Banga Ni Xander: Boss, I Think I Love You!
WARNING: MAHABA ANG USAPANG ITO!!! From: The Confused Staff To: zxander316@gmail.com Date: Saturday, August 25, 2012 Subject: Hello po! Pa advise naman... Hi Kuya, Napadpad ulit ako sa blog mo. Naging busy po kasi ako sa work ko eh. Nakakatuwa pa din basahin mga post mo sa blog. Kakaaliw lalo na yung post mo na Anak Ka ng Lovelife. Natamaan po ako dun Kuya. Hinidi ko alam kung san ba ako lulugar kapag love na ang pinag-uusapan. Pwede naman siguro mag share sayo Kuya Xander diba? Magaling ka naman kasi magbigay ng payo kapag love na eh. Kuya, ganito po kasi yan. May lovelife po kasi ako ngayon. Two years na po kami at medyo madami na din po kaming napagdaanan na pagsubok. Kaso parang nakakasawa na po eh. Lagi na lang kaming nag-aaway. Lahat ng bagay na lang po kasi pinagseselosan niya. Kahit yung hindi ko pag hello or pag good morning sa kanya sa text eh nagagalit na agad. Eh siya hindi naman siya ganun sa akin. Palagi na lang po kasi ako...