Ang Damuhan, Ang BnP, at Ako

Nakakatuwang isipin na ang pinaghirapan mong kwento ay mapansin, purihin, at mabigyan ng karangalan lalong-lalo na kapag galing ito sa mga kapwa mo blogero. Sa totoo lang plastik kung sabihin ko na hindi ko naman hinangad na mabasa ng nakararami ang aking mga sinusulat sa blog na ito at hindi ko hinangad na sana ay maraming mag comment sa post ko, o di naman kaya ay purihin ang gawa ko. Kahit sino naman sigurong manunulat ay hinangad na mabasa ang pinaghirapan natin diba? Kaya Oo! Kailangan ko ang kunting awa niyo.. Mag comment naman kayo sa mga post ko. Utang na loob! Lol.

Kidding aside...(minsan lang ako magpatawa..Waley pa!)

Unang-una, personal blog ito; dapat ay patungkol sa sarili at sa mga kalokohan ko ang mga nakasulat dito. Pero gaya ng wika dynamic din ang utak ng isang tao. Pangalawa, hindi ako mahilig magsulat ng mga kwentong gaya ng entry ko. Marahil sa haba ng panahon ay nagbago na ang pamamaraan ng pagsusulat ng isang blogero. Gaya ko na hindi mahilig magsulat ng kwentong katha, masarap isipin na nabibigyan ng pagkakataon ang mga gaya ko na mailabas ang mga gusto kong isulat isa na dyan ay sa pamamagitan ng BnP (Bagsik ng Panitik). Sa taong ito ay sinubukan kung sumali. Ito ang unang pagkakataon na sumali ako, if I remember it right. Ang reason ko talaga bakit ako sumali ay para suportahan ang kaibigan kong si Bino. Hindi ko hinangad na manalo kasi madaming magagaling na sasali. At hindi naman siguro masama na magtry diba?

Well, hindi naman nasayang ang effort ko, kahit dumugo utak ko sa kakaisip ng konsepto para sa BnP dahil sa  pagtatapos ng Bagsik Ng Panitik 2013 ng Damuhan ay nailagay sa ika-sampung karangalan ang kwentong inilahok ko na pinamagatang,  

...drum roll please...

GINTONG BAKAL NA PLUMA. Akalain mo out of 49 entries, nakapasok pa ako at nailagay sa ika sampung pwesto. Astig diba?

Para patunayan ko sa inyo.. Heto ang badge bilang patotoo na nasungkit ko ang ika sampung karangalan.


Kitam? Naniniwala na kayo? Hindi ko gawa ito ha. Galing ito sa may-ari ng Damuhan na si Bino. Tanong niyo pa! Lol

At akalain mo din na may PART TWO ang inilahok ko na entry. Kung gusto niyo lang naman ipagpatuloy ang kwento ni Daina ay dito niyo mababasa yun... ELEMENTALIA: TRUTH

Ginaganahan na akong magsulat ng mga ganitong kwento. Kaya ipagpapatuloy ko ang pagsulat ng nga kwentong karumaldumal at kahindik hindik..Lol..Baka heto na ang chance ko na maging sikat at yumaman gaya ni Stephanie Meyer, J.K Rowling, etc. Nyahahaha!

Anyways, maraming salamat sa mga hurado ng BnP 2013 at mga bumubuo nito, salamat kay Bino at sa Damuhan, salamat sayo, ikaw na nagbabasa nitong thank you post ko. Higit sa lahat MARAMING SALAMAT KAY LORD! PRAISE GOD!

Hanggang dito na lang muna . Mahal ko kayo!!!

Comments

  1. Isang umaatikabong CONGRATULATIONS! na mala-Luningning ang pagkakasambit sayo Prof X!
    More stories to come, pero pwedeng happy fantaserye naman? Lol. Bat ba bet na bet nyo ang mga madudugong kwento? May mga pinagdadaanan ba kayo?
    Bwahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha.. umaatikabo talaga? hahahaa.. Gusto ko yung madugo ehh at yung dinudugo.. haha di bale sige masayang kwento naman.. hahaha

      Delete
  2. congrats sir Xander! may ibubuga din naman talaga yung entry mo ih hehe ^_^

    iniiwasan kong sumali sa mga ganyan kasi baka maubos yung utak ko nyahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha salamat naman..
      Ano ka ba.. Sumali ka.. masaya yan..

      Delete
  3. Yey, congrats ng marami para sa pagkakabilang mo sa Top 10 ng BnP :))

    Don't worry, will find time to read your Elementalia series. Mejo bisi-bisihan lng ang peg haha :D

    ReplyDelete
  4. congrats! hahaha.. actually parehas tayo ng reason kung bakit sumali.. hehehe

    halos pisilin ko rin ang utak ko para makasulat ng entry, nahiya kasi ako kay bino after ko mangako na sasali ako eh.. ayun, sa mismong deadline ako nagpasa.. hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same tayo... last day na din ako nagpasa hahaha

      Delete
  5. Congrats Sir Xander. Pareho tayo ng nararamdaman. Sarap ng feeling diba. Nakakagana tuloy magsulat pa. Hehe. May part 2 pa ah. hihi

    ReplyDelete
  6. Congrats Xander! Maganda naman yung entry mo! :D

    ReplyDelete
  7. congrats haha di ko pa nakikta ung akin!
    kakatuwa talaga ang BNP

    ReplyDelete
  8. Salamat muli sa paglahok :)

    ReplyDelete
  9. Sir ang galing nyo po nag aabang na me ng susunod na kabanata ng kwento nyo:)

    ReplyDelete
  10. Huwaw ang dami palang entries! Magaling ka nga talaga! Hihihihi

    Congrats :-)

    ReplyDelete
  11. nice. congrats sa pagkapanalo!=D

    ReplyDelete
  12. Sabi sayo page turner ang gawa mo eh . Congrats ulit xander :)

    ReplyDelete
  13. lalo kang gumwapo ka niyan sir!! lol congrats po sa inyo sir! sana ay may kasunod pa!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?