Tama Na! Sobra Na! Palitan Na!


Yes! That's the famous line noong panahon ni Marcos...yung time na pinatalsik na siya ni Cory. But I won't talk anything about what happened many years ago. It's all in the past. Sabi nga ng nakararami, lets move on and move forward. Nangyari na ang nangyari kaya wag na natin balikan. Gets?

Pero bakit karamihan sa atin ay mas gustong balikan ang nakaraan kesa puntahan ang bukas. Mas marami ang gusto na manatili na lang sa alaala ng kahapon kesa salubungin ang magandang umaga. At mas marami sa atin ang mas gustong balikan ang nakaraan kahit nasasaktan kesa harapin ang bukas na puno ng pag-asa. 

Wag na tayong lumayo, kadalasan nangyayari ito kapag ang isang tao ay umiibig. Diba kapag mahal na mahal natin ang isang tao ayaw natin mawalay sa kaniya. Kapag sa tingin mo ay sa kanya naikot ang mundo mo ay ayaw mo nang kumawala sa sumpa na dulot ng pagmamahal ng sobra. Ang tanong eh, kailangan ba talaga sa kanya umikot ang mundo mo? Pano na ang mundo kung saan ikaw ay makakagalaw ng maayos at masaya. Sabagay, mangangatwiran ka din naman na masaya ang mundo mo kapag kasama siya. Dumaan naman tayo lahat na umibig ng lubos... nasaktan... gustong balikan ang pagibig na nawala... ginawa ang lahat para makuha ulit siya...nag effort ka, kulang na lang tumambling ka at mag pagulong gulong para lang mapansin ulit niya pero walang epekto sa kanya ang effort mo...

To be honest with you, marami akong kaibigan na nasa isang sitwasyon na kahit gaano pa kasakit ang kanilang naranasan sa pag-ibig o sa kamay ng taong kanilang minahal ay mas pinili nila na masaktan na lang at mag effort pa din na suyuin o ligawan o landiin ulit ang kanilang dating minamahal para lang mabawi ulit ito. 
Ayaw ko na magbigay ng names baka kuyugin nila ako... Hehehe...

Naiintindihan ko ang pinanggalingan nila. I was in that shoe.  I fall in love many times, got broken, exert effort to please that person and win her back but still failed. But still keep on trying until such time I realized I lost so many things, so many opportunities, at ang masakit pa ehh nawala yung respeto sa sarili. But good thing is that life doesn't end there.

Friends, this is not to judge you. Karamay niyo ako. Maybe right time na para sabihin ko sa inyo na..

TAMA NA! SOBRA NA! PALITAN NA!

Yes Tama na ang kahibangan. Kung nag effort ka man enough na yun para malaman ng isang tao na mahal mo siya at ginawa mo ang lahat para ma-win mo ulit ang pag-ibig niya. If you failed, then TAMA NA! Ilang beses ba dapat i-turn down ang effort mo para malaman mo na wala na talaga. Ilang beses mo ba gusto masaktan? Ehh kung saktan kita! kutusan.. ganyan!

Sobra na!.. ang katangahan mo!

Ang umibig at masaktan dahil umibig ka are necessary part of our growth. Madali lang ang buhay. Kung nasaktan ka, nahulog at nagkagalos, tumayo ka, pagpagin ang sarili and then move forward. Kaso medyo may pagka masokista ang tao, mas gusto natin yung nahihirapan tayo at nasasaktan. Well, hindi ako! Naks! 

Para ka lang isang gulong sa isang putikan na patuloy na umiikot pero hindi gumagalaw sa nasaklakang putik. Patuloy ang iyong pagikot hanggang sa uminit at umusok ka na. At kapag tumagal pa ay masisira ka na at magiging wala nang kwenta. Tama diba?
Siguro heto ang dapat mong gawin:

TANGGAPIN MO NA MAY MGA BAGAY NA WALA NA TALAGA SAYO. Hindi lahat ng bagay ay meant to be na magiging sayo. Kailangan mo tanggapin na ang mga bagay na nawala sayo ay hindi mo naman ikamamatay. Maybe sit down and then go back to the time that the person who hurt you is not there. Yung time na hindi mo pa siya nakikilala, diba nabuhay ka naman?

