Sana Andyan Ka Lang



Minsan naisip ko na sana di na lang kita nakilala
Hindi ako nagsisisi ng ibigan ka
Ngunit naisip ko na baka masaktan na naman ako
Pero di alintana sa kung ano man ang maidulot nito

Matagal na kitang kakilala
Simula nung ako ay meron pa
 
Hindi ko man sinasadya na ikaw ay ibalewala
Ngunit sa una nating pagkikita para akong ibong nakawala

Dulot mo ay saya sa malungkot kung mundo
Sigla sa puso ko ay ibinalik mo
Ito ang takot ko na baka may magbago
Ngunit bahala na basta ang mahalaga ikaw ay nasa puso ko

Alam ko hindi mo ako kayang saktan
Alam mo din naman na di kita kayang pakawalan
Ngunit alam mo at alam ko na sa ating pag-iibigan
Ang sakit at puna ay sadyang hindi maiiwasan

Kakaibang pag iibigan na sa tingin nila ay mali
Pero sa atin ito ay tama at walang pasubali
Ngunit anong pakialam natin sa lipunan na mapanghusga
Kung ang mahalaga ay tayong dalawa

Hindi ko pinapangako na kaya kung ibigay ang lahat
Ngunit susuungin ko ang masalimot at matinik na gubat
Hindi ako mangangako na di ka kailan man sasaktan
Pag nangyari yun, ngayon palang, Mahal patawad sa ngalan ng ating pag-iibigan

Saksi ang buwan at mga bituin
Mula nang dumating ka, puso ko'y iyong alipin
Sana andyan ka lang
Katabi ko magpakailaman.

Comments

  1. ooh.. so sweet... imagine the happiness moments in life :D

    ReplyDelete
  2. aww. ang sweet :D haha. nice one pre :D

    ReplyDelete
  3. magaling ka talagang gumawa ng tula. walang duda

    ReplyDelete
  4. @Bino- tlaga lang ha..ahahahaa...

    ReplyDelete
  5. mahihiya si Francheska Balagtas sayo! pero super nice. ang sweet ah!

    ReplyDelete
  6. sana andyan ka lang...pahug nga....haaaysss sarap mainlove....

    sino ba yan? lels

    ReplyDelete
  7. nakoo.. inlab si xander.

    may mali pala sa tula mo pre. yung mahala, mahalaga ata gusto mong sabihin don.

    ReplyDelete
  8. ang sweet naman ito.. sana nga nanjan ka lagi..Char! nakarelate ako jan dati..:P

    ReplyDelete
  9. ang swerte naman ng mamahalin mo. :D

    ReplyDelete
  10. ay akala ko lyrics ng song. tula pala 'to?? jowk!!!

    magaling!

    pero maganda nga siyang gawing lyrics ng kanta.. :)

    ReplyDelete
  11. @RoNRoNTuRoN - sino si Francheska Balagtas? hehehhee

    ReplyDelete
  12. @iya- hehhe thanks thanks hugs to you back

    ReplyDelete
  13. @bulakbolero - ayos.. salamat oo nga tama ka.. mahalaga nga dapat yun