Anak Ka Ng Lovelife, Oo!

Pano na lang kaya ang mundo kapag walang love? Mahirap noh? Siguro kung walang pag-ibig sa mundo, wala ka dito ngayon. Siguro magulo ang mundo and I'm sure hindi ka nakakapag basa ng blog kasi wala kang love sa pagbabasa ng blog o di naman kaya hindi nauuso ang blog kasi walang love sa pagsusulat at paglikha ng mga kung anong bagay na galing sa puso ang mga tao. Pangit din naman kung puro isip lang ang paiiralin at walang pakiramdam o damdamin diba? Ah basta alam mo na yun. Gets mo na ibig kong sabihin diba?

Pag tungkol sa love marami ang nakakarelate sa atin. Marami ang gustong magbahagi ng kanilang karanasan at mga kayang gawin alang alang sa pag-ibig.

Intermission number... Habang ginagawa ko ang post na ito, bigla ba namang tumugtog ang musikang Ballad Pour Adeline. Oh diba saktong sakto sa post na to. 
Hindi mo alam ang musikang yan? Hmm.. sabihin na nating pinasikat yan ng programa ni Helen Bela noong nakaraan. Kung hindi mo naman kilala si Helen Bela i-google mo na lang para hindi hahaba ang usapan natin.

Back to normal programing...

Yun na nga marami ang gustong mag bahagi tungkol sa karanasan nila. May iba't-ibang karanasan na siguro tayo tungkol sa pag-ibig. Ako? marami na din akong aral na napulot dahil diyan. Maraming masasayang bagay na din akong naranasan at marami din ang masasakit. Ika nga balanse lang, hindi lahat puro sakit at hirap lang. Ganyan. 

Marami na din akong mga kaibigan na humihingi ng payo tungkol sa pag-ibig. Karamihan ay yung mga sawi sa pag-ibig. Ayaw ko naman mag suggest kung ano ang dapat nilang gawin para malampasan ang paghihirap nila, baka ako naman ang sisihin pag hindi epektib yung suggestion ko. Tanging gabay at taimtim na dasal lang ang maibibigay ko dyan. Kasi ang bawat tayo na dumaranas o nasa impluwensya ng pag-ibig ay may sariling paraan para malampasan nang hirap na pinagdadaanan. Naniniwala ako na walang binigay na pagsubok ang Diyos na hindi natin kayang lampasan.

Siguro ito na lang ang tanging maibabahagi ko sa mga kaibigan ko.

Para sa mga kaibigan kong SINGLE

Ang pag-ibig ay parang isang paru-paru; "The more you chase it, the more it eludes you." Pero kung hahayaan mo lang siyang masayang lumipad, dadapo din yan sayo sa panahon na hindi mo inaasahan. Pero dapat mo din tandaan na hindi lang puro saya ang naidudulot kapag umiibig ka. Minsan makakaranas ka din ng sakit. Ngunit magiging mas masaya ito kung ibibigay mo ang puso mo sa taong karapat dapat. So relax relax ka lang dyan. Take your time and piliin ang tama at worth ng sacrifice mo.

Para naman sa mga kaibigan kong HINDI NA MASYADONG SINGLE

Ang pag-ibig ay hindi tungkol sa kung paano mo umayos at maging perpekto para sa taong mahal mo. Ito ay tungkol sa pagkakaroon mo ng chance na matagpuan ang isang tao na magiging gabay at katulong mo sa pagiging isang mabuting tao. No judgement for who you are but just acceptance and respect.

Para sa mga kaibigan kong PLAYBOY/PLAYGIRL

Never say never... Lels.. Never say "I love you" if you don't mean it. Wag kang paasa. Wag mong pasukin ang isang relasyon kung ang intensyon mo naman ay saktan ang isang tao. Wag kang mangako kong di mo naman kayang tuparin o ibigay.  Siguro ang pinakamasakit na bagay na gawin ng isang babae o lalaki ay yung paasahin ang isang tao na mahulog sa kanya pero wala naman itong intensyong saluhin kapag nahulog na ito. Sakit nun. Pilay ka na, basag ka pa!

