Posts

Showing posts from April, 2013

Thankful and Blessed

Image
Hindi ako mahilig sa mga surprises. Ayaw ko ng sinosurprise ako kasi hindi rin naman ako mahilig mag surprise. Well may one point sa buhay ko na sinorpresa ko ang isang tao, pero sa huli ako ang na surprise ng bonggang-bongga. #nakakabadtrip #BrokenHearted #WasakAngPusoNiLastimak Pero sadyang mapaglaro ang kapalaran at ang buhay ng tao ay parang isang gulong na umiikot (paki connect na lang!) Minsan kasi sinosurprise tayo ni Lord, lalo na kapag medyo siguro gusto niya na i-shake yung buhay natin ng kunti para magkaroon ng thrill at excitement. Gaya na lamang ng trabaho ko. For the past three years, masyadong magulo na ang nakalista na mga company name sa resume ko, if not mahaba. Marami kasing offer sa akin (Lol... partly true). Bakit nga ba? Dahil na rin siguro ay palipat lipat ako ng pinapasukan at hindi ako kontento sa mga ginagawa ko. Aaminin ko madali ako ma bored sa isang bagay o trabaho lalo na kung routinary na ito plus dagdagan pa na mga taong nasa paligid mo na wala...

Where Art Thou Kulitis, The Podcast?

Image
Remember Kulitis?  Wala lang naalala ko lang siya. LOL. Well, bigla ko lang naisip kung nasaan na siya at hindi na nakapag update ng blog niya na nakakatuwa. Nag blog hop kasi ako ngayon at bigla ako napadaan sa blog niya na Kulitis, The Podcast . Naalala ko lang na ako pala ang unang na feature sa blog niya. Nakakatuwang pakinggan at balikan lang. Pero hindi talaga ako si Kulitis gaya ng haka-haka ng ibang blogger friends ko. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung sino siya. Pramis! Minsan napadpad ako sa lugar na Puerto Galera. Sa wakas nabigyan ng pagkakataon na makita ko siya at makilala. Kaya pala di na nag-uupdate ng podcast itong si Kulitis ehh naging bangkero pala siya. LOL.  Ayaw niyo maniwala? Heto ang ebedensiya.... Kaso di ko pa rin siya nakita sa bangka. Mailap lang talaga siya. Hahaha. Peace to you Kulitis kung mababasa mo ito. Mag podcast ka na. Madami nang bagong kwento sa blog ko. LOL. Ciao!

Run

Image
CHAPTER 1 - STRANDED CHAPTER 2 - TAKEN "Wag kang mag-alala di kita pababayaan." Yan ang mga salitang binitiwan ni Noel habang yakap-yakap si Andrea. Pilit iniiwasan ni Andrea ang mahigpit na yakap ni Noel ngunit nanaig sa kanya ang kaginhawaan at kapayapaan dahil sa mga yapos ng binata. Di na pumalag si Andrea at hinayaan na lang ang maikling oras na nalalabi. Naisip ni Andrea na baka yun na ang huling yakap ni Noel sa kanya.. Hindi mahirap mahalin ni Noel. Matalino, maalaga, at mabait. Noon pa man sa pinapasukan nila ay nakakitaan na siya ng kabaitan. Ngunit sa likod ng kanyang pinapakita ay tila may misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Pakiramdam ni Andrea ay may mahalagang bagay siyang tinatago tungkol sa kanyang nakaraan. Walang nakakaalam kung saang probinsya siya nanggaling. Walang nakakapunta sa bahay na tinitirhan niya. At walang kahit na sino ang nakakakilala sa kanyang pamilya. Isang malaking palaisipan. Ngunit, baliwala na ang lahat. ...