Marahil ito na yung pinakamasakit na katotohanan ang tanggapin na wala na sayo ang taong mahal mo. Masakit tanggapin na nawalan ka ng isang bagay na nagpapasaya sayo. Pero kung titingnan mo ang sarili mo hindi ka naman talaga masaya kasi nalulungkot ka sa pagkawalan niya. 

MAKE A PLAN TO CHANGE. Mahirap sanayin ulit ang sarili lalo na kapag nasanay ka na kasama mo ang taong mahalaga sayo. Ngunit, kapag naintindihan mo na ang sarili mo, ang sitwasyon at alam mo kung ano at saang daan ang gusto mong tahakin marahil mas madali lang ang pag move on. It's all in the mind ika nga. 

Ang pinakaunang hakbang para mapagtagumpayan ang sakit at iyong kalungkutan ay ang tanggapin ito. Acceptance lang ang kailangan. Kapag tanggap mo na, ehh di mas madali mong mapagplanuhan ang hakbang kung paano makalimot. 

START LOVING YOURSELF. Kapag nasaktan at nabigo ang isang tao kadalasang sinasabi natin ay, "Kung mabait ba akong tao? Bakit ako kailangan pa ang masaktan? Bakit ako pa? Bakit ganito ako?."

kapag nasaktan kasi ang tao, nawawala yung kumpyansa sa sarili. Taas ang kamay ng mga nag agree!!!
Siguro kailangan mo lang ibalik ang tiwala at kumpyansa sa sarili. Iyon ang pinakamahalaga. 

Life must go on. Hindi hihinto ang pagikot ng mundo mo dahil lang sa sakit na nararamdaman mo. Sayang baka sa todo effort mo na suyuin ang taong ayaw na sayo eh hindi mo alam na ang taong para sayo pala ay nakuha na ng iba.. Ikaw din... #NanakotPa



#Photo borrowed from DevianArt by Metide

Comments

  1. kasi nga naman, para ka na ring nagbasa ng libro na natapos mo ng basahin sa pag-asang mag-iiba ang ending.

    pero hindi mo ko masisisi. mahal ko pa rin eh. big time! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu nga parang yung post ko lang sa fb ko hahaha..

      ehh ganun talaga wala na tayong magagawa dyan.. pag mahal mahal talaga.. ahehehe..

      Delete
  2. for me, love is long suffering ;-) hanggat pwede pang i fix, fix nalng. kasi ang hirap magpalit ang mag adjust sa bagong gamit eh;-D pero syempre pag di na talaga kakayanin, at naubos na, palitan nah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahehehhe ayaw ko naman mag suffer ng mahabang panahon ahahaha.. pero meron talaga ganun noh.. kapag nagmahal ang tao bahala na masaktan...dumaan tayo lahat sa ganyan ayeee..

      Delete
  3. Simple lang naman ang sa akin parekoy...
    1. TANGGAPIN MO NA MAY MGA BAGAY NA WALA NA TALAGA SAYO
    -Mahirap tanggapin at alisin ang pag-asa lalo na kung ito na lang pinanghahawakan natin. Hindi madali. Matanggap man totally, it takes time. Try to say this to someone like me na kagagaling lang sa kabiguan, hindi ko mangunguya ang thought.

    2. MAKE A PLAN TO CHANGE
    -Mahirap pagplanuhan ang pagbabago kung naging bahagi na ng sistema mo ang mahalin ang isang taong gagaguhin ka lang pala. Nakakabobo ang sitwasyon na parang ayaw mo ng harapin ang bukas dahil sinama mo siya sa lahat ng pangarap mo. Again, this will take time...

    3. START LOVING YOURSELF
    -Madaling sabihin. I love myself. Pero sa taong pagod na sa pag-iisa, anu na? nga-nga na naman? Pero tama, dito ako ako pinaka-agree... Leran to love yourself at all time para sa lahat ng gagawin natin, walang ibang tao na magkakaroon ng karapatan na saktan at iwan tayong hindi kumpleto ang pagkatao. Kahit pa matapos ang mga sandaling pinaikot natin ang mundo natin sa kanila...

    Haaaayyyy... maganda ang post na ito...
    Pasensiya kung mahaba ang aking tugon...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iba iba naman kasi sitwasyon ng mga umiibig, sa gaya mo na kagagaling lang sa kabiguan marahil hindi applicable ang post na ito. Wag ka mag-alala gagawa ako ng post para sa kakabroken hearted pa lang hehe..

      Walang ano man kung mahaba ang tugon.. Appreciate ko yung idea mo at salamat sa pag share dito sa blog.. Balik ka ulit..