Para naman sa mga kaibigan kong MAY ASAWA

Ang pag-ibig ay hindi tungkol sa kung sino ang may mali, kundi ito'y pagpapatawad. Hindi sa kung pano mo nagawa ang mga bagay na ito, kundi dahil sa naiintindihan mo siya. Hindi dahil sa wala ka sa tabi niya bagkos ito ay dahil sa masaya ka na kasama mo siya habang buhay. Simple lang naman ang mga bagay , wag na ito gawing kumplikado.

Para naman sa mga ENGAGED

Ang tagal ng iyong relasyon ay hindi sukatan na magiging kayo sa bandang huli. Hindi din ito sukatan na sa huli ay magkakasundo kayo sa lahat ng bagay/ Ang totoong sukatan ng pag-ibig ay kung gaano kayo kasayang dalawa na magkasama sa hirap man o sa ginhawa at hindi sa haba ng panahon. Hindi ibig sabihin na dahil matagal na kayong mag-ON eh kayo na sa bandang huli. Minsan may mga nagmamahalan nadalawang oras lang pa lang silang nagkakakilala, pagdating ng madaling araw sila na. Makalipas ang tatlong linggo ay nagpakasal na. Pero hanggang ngayon sila pa rin. Six years na silang mag-asawa. Meron din namang mahigit sampung taong magkarelasyon pero hindi nauwi sa kasalan. Ganyan.

Para dun sa mga WALANG MUWANG SA PAG-IBIG

Nais mo din mailove? Go lang!

Madali lang naman mainlove friend. Simple lang: Mainlove ka, you can fall in love sa kung sino ang nasa puso mo; pero sa oras na dumating ang sakit, wag mong hayaang nakadapa ka na lang. Stand up and move on. And keep loving. Be consistent but not too persistent. Understand your lovey but never demand. Eventually, love will hurt you but never keep the pain. Let it go and then move on. Yan lang ang rule para makasurvive ka. Good lick luck!

Para sa mga friends kong BROKEN-HEARTED

Ok, heto na.. Ikaw na to friend!

Sa totoo lang, nasa sayo naman yang sakit na dinadala mo. Nasa sayo yan kung hanggang saan mo ba gusto masaktan. Nasa sayo din yan kung hanggang saan mo ba gusto masugatan at kung gaano kalalim ang sugat na gusto mo. Nasa sariling gusto yan. Kung baga pa trip trip lang yan! Oo! nasaktan ka na, pero may magagawa ka pa after ng sakit. Maari mong gamutin ang sugat. I think ang challenge dito ay HINDI yung kung paano mo malampasan ang sakit at magsimula ulit kundi ano yung lesson na makukuha mo sa sakit na nararamdaman mo at maiapply yan sa buhay mo.

Para naman sa mga TAMEME

Alam mo friend, masakit yung pinaasa ka ng iyong kapareha tapos hiniwalayan ka. Sobrang sakit nun. Pero wala nang mas masakit pa sa isang tao na hindi alam ng mahal niya na may gusto siya sa kanya. Kaya kung ako sayo, do the first move. Baka maiwan ka sa byahe o di naman kaya ay maunahan ka ng iba. Ikaw din! Pero nasa sariling diskarte mo yan. Kung kailan ka handa at ready kana sumabak sa relasyon... Gow!

At ang huli, para sa mga kaibigan ko na STILL HOLPING AND HOLDING ON

Alam mo ang masakit sa pag-ibig, yung makatagpo ka nang isang tao na sa tingin mo makakasama mo habang buhay, binigay mo ang lahat para sa kanya ngunit sa bandang huli ay iiwan at hihiwalayan ka. Parang waste of time, sacrifice and effort lang ba. Mas masakit pa yun sa natuklap mong kuko. Yung sakit na tipong darating kana sa point na umiiyak ka pero walang luha ang tumutulo kasi laway mo ang tumutulo yung puso mo ang umiiyak. Yung tipong nagsusuka ka na sa kakaiyak at di ka na makatulog. Yung tipong gusto mo siyang isumpa na nagkakilala at minahal mo pa siya. Pero mahal mo pa din siya at kahit ano pa ang nagawa niya, kung mag sorry lang siya, patatawarin mo din siya agad-agad.

