Pasan Mo Ang Daigdig?
Kung ang bigat ng mundo ay 5.972E24 kg at idagdag mo pa ang bigat ng mga tao na nakatira dito, mga nasa 316 million tons ang bigat ng lahat ng adults sa mundo o 633 billion pounds. Yung 16.5 millions tons ay mga overweight, ayun sa World Health Organization. Ngayon, idagdag mo pa ang bigat ng yung loob dahil sa problema na sa tingin mo ay nagpapahirap sayo at dahil sa bigat ng loob mo ay dinamay mo pa ang ibang tao... Kaya mo pa kayang pasanin ang mundo? Well, unang-una... GINUSTO MO YAN! Bawat isa sa atin ay may kinakaharap na problema. Ikaw, ako, kahit sinong nilalang ay may inisip at hinaharap na suliranin. Kahit pa yung asong nasa kalye ay namomroblema sa kung ano ang kakainin niya. Kaya nga siguro may asong baliw o ulol dahil sa nawalan na sila ng ulirat sa dami ng problema nila. NGUNIT, nasa sayo din yan kung hahayaan mo lang na pasanin mo ang daigdig na puno ng problema. Hindi ito nauubos... Pero ang pasensya at lakas ng tao kunting kunti l...