Nuff Said

Banga Ni Xander: Boss, I Think I Love You!

WARNING: MAHABA ANG USAPANG ITO!!!


From: The Confused Staff
To: zxander316@gmail.com
Date: Saturday,  August 25, 2012
Subject: Hello po! Pa advise naman...

Hi Kuya,

Napadpad ulit ako sa blog mo. Naging busy po kasi ako sa work ko eh. Nakakatuwa pa din basahin mga post mo sa blog. Kakaaliw lalo na yung post mo na Anak Ka ng Lovelife. Natamaan po ako dun Kuya. Hinidi ko alam kung san ba ako lulugar kapag love na ang pinag-uusapan. 

Pwede naman siguro mag share sayo Kuya Xander diba? Magaling ka naman kasi magbigay ng payo kapag love na eh. 

Kuya, ganito po kasi yan. May lovelife po kasi ako ngayon. Two years na po kami at medyo madami na din po kaming napagdaanan na pagsubok. Kaso parang nakakasawa na po eh. Lagi na lang kaming nag-aaway. Lahat ng bagay na lang po kasi pinagseselosan niya. Kahit yung hindi ko pag hello or pag good morning sa kanya sa text eh nagagalit na agad. Eh siya hindi naman siya ganun sa akin. Palagi na lang po kasi ako ang nagiintindi at nagbibigay sa kanya ng panahon. Kapag kailangan ko naman eh wala naman siya. Feeling taken for granted lang ako palagi. Gusto ko din naman na ako ang alagaan at mahalin. Kaya ayun medyo not in good terms po kami ngayon. Mga one month na kaming walang matinong usapan ng boyfriend ko.

Pero kuya ang problema ko kasi ngayon ay yung Boss ko. Mag 1 year na din po ako sa pinapasukan ko. At nung una pa itong Boss ko palagi po kasi akong kinukulit at jinojoke. Mabait po siya at palabiro lang talaga at approachable. Minsan gusto ko na nga magsumbong doon sa isang boss namin kasi parang nahaharass na ako sa kanyang pagbibiro. Pero ganun lang talaga siya. Minsan po kasi nung kumain ako sa pantry nakita niya ako at kinausap niya ako. Napansin daw niya na nagiisa ako palagi at nakikita niya na natutulala. Siguro madami lang talaga ako iniisip nun. Kaya biniro niya ako na kaya daw ako ganun dahil baka hiniwalayan daw ako ng bf ko. Simula po nun kinakausap na niya ako. Hindi naman siya ganun dati. Pero lately parang nagiba po siya sa akin. Parang feeling espesyal po yung pag bibigay niya ng atensyon sa akin. 

Kahapon nga po nilibre niya akong kape sa Starbucks para daw pampasiging ng umaga. Tapos may note po sa baba na "Always smile and be happy." Ano kaya ibig sabihin nun? Single naman po siya Kuya at matinong tao naman siya. Thirty years old pa lang po siya at mabait naman. Sa tingin niyo po ba may gusto siya sa akin? At Kuya, niyayaya niya ako manuod ng sine next week. Kaya natatakot po ako. Hindi ko pa kasi sinabi sa boyfriend ko. At di ko alam kong kailangan ko ba sabihin. Mahal ko ang boyfriend ko. Kaso parang nahuhulog na ako sa boss ko. Mukhang seryoso naman si Boss sa akin. Ano po ba dapat kung gawin?Sana po kuya magreply ka para maliwanagan naman ang isip ko. Salamat ng marami at more power sayo.

Your avid reader,
The Confused Staff

=======================

Hello there The Confused Staff!

First of all, my apologies for the late reply. Malamang sa mga oras o araw na ito ay tapos na ang date niyo ng Boss mo. Wag naman sana!

Hindi ako magaling magbigay ng payo about sa lovelife dahil mismo sarili kong lovelife kailangan din ng payo minsan. Wala lang talaga akong magawa kaya minsan nangengealam ako sa lovelife ng may lovelife. 

Isa-isahin natin ang mga nakwento mo para makabuo tayo ng solusyon o di naman kaya outcome sa pangyayaring ito.

Una: Si Boyfriend Mo. Maitanong ko lang Ms. Confused Staff, kung napagusapan niyo na ba ng boyfriend mo ang bagay na palagi ninyong pinag-aawayan? Minsan kasi baka kulang kayo sa communication kaya di kayo nagkakaintindihan at nagkakaunawaan kaya lagi kayong nag-aaway. Which I think shows na kulang nga kayo sa communication. Imagine, one month na kayong malabo ang usapan. Ano tawag mo dun? Deadmahan lang kayo? Hanggang sa kung sino ang magsabi ng 'I give up, lets break up".