Kung sa ngayon pa lang ay hindi siya worth sa love mo, hindi siya magiging worth after a year or maybe after 10 years. Ever! Let go na friend.. Move on. Get a life!

Kaya tandaan lang na ang pag-ibig ay isang malaking casino, yung mala Resorts World para bongga! Maraming naglalaro. Maraming manlilinlang. Maraming balakid at maraming tukso. Gaya sa casino kailangan mong tumaya. Hindi sa lahat ng oras panalo ka. Minsan talo ka din. Hindi sa lahat ng panahon nakukuha mo ang gusto mo. Minsan maaagawan ka rin. Pero ang IMPORTANTE ay yung pagtayo mo sa iyong kinauupuan para magsimula ng panibagong buhay para dun sa mga nasaktan. Para naman dun sa panalo sa pag-ibig, ipagpatuloy mo lang yan. Be happy always. Love love love.

Comments

  1. yang love na yan, ilang beses na ko'ng nabigo. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha.. ganun talaga? Hindi lang ikaw.. madami na tayo. Kaya inuman na.. wahahaa

      Delete
  2. At talagang nasa utak ko yung themesong nung "lovingly yours" lol
    Ikaw na ang ma-inlove lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahahaha.. Tomoh.. pang emo kaya ang music na yun

      Delete
  3. Hahaha. Natawa ako dun sa ang pag-IBIG ay isang casino. Las Vegas nalang para mas bongang bonga! lol. Saan kaba sa Pag-IBIG jan? :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, Resorts world muna.. kasi love your own ako hahaha... baka kung Las Vegas eh di na ma reach ang love na yan. Masyadong mataas.. hahaha..

      Hmm.. san nga ba ako? Syempre nasa umiibig ako ngayon wahaahahah

      Delete
    2. naks ikaw na ang umiibig. teka kung casino ang pag-IBIG. Kailangan din ba syang isugal. naisip ko lang? lol

      Delete
  4. isang casino nga talaga... :)))))

    ReplyDelete
  5. nakakarelate much ako! haha
    Hai pag-ibig nga naman, hehe bsta ako, I have decided na focus na lang muna sa career, I'll let it come to me at the right time :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayy tama yan.. focus ka muna sa career.. Kapag dumating yan im sure ready and prepared ka na.. kasi blooming na career mo tapos dagdag pa si lovelife.. saya! tapos ililibre mo na kami kasi may career ka na may lovelife ka pa.. haha

      Delete
  6. Oo, anak ako ng lovelife! hehe. Naks, siguro lahat to napagdaanan mo na kaya mahusay ang advice mo!

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. hahaha.. napamura ka talaga.. I know na.. lovelife ang pinagdadaanan mo.. Ok lang yan.. were here.. your friend

      Delete
  8. hanep sa mga love advice, papa jack ikaw ba yan?hihi

    basta ako masaya ako ngayon kahit singol ako ahaha =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun naman ang importante ehh yung masaya ka sa buhay mo kahit wala ka pang kapareha.. diba..

      Delete
  9. Thank u sa mga love advices....

    Hanep...

    Natamaan ako...

    Huhuhu....


    Ingats....

    Napadaan lang...

    ReplyDelete
  10. whoa, xander ang galing neto..sapul na sapul mo :))

    pero bakit walang payo para sa mga taong natatakot magmahal??

    dumaan here ^^

    ReplyDelete
  11. aray ko. ang dami atang tumama sakin tol.

    napadaan lang. XD

    ReplyDelete
  12. lam nyo nahihiya aq xa sarili a kinantahan q pa xia ng no one never seen nothing lyk u..un pla mtagal nya rin aqng ginagago ang xakit

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?