      Delete
  4. Ano ba?! haha it's all coming back and I'm a survivor! Ganun talaga eh. People come, sh!t happens, time to scram. Ramdam ko ang bawat salita sa post na ito. Pinagdaanan ko ito, it's a blessing in disguise as it made me closer sa family ko.
    We can never be alone unless we choose to be. We have our family, friends and work to keep us busy :)
    I keep reminding my self, ang love, darating na lang yan in perfect time. tiwala lang. tsaka ligo ligo din..lols... hahaha.. bat nasama yun?!


    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. tama maligo dapat para mapaibig muli hahaha

      Delete
  5. Ganun talaga pag nagmamahal. we become vulnerable. it's like your giving the other person the power to hurt you, but trusting them not to do so. hahay! napaka-timely naman ng post na'to. sapul ako. shit. sakit.

    ***

    By the way, I am Mon of Monz Avenue and I am blogging again, I got your link on my blog. X-links? lol

    ReplyDelete
  6. Tama naaaa! hindi ko naman kinaya ang magbasa neto. (sapul lang ang peg ko.)

    Emotera Much

    ReplyDelete
  7. mukang kasing lalim ng balon ang pinaghuhugutan mo sa post na to,
    well ito lang masasabi ko ang pagmamahal ee di isang fairy tale
    na lahat ng gusto mo at pinapangarap ay mangyayari kadalasan pa nga ee
    kabaligtaran pa,
    masalimuot ang magmahal lalo't pag ang napili mong mahalin ee di mo masasabing
    deserving,
    Ironic ang love di mo mararamadaman ang pinak masasakit na experience pero in the end
    wala nang sasarap pa sa pagmamahal at ang mahalin ka,

    basta ako mas mahal ko ang gf ko naun

    ReplyDelete
    Replies
    1. Congrats and happy for you at mas mahal mo gf mo.. keep the fire burning..

      Delete
  8. Nice point. Kaso mahirap gawin... i admit minsan nadadale pa rin ako neto.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun talaga.. lahat tayo naman nadadale pag love na ang pinaguusapan

      Delete
  9. Love youself...., yan lang din ang nasa isip ko sa ngayon hangga't hndi q pa nahahanap yung sagot sa sarili qng mga tanong :)

    ReplyDelete
  10. nako ang daming sinabi. para sau ata mga payo mo e? charrrrr

    may kilala akong ganyan, nakakainis na siya kasi hindi siya maka move on kahit anong payo na namin ayaw nya talaga kalimutan un ex nya haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahha.. hmmm.. hindi naman.. pano ko ma apply sa buhay to eh masaya ako ngayon.. lol..

      naku meron din ako kilalang ganyan.. hahaha

      Delete
  11. At dahil ako ay single since birth, hindi ako makarelate :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay ganun ba? may papakilala ako sayo.. ghusto mo? lol kidding!

      Delete
  12. Moving on is easier said than done. lalo na kapag yung taong gusto mong kalimutan eh nandyan lang sa malapit at laging umaaligid.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas mahirap yan kapag andyan lang sa paligid.. naku iwas na lang talaga..

      Delete
  13. Moving on is easier sad than done. Lalo na kapag yung taong gusto mong kalimutan ay nandyan lang at umaaligid.

    ReplyDelete
  14. parang iba naiisip ko habang binabasa ko ito pareng Xander hahahaha! o may pinagdadaanan lang din ako? lels!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit Xan, nakarelate ka ba? ahahha.. may pinagdadaanan ka lang im sure.. haha

      Delete
    2. uu meron haha! alam mo yung araw-araw kang gigising tapos kailangan mo nalang tanggapin na ganun talaga ang buhay? may kulang pero you have to accept it. hindi kana gigisng na kagaya nung dati na masaya at excited kang may itext ng GOOD MORNING LOVE YOU! hahahahaha! ngayon wala na.. we have to let go at start moving forward :)

      hala ang haba ng reply ko ^_^

      Delete
    3. Ahh hmm.. may pinagdadaanan ka nga.. pero ok lang yan.. im time all wounds will be healed

      Delete
  15. perfectly said...it's hard but we need to move on every day, we need to put the past behind and live up the future...it's hard really but its achievable...:)



    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama.. moving on everydy.. sabi nga sa kanta.. there is always a rainbow after the rain.. diba?

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?