Dapat siguro ayusin mo muna yung kung ano man ang meron sa inyo ng boyfriend mo bago ka makipag relasyon at makipag date sa iba. Pero kung nagawa mo na yan sa boss mo eh baka masasabi ko na ikaw ang PLAYGIRL dun sa previous post ko na Anak Ka Ng Lovelife, Oo! Lahat ng problema ay may solusyon kaya dapat pag usapan to. Kung mahal mo pa ang boyfriend mo bakit ka pa nagpapacute sa boss mo at may pa starbucks-starbucks ka pa dyan. As if naman gusto ka nun. Baka kaya ka binigyan ng kape kasi antokin ka sa work. Haha. Dyuk lang! Pinapatawa lang kita. Wag seryoso, baka ma stroke.

Since napagusapan na din natin ang Boss mo. Siya na isunod natin. 

Si Boss. Unang-una, isipin mo Boss mo siya. kahit saang kumpanya ka magpunta bawal ang office romance, lalong-lao na sa Boss mo pa. Alam mo bang nung una pa lang na hindi ka kumportable sa pagbibiro ng boss mo ehh considered harassment na yon. Nagtataka ako kung bakit hindi ka nagreklamo. Dahil ba gusto mo din pinapansin ka ni Boss? Hindi kita hinuhusgahan, nagtatanong lang. 

Naisipin ko din na nung pinansin ka ng boss mo sa pantry na nakatulala, baka kaya ka niya kinausap dahil syempre boss mo siya, concern siya sa mga tauhan niya. Wag mong i-misinterpret ang pagtatanong at mga ginagawa ng boss mo baka kasi pagsisihan mo yan. Baka dahil sa nangyari sa inyo ng boyfriend mo kaya ka nagkakaganyan. Kung baga pa, naghahanap ka nang isang taong magbibigay sayo ng atensyon at dahil si Boss mo ang andyan at sa tingin mo nakakapagbigay sayo ng atensyon kaya gusto mo na din mahulog sa kanya. Sabi ko nga, wag mong imisinterpret ang ginagawa niya. Pero kung tatanungin mo ako kung may gusto siya sayo.. ehh malay ko.. pahingi munang kape.. STARBUCKS! hehehe

Kung may gusto nga naman siya sayo at mahal mo din siya. Nasa sa inyo na yun, matanda na kayo pareho. Kaso panget nga lang sa paningin ng ibang tao sa opisina niyo. Pero, gayun pa man pakialam ng ibang tao. Diba? 

Higit sa lahat Ms Confused Staff. Wag ka nang ma confused, madali lang yang problema mo. Kausapin mo muna boyfriend mo and then pag wala na mag move on ka. At kung ano man ang mangyari sa inyo ng boss mo. Goodluck! 

Hope to hear from you again and sana nakatulong ako. Sulat ka ulit ha. Balitaan mo ako kung huli na ba reply ko o umabot pa before sa date niyo. #excitedlang

Love,
Xander

20 comments:

  1. Si Bino ang boss nya joke hahaa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bwahahaha... Si Bino pala yung boss. Namimigay ng kape.. hehe

      Delete
  2. humingi ka pa ng advise eh sa totoo lang, alam na alam mo ang DAPAT gawin. sa sulat mo'ng iyan, lumalabas lang humahanap ka ng magiging kakampi at magaadvise sa yo ng mga GUSTO mo'ng marinig! yang mga taken for granted na yan, yang mga nagseselos kuno ang boyfriend mo at kung anu-ano pang shit, puro yan sa side mo syempre. di mo ba naisip na baka kaya nagkakaganyan ang boyfriend mo eh dahil may kasalanan ka din? give and take ang relasyon ineng. at hindi porke nagkakalabuan kayo eh hahanap ka ng bago. alam ko'ng alam mo kung ano ang TAMA SA MALI. nakakainit ng ulo ang liham mo.!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. relax, relax ang puso.. hehehe.. Ayan Ineng, ginalit mo si Bino. Lagot ka! Magpaliwanag ka ngayon Ineng.

      Delete
  3. Tinamaan ako kay bf. parang ako yun ah. Pwede sumagot? Malamang gusto sya ng boss nya kasi kung concern lang sya dahil staff sya ng boss nya at antukin sya bakit starbucks pa ang ibinigay pwede namang yung kape lang sa pantry o iuntog sya sa pader. LOL hahaha. naisip ko lang. Malamang mababasa to ni Ms. confused. Pumayag ba sya na ipost tong usapan nyo. LOL ayos magpayo c xander natawa ako sa mga sagot. :P Sana sumagot ulit c Ms. confused at ipost mo ulit dito. abangan ko yan. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dear Archieviner,

      Hehehe... lahat ng sumusulat sa akin alam na mapopost ang mga tanong nila. Pero syempre kapag sobrang confidential na hindi ko na ginagawa. Mahirap na. Atsaka hindi naman nakalagay tunay na name nila at impormasyon. Kaya ok lang. Mas ok din yan at maraming makapag advise sa kanya diba? Hehehehehe...

