Hindi Po Year-End Post Ito! Promise...

Hindi maganda ang pasok sa akin ang taong 2011 dahil na rin sa maraming bagay. Andyan na yung nabigo sa pag-ibig, nag resign sa trabahong pinapasukan, nawalan ng trabaho ng dalawang buwan at kung ano-ano pa. Akala ko nga eh, hindi na ako makabawi sa mga nangyayari sa buhay ko pero nagkakamali ako. Masasabi ko na ang buhay talaga ay parang sapatos. Minsan nakakaapak tayo sa putik, as in putik! Minsan naman ebak! Medyo may kabahuan din naman ang buhay natin. Alam mo yung may mga mabahong pasabog na mabibigla ka na lang at hindi mo namalayan eh lumubog ka na pala dahil sa dami ng problemang napagdaanan.

Ang masaya lang nito ay natural na sa atin ang hindi pagsuko sa kahit anong pagsubok. Masaya ang buhay. E-enjoy lang natin ito.
Ang taong 2011 para sa akin ay magkahalong hirap at ginhawa. Siguro talagang kaakibat na ng buhay ng tao ang hirap. Ngunit masasabi ko din naman na hindi lahat ay puro na lang hirap ang napagdaanan ko sa taong 2011. Meron din namang ginhawa at masasaysang bagay.

Narito ang ilan sa mga mahalagang pangyayari naganap sa taong ito:
  •  Buwan ng Enero - nabigo sa pag-ibig (ito daw talaga ang unang nasa listahan ko... Hahaha). Isang malaking joke lang po ito!
  • Pebrero - Unang beses ko sa Baguio. Hanep! Malamig nga talaga sa Baguio. Lol. Ako na ang ignorante. Isang malaking sorpresa ang bumulaga sa akin sa Baguio na gawa ng dalawang importanteng tao sa aking buhay. Maaring tingnan ang sorpresa dito: Sorpresa.
  • Buwan ng Marso - hindi ko lang sigurado kung umuwi ba ako sa Davao nito. Kailangan na ata mag memory plus?
  • Abril - Wala naman masyadong mahalagang nangyari sa buwan na to. April Fools kasi. Lols. Isa akong baliw!
  • Buwan ng Mayo - Unang beses makaapak sa tiretoryo ni Marcos - Ilocos. Unang beses ko din napuntahan ang Vigan. First time sa Pagudpud. Nagpunta sa Sand Dunes. First time ko din mag pa Henna Tatoo (na walang kwentang tatoo..parang adik lang)

     

    • Buwan pa rin ng Mayo - nadagdagan at nagkaroon ng mga tunay na kaibigan na maituturing kong pamilya.
    • Buwan ulit ng Mayo (walang pakialamanan, marami nangyari nung Mayo) - naisipang mag resign para lumipat sa isang kumpanya na akala ko ay makakapagpatupad sa aking American Dreams. Result? FAILED! blag!
    • September - nawalan ng trabaho at naging bummer nng halos dalawang buwan. 
    • Buwan ng October - Bumalik sa dating kumapanyang pinapasukan. Masaya. Mas masaya. 
    • Buwan ulit ng October - Unang beses ma try ang longest Zipline sa Asia. It happened in Cagayan De Oro City. At least I conquered my fear of heights. Also tried, Zorbit and White Water rafting. 


    • Buwan ng November - Nakapasyal sa Pangasinan, Hundred Island. First time ko din dito, alam mo ba? HIndi pa? So ngayon alam mo na? Pwede mo na lang tingnan ang post ko about sa Pangasinan dito oh: Pangasinan
    • Nobyembre ulit- Nakatanggap ng di inaasahang regalo mula isang matalik na kaibigan na tawagin natin sa pangalang The-Name-That-Should-Not-Be-Mentioned. Actually galing ito sa mahal niya na binigay sa akin. Gaya lang din ito nung nagpunta ako sa Baguio. Ngunit di ko inaasahan na ganito kaganda at kamahal ang sorpresa. Isang black na box na aking nadatnan na may mamahaling tatak. Hmmm.. Tao po ba ito? Hindi! Pagkain? Hindi rin! Bagay? Oo bagay. Anyways, heto po yun oh...

     Yabang lang diba? Hehehehe....

    Yung sa December, next time na lang di pa tapos ang taon ehh. Marami pang magagandang bagay akong i share bago matapos ang taong ito. Paalam mo.

    Salamat Lord sa biyayang iyong pinagkaloob.

    Salamat sa lahat ng sponsors ko at sa mga nagmamahal sa akin. Mahal ko din kayo.

     

    Comments

    1. wow! zipline and water rafting.. maganda din ang pasok sa akin ng 2011.. yehey!

      ReplyDelete
    2. eh ikaw na may regalo! regaluhan mo nga ko hehehe

      ReplyDelete

    Post a Comment

    Popular posts from this blog

    Happy 2013!!!

    November 1 na ba???

    Oh na na, Whats My Name?