12 Best Memories of 2012
I hope I'm not yet late in posting this. Please pagbigyan niyo na ako. May ma update man lang sa blog ko. Sobrang busy lang lately (palusot ng mga walang mailagay sa blog.)
Madami akong nababasang yeard-end post o di naman kaya ay Best Memories of 2012 bagong magtapos ang 2012 (FYI: Inumpisahan ko gawin tong post bagong mag Dec 31, 2012, pero ngayon ko lang natapos. Senyales ng katamaran).
So gagaya lang ako pero gagawin ko lang itong Best 12 Memories ko sa 2012. Hindi naman sa 12 lang yung maalala kong mga pangyayari sa buhay ko kundi, BEST 12 ito... yung mga may impak
Marami akong dapat ipagpasalamat sa mga nangyari sa buhay ko, sa career, sa lovelife, sa business sa nagdaang 2012. Nagpapasalamat ako sa lahat ng naging bahagi ng 2012 ko. You made my 2012 worth remembering... #ParangNamayapaLang. Salamat din sa lahat ng sponsors and sa Movie and TV projects. Thank you Star Cinema for the movie lineup.. Wish for more projects this 2013. Lol (Artista? Pwe!)
Sa lahat ng naging kaibigan ko...Pasalamat kayo at nakilala niyo ako. Lol.
Sa mga may ayaw sa akin... pasalamat kayo ayaw ko din sa inyo.
Sa mga may galit sa akin... I pray for your soul.
Sa mga naiinggit sa akin... Sana mas mainggit kayo lalo.. Lol..
Sa mga may ayaw sa akin... pasalamat kayo ayaw ko din sa inyo.
Sa mga may galit sa akin... I pray for your soul.
Sa mga naiinggit sa akin... Sana mas mainggit kayo lalo.. Lol..
Okay... kung may 12 days of Christmas at may movie na12 Monkeys, at matatapos daw ang mundo sa 2012 (na hindi naman nagkatotoo), meron din akong 12 Best Memories of 2012 (wee.. ano ngayon?).
Heto yun oh!:
- Muling pagdaloy ng dugo sa aking
susopuso (literal toh!)... Alam na! Cheers to a thousand years and forever with you (naks! may masabi lang). Heto talaga yung una sa listahan noh? Opening Salvo to kasi ng 2012 ko. Nyahahaha.
- First travel outside the country - Thailand. First time lumabas ng Pilipinas at makapag ikot sa bansang Thailand kasama ang dalawa sa matalik kong kaibigan. Medyo may hindi magandang karanasan na nangyari sa Thailand ngunit naging masaya pa din ang trip na ito. Sana maulit muli.
- Its more fun in the Philippines talaga. Maraming lugar din akong napuntahan dito sa Pilipinas sa taong ito, andyan ang Underground River sa Puerto Princesa sa Palawan. Napuntahan ko rin ang Boracay. Ang tatlong beses na gala sa Vigan at Ilocos pati na rin sa Baguio. Gumala din ako sa Bataan, Corregidor, at sa Caliraya, Laguna. T'was a great experience worth keeping and remembering. Cheers to more trip and travel with you Ron, Rema, Allan and Joseph. Indeed a year of travel and trips. Wish for more FREE travel this 2013. Sana this year, outside the country naman. (Please Lord, hear my prayers).
- First family trip and outing at Pearl Farm last April 2012. Kasama ang buong pamilya ang malalapit na kaibigan. Salamat sa ligayang pinagkaloob sa buong pamilya. Hinding hindi ko ito makakalimutan. The best memory ever!
- Nag resign for the nth time sa company na pinakamamahal. Ganun nga
talaga siguro, hindi lang relasyon ang kailangan matapos. May mga bagay
din na kailangan mong tapusin para na rin sa ikauunlad mo. Lahat ng
bagay sa mundo ay may dahilan... Ngayon ko lang nalaman kung ano yung
dahilan kung bakit napadalas ang pag resign ko sa kumpanya. Alam mo yun,
greener pasturehinahanap mo ang sarili mo, yung masaya ka sa ginagawa mo kahit mahirap, yung hindi mo alintana ang pagod at stress dahil masaya ka sa trabaho mo (#mapagpanggap), yung masaya ka sa mga kasama mo at malam mong handa kang tulungan sa lahat ng oras at panahon (wee?). Seriously, I am happy and contented sa work ko (for now.. di ko kasi alam hanggan saan at kailan. Alam mo na! Hindi kontento ang tao sa isang bagay lang).
- Got a new job that I like and love (Echus lang toh!). Im glad to meet and found good and wonderful people on this side of the planet. Amazing kulitan and asaran with The Kontrabidas (Alam niyo na kung sino kayo). Thanks for accepting me for who I am and thank you for the friendship and camaraderie. To Akhey, Van and Yubi, Cheers to a great year of pang-bubully and pang-aapi (joke!).
- Bestfriend's Wedding. Isang biglaan at masayang kasalan na naganap last August. Congratulations and cheers to a wonderful married life.
- Isa sa pinaka di ko makakalimutan sa taong 2012 ay ang magpalaboy-laboy sa Thailand. Chinese New Year 2012 sa Thailand noon nang yayain ng kaibiga mamasyal sa Thailand. Bago mag Chinese New year ay nagkaroon ng alitan at tampuhan kaming magkakaibigan na dahilan ng pamamasyal namin na solo sa Thailand. Nagpalakad lakad sa Chinatown at tinikman ang lahat ng klase ng pagkaing kalye sa Thailand. Wala akong alam kung san ako dalhin ng paa ko, hindi rin naman ako takot sa kung anong mangyari sa akin. kampante ako na safe ako at walang masamang magaganap. Kaso nga lang kinabahan ako bigla nang tinawag ako ng grupo ng mga foreigners (puro lalaki) at tinanong kung pwede ko ba daw sila samahan sa lugar na may maraming bars na puro pokpok (naisip ko kung ang itsura ko ba nun ay bouncer o callboy). Sabi ko na hindi ako taga Thailand at foreigner din ako (Nakks!!). Kaya niyaya na lang nila ako maginuman. Syempre di ako sumama, baga ma gang rape pa ako.
Syet! Hahaha.
- Ma hold up at makuha ang importante at mahalagang bagay sa buhay ko --- ang aking puri.. Lol.. Joke! Isang di malilimutang pangyayari na nagbigay sa akin ng isang magandang mensahe. Huwag pangarapin ang bagay na masyadong mahal dahil mawawala din ang mga ito (mapupunta din sa mga magnanakaw at mga taong halang ang kaluluwa, abdo, atay, puso, balon-balonan). Maging masaya at kontento sa kung anong meron ka.
- Launched my photblog-blogan. Wala lang!... Dapat ba talaga isama to sa Best memories ko to o wala lang talaga akong maisip na iba pang best memories. Hahaha. Basta best ko to! Walang pakialamanan. Lol
- Maging bahagi ng First Philippine Instagram Photo Exhibit. Isang masaya at di malilimutang karanasan sa taong ito. Salamat sa pagkakataon @igersmanila @globeigers @iCoss na inyong ibinigay. Sa mga bagong kaibigan na nakilala sa Instagram at naging kaibigan sa totoong buhay. Salamat sa inyo. sa oBESe family, Bollard Friends at Igermanila, Salamat! Sa uulitin. (Yung canvas ko di ko pa pala nakukuha... hehe)
- Charity work: Cribs Foundation Visitation and gift giving. Bago matapos ang 2012 ay naisipin ko at ng dalawa kong ka teammates na mag participate sa company activity namin sa Cribs Foundation. Talagang masayang makakita ng mga batang nakangiti dahil sa munti mong regalo na handog at dala para sa kanila. Sana this year, mas marami pa akong matulungan.
So ayun lang naman. Looking forward for my 13 Best memories this 2013. Cheers everyone!!!
humabol sa year-end post! better late than never! happy new year :)
ReplyDeleteAyy uu pahabol to.. hahah not yet late.. hahaha
DeleteNaintriga ako don sa una... may rhyme kasi eh... hahaha
ReplyDeleteHahaha.. wala yun.. Ang nakakaintriga ay ang di mo pagtanggap sa pag-ibig na inialay ni.... Lol
DeleteDugong dumaloy sa... Suso ba yung nakita ko. lol Nakakapanghinayang yung gang rape sa Thailand. dyuk! Dami mong travels ah. More adventures and blessings this year. Happy 2013! Late naba ang bati ko? lol
ReplyDeleteHahaha.. ayy naku sayang nga ehh.. gusto ko ma try yun wahahah.. joke...
DeleteDi ba this year yung nanakawan ka ata habang nakikinig ka sa headset mo at ikaw ay nasa jeep? hehe Panira lang ng trip eh noh? Happy new year sayo Xander! :D
ReplyDeleteHahahaha pinaalala mo pa Maam Zen.. pambihira ka.. hahaha
Deletemay year end post din .... buti nakahabol ... hahaha
ReplyDeleteUu nakahabol din hahaha
Deletehaha intriguing nga ung number1 haha
ReplyDeleteyumiyear end post ka pa parekoy ahh
well best of luck sa 2013 sana matriple ung saya mo kumpara last year
Ahahahahha oo humahabol pa ako sa year-end post hahaha... HOpefully magiging mas masaya ako this year.. Im claiming it!!!
Deleteano nananakaw sau? nakakatakot un!
ReplyDeleteat andami mo nagalaan! angsaya niyan! yaman mo cguro haha
Naku Sir hindi po ako mayaman.. karamihan sa gala ko ay sponsor lang din ahehehhe... Sana this year makagala ulit..
Deletegrabeh! ang daming travel. nakakainggit. gusto ko yung foreigner peg ang show mo don sa thailand.
ReplyDeleteHahahahha... yung ma gang rape ng mga foreigners? wahahah di maganda yun ahehhee
Deletehahaha. delete ang portion na yun!
Deletelibutin mo ang buong mundothis 2013 at isama mo ako!joke!
ReplyDeletehappy 2013!
tara pasyal na!!!
Deletedropping by to say happy new year! Highlights indeed! More to blogging and fun memories for 2013!
ReplyDeletexx!
New follower mo nga po pala...:)
ReplyDeleteThanks for follwing me..
Deletetama.. gala lang ng gala diba? hehehe
ReplyDelete