      Sana sumagot siya sa email ko. hahaha nababasa niya to..promise hehe

      Delete
  4. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang humingi ng advice kay Kuya Xander. Kuya tulungan mo naman ako ha. Pero mag-email na lang ako para masaya. Haha.
    .
    .
    Sa letter sender mo, feeling ko humahanap ka ngayon ng butas palibhasa may iba ka nang tinititigan. Go figure.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige sige.. magsulat ka at nang makapag bigay advice hahahahaa..

      Delete
  5. Ineng, kung ako sayo, hiwalayan mo na bf mo tsaka mo patulan ang boss mo. Sagot sa kahirapan. LOL. Joke. Choose the lesser evil. Doon ka sa kung kanino ka magiging mas masaya. Sabi nga ng sexbomb dancers, "kung ano ang nasa puso mo, sundin mo!". Hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol.. hahahaha.. oo hiwalayan muna bf niya dbi.. para walang sabit..

      Delete
  6. ala ala pbbe teens haha naku hirap nayn

    ReplyDelete
  7. haahah parang dito lang sa office namin hahaha maraming gnyan dito .. connect the dot! connect connect .. nagkakagustuhan kahit may sabit na

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha.. naku mahirap yan,.,.. ahahahaha

      Delete
  8. Nice post. Pwede maki-epal. Sana mabasa mo toh miss confused staff.

    Totoo lang, sa mga unang post mo parang natatamaan ako, kase ganun ako sa boyfriend ko, madalas nnagseselos ako kahit wala namang dahilan. Kaso sa kabuuan ng sulat mo, napansin ko na MAY DAHILAN NAMAN PALA ANG boyfriend mo para magselos o para gawin ang mga nauna mong nasabi.

    Kung mahal mo talaga ang boyfriend mo, mag-usap kayo. Totoo sinabi ni Xander. Nasabi ko right na natamaan ako dahil selosa ako, pero totoo lang, napagusapan na namin ngayon yun.. na-clear na namin na wala naman talaga akong dahilan para magselos at napatunayan ko na yun. Ngayon, ikaw, patunayan mo sa boyfriend mo na wala siyang dahilan para magselos. Isa pa, magsimula ka sa mga maliliit na bagay na nabibigay niya sayo, at hindi yung mga bagay na wala siya.

    Pero kung naisip mo na pipiliin mo ang boss mo, well, makipag-break ka muna sa boyfriend mo. Ayun lang. Pero totoo lang te, nalagay na ko sa kinalalagyan mo dati. Kala ko lang din kaya ko i-give up ang bf ko ngayon, pero it turns out na nabubulag lang ako at mas matimbang pa din ang bf ko.

    Alam mo, makakakilala ka ng maraming tao, pero lahat ng makikilala mo hindi perpekto, kailangan lang hanapin mo sa kanila yung magandang bagay tungkol sa kanila...

    ReplyDelete
  9. wag sanang masamain ni ms letter sender pero agree ako sa sinabi ni kuya bino, umpisa pa lang hindi naman talaga siya humihingi ng advice dahil confused siya eh humihingi siya ng advice para lang marinig yung gusto nyang marinig base na rin sa tono ng sulat nya (kanta lang may tono?). masyadong selfish yung letter sender. puro sarili nya ang iniisip nya haaay..oo totoo namang madaling magwaver ang puso o emotions ng isang tao, darating at darating ka sa isang point na malilito ka sa nararamdaman mo pero kung mahal mo yung partner mo, yung totoong pagmamahal at hindi makasarili and self satisfying love, eh di ka mageentertain ng iba hanggat walang kalinawan yung relasyon nyo ng partner mo. kung ayaw mo na sakanya tapusin mo na. kung mahal mo talaga siya, di ka makikipagdate sa boss mo. haaaay

    ReplyDelete
    Replies
    1. very well said.. nababasa niya to..

      Delete
  10. Bawal na pagibig... it never really works out in the end. Sooner or later may masasaktan diyan. parang dear ate charo lang ah. Naaasar lang ako sa mga babaeng salawahan. Hindi na naawa sa atin. huhu.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahah.. wag ka magalala i think marerealize din nila yung worth natin hehehe

      Delete

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!