Domino Effect
Alam mo yung nadamay ka lang dahil sa palpak na nagawa ng ibang tao. Yung nadali ka dahil sa may maling ginawa ang kasama mo sa trabaho. Pak one pak ol. Yung hindi ka naman talaga dapat kasama sa pagagalitan, pero since pinagalitan yung isang ka-team mo. Pinagalitan na din kayong lahat. Alam mo yung isang tao lang ang dapat makarinig ng masasakit na salita pero nakadinig ka pa din ng masasakit na salita dahil nasa isang room lang kayo, at para hindi rin masyadong obvious na siya lang ang pinaparinggan. Yung dapat may overtime sana kayong lahat, pero since yung isang kasama mo eh ang lakas mag-OT pero wala namang ginagawang trabaho. Walang output. Damay ka sa policy na hindi pwedeng mag-OT nang hindi nagpapaalam kahit dati walang paalam na nangyayari. Wasak ang kumikitang kabuhayan. Alam mo yung, hindi ka dapat kasama sa nahold-up pero since nakasakay ka din sa jeep na hinohold-up, eh damay ka na. Yung isang kasamahan mo sa trabaho naiin...