Update-update Din Pag May Time
May mga naihalal na pala na mga bagong Senador.
Patay na pala si Bella Flores.
Bumisit pala si Sarah Jessica Parker sa Pinas at nag ribbon cutting sa SM Aura.
Hiwalay na pala si Ai Ai Delas Alas at ang kanyang bagong asawa. Akalain mo yung kakakasal lang last month hiwalay agad?
Ang daming update sa mundo. Blog ko na lang ang wala pa.
Loser.
Ipagpaumanhin niyo po sa hindi ko pag update sa blog na ito. Naging busy lang po sa trabaho at mga bagay na kailangan bigyan ng pansin. Mahalagi sa akin ang blog na ito. Kaya kahit na busy ako sa buhay ko eh bumibisita pa din ako dito. At nagbobloghop din ako, di nga lang halata. UNA, dahil sa opisina ako ng boblog at naka block ang mga blog dito lalo na pag hindi naka dot com (haha..racist kasi IT namin dot com lang ang pwede bukas..joke!). PANGALAWA, pag nagplano ako mag blog sa bahay nakakatulugan ko na lang ang laptop nang hindi ko namalayan. Pagising ko , ayun umaga na. Kaya ipagpatawad niyo na po.
Dahil maraming update ang nangyayari sa mundo. Heto at mag update din ako sa buhay ko. Hindi lang ang mga sikat ang kailangan mag update. Hindi lang ang mga nasa telebisyon ang kailangan man update. Hindi rin ibig sabihin na dahil hindi ako sikat eh hindi ko na kailangan mag update. Kailangan ko mag update para sa mga taong nagmamahal sa akin at mahalaga sa akin at pinahahalagahan ko.
You deserve an update.
So ano nga ba ang bago sa akin?
Sa nakalipas na isang buwan ay heto ang mga nangyari sa buhay ko, sa harap at likod ng kamera.
- May bago na akong work. Oo tama ang nabasa mo! may bago na ULIT akong work. Morning shift, 8AM-5PM, Bonifacio Global City. Astig diba? Goodbye BPO muna ako. Goodbye nightshift na din. Sana magtuloy-tuloy. At sana magtagal ako. Alam niyo na medyo may pagkainipin ako.
- Bati na kami ng Bestfriend ko. Sa hindi nakakaalam may kunting pinagdaanan kami ng Bestfriend ko, pero ok na kami ngayon. Nag-uusap. Nagkakatext. Nagkikita paminsan-minsan. At least improving and were working things out.
- Since sa Bonifacio Global City na ako nagwowork. Ayun new environment lang.
- Araw at gabi ko nang binubuno ang traffic sa EDSA.
- Nakaka experience na din ako ng walang work kapag holiday sa Pinas. Yehbah! Hahaha
- ADJUSTMENT PERIOD. Dumaraan din sa adjustment period ang buhay ko. Mula pang gabing work hanggang sa pang umaga eh medyo nagkakaroon ako ng sleeping disorder. Pero ok na naman ako ngayon. Naka adjust na rin. Nahihirapan sa work - Tsek! Pero nakaya ko. I Survived! (Kwento ko na lang next time).
Sa mga nangyayari sa mundo at sa buhay ko recently, nagpapasalamat pa din ako sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin at sa kakayahan ko. Sa pamilya ko na walang sawang nagdarasal sa kaligtasan ko at sa kalusugan ko. Sa mga taong nagmamahala sa akin...SALAMAT!
Promise po na maguupdate na ako ng blog (Sana mapanindigan ko). Baka kasi bawiin ang nagbabayad ng domain na ito. Hahaha. Sayang naman kung mawala.
Thank God and God bless everyone.
Keep blogging!
Nais One!
ReplyDeleteSaya naman ng bagong work sched mo, office sched talaga, buti ka pa. Kami kahit BPO, inaaabot pa din ng midnight or early morning ang uwi sa pagkakamali kong mag HR XD
Anyway, happy blogging and good luck to your new career. :)
ayun nagupdate din!
ReplyDeletesana talaga magtagal ka na dyan sa work mo. day shift na yan! ahhaha
buti naman bati na kayo ng bestfriend mo. good job
haha buti ka pa me bago nang work ako wa pa din till now haha
ReplyDeleteat buti naman oks ka kayo nu bf mo
at sa adjustment naku expertise ko na ata yan
Yayayain ako ni Xander ng lunch or dinner. Check!
ReplyDeleteIlilibre pa nya ko ng sine. Check!
Hahahaha.
At excited na rin sya sa birthday ko. Check!
Kaya pala di na kita nakikita sa madaling araw kapag night shift ako hihihi
ReplyDeletePero happy kami for u at mukhang ok ka naman sa new work mo
Promise mo yan ah. I;m glad nagupdate ka ng blog mo. Dahil sa update mo nalaman ko na wala na pala si Aiai at yung bagong asawa nya. haha Halatang di ako nagbabasa ng showbiz tsismis sa Pinas.
ReplyDeleteDito rin sa opis nakablocked ang ibang blog lalo na pag di dot com. Good luck sa adjustment mo. Mukhang adjusted kana nga eh :D
wahaha update update nga kung may time!! Miss u bebe!!
ReplyDeleteYan yung kinaiingitan ko ng sobra.. ANG DAY SHIFT.. kakamiss mag work sa umaga at maging isang normal na tao.
ReplyDeletekaron paka naka update?? buhi pa imong blog...kumusta na dra sa Davao??
ReplyDeletehello, Xander... ang ganda ng update. good luck sa bago mong environment, kapatid... :)
ReplyDeleteNaks,welcome sa 8-5 na sched. Sarap lang diba? :)
ReplyDeleteHmm june na ahh walang update. Ahehehe. Baka nga naman bz dba. Sanah tuloy tuloy na blessings
ReplyDelete