito
anu kaya mga kaya gawin ni daina
at anu merton kay harin langitnon
trip ko ung mga term na ginamit mo dito
Medyo.. pero next time maikli na lang hehehe
DeleteHuwaw, ang astig naman ng kwento. Sa title palang Fantaserye na ang dating.
ReplyDeleteHmm, so labanan pala ito ng mga super natural beings - Mulato/Diwata/Pintados. Galing! then parang hawig din ng character ni Daina si Juan Dela Cruth :D half aswang, half human, half fairy?
Gusto ko next time, nagkikislapan na ang mga powers nila at isang maaksyong labanan.
Hahaha.. Juan dela cruth talaga? lol..
DeleteUU darating din tayo dyan.. abangan.. haha