Domino Effect



Alam mo yung nadamay ka lang dahil sa palpak na nagawa ng ibang tao.

Yung nadali ka dahil sa may maling ginawa ang kasama mo sa trabaho. Pak one pak ol.

Yung hindi ka naman talaga dapat kasama sa pagagalitan, pero since pinagalitan yung isang ka-team mo. Pinagalitan na din kayong lahat.

Alam mo yung isang tao lang ang dapat makarinig ng masasakit na salita pero nakadinig ka pa din ng masasakit na salita dahil nasa isang room lang kayo, at para hindi rin masyadong obvious na siya lang ang pinaparinggan.

Yung  dapat may overtime sana kayong lahat, pero since yung isang kasama mo eh ang lakas mag-OT pero wala namang ginagawang trabaho. Walang output. Damay ka sa policy na hindi pwedeng mag-OT nang hindi nagpapaalam kahit dati walang paalam na nangyayari. Wasak ang kumikitang kabuhayan.

Alam mo yung, hindi ka dapat kasama sa nahold-up pero since nakasakay ka din sa jeep na hinohold-up, eh damay ka na.

Yung isang kasamahan mo sa trabaho naiinis at nagagalit sa boss mo. At the end of the day, galit ka na din sa boss mo kahit wala ka naman dapat ikagalit. Tapos na share mo na din sa ibang tao sa paligit mo ang galit mo kaya pati sila galit na din kahit hindi nila nila kilala yung kinaiinisan mo.

Yung sobrang down mo tapos nag share ka ng mga problema sa kaibigan mo, tapos biglang down na din pakiramdam niya. At dahil mahilig ka mag share ng problema sa mga friends mo pati friends mo down na din dahil mahal ka nila at dinadamayan ka sa iyong kalungkutan.

Yung tipong hindi naman talaga bawal mag power nap sa opisina niyo pero dahil sa sobrang lakas humilik ng kasama mong natutulog ay ipinagbabawal na ang pag power nap sa station niyo.

Yung kapag masaya ka, tapos yung mga taong nakapaligid sayo ay masaya na din kahit may problema silang iniinda.

Maaring nadamay ka lang sa isang pangyayari o nasangkot ka sa isang sitwasyon na hindi ka naman talaga dapat involve. Domino effect ngang matatawag. Ngunit maaring umiwas at maaring hindi ka pwede ma involve. Maaring kahit natamaan ka ng at nadamay sa isang sitwasyon na hindi maganda, nasa sayo pa din kung pano mo gawing positibo ang lahat ng bagay. Ikaw at ako pa rin ang may hawak sa kung ano ang maaring mangyari sa hinaharap. Maari mo pa ring baguhin ang nangyari sa kasalukuyan.

Ika nga binigyan tayo ng free will, gamitin natin ito.

Eh kung yung jowa/asawa/partner mo hindi maswerte sa itsura, masasabi mo pa din bang domino effect kapag naging kamukha mo na siya? Sabi nga nila diba na kapag lagi mo kasama nagiging kamukha mo na.

Domino effect din ba?

Bahala ka na...

Comments

  1. I call that chain reaction.
    Food chain
    Etc

    ReplyDelete
  2. ayy ganun naman yata talaga, lalo't team kayo
    naku baka ganyan din maranasan ko ahh

    ReplyDelete
  3. Haha buti nlng may hitsura si Jikoy kaya ok lng idomino effect ako haha
    Ha

    ReplyDelete
  4. Mapagbiro talaga ang tadhana. Dapat lagi tayong maging handa. Saka naniniwala pa rin ako na all things happens for a reason. Try to look at the brighter side of things na lng. I believe, lahat ng di magagandang kaganapan sa ating buhay, ay may kapalit na kaligayahan sa hinaharap. Cheer up!

    ReplyDelete
  5. At nahahawa din ako sa effect ng post na to.

    ReplyDelete
  6. Damayan effect talaga! May ganyang moments din ako... Pero syempre favorite ko eh kung good vibes lahat, good vibes na lahat! haha

    ReplyDelete
  7. Nakakaranas din ako ng ganyan...damay damay na hehehe....

    ReplyDelete
  8. pag ganyan uli ang mangyari, focus lang at esep-esep ng good vibes. tapos......think happy thoughts hehehe

    ReplyDelete
  9. yung tipong magpapakamatay ang isang tao, idadamay ka pa.. yung mga nagpapakamatay sa kalye biglang tatawid, since hindi mo kasalanan ikaw pa ngayon ang may mabigat na problema... ehehehe.. anyways, siguro positive outlook in life lang para di tayo madamay sa negativity ng mundo..... (nakikibasa po sa blog mo.. ;)

    ReplyDelete
  10. I think in some ways meron pa ring kasalanan ang bawat isa. each is responsible for everyone. that's why its called "team"

    Sorry

    ReplyDelete
  11. I can relate. Hahaha! Just try to keep a clear conscience. Kung di ka naman talaga guilty, wag mo dibdibin. ;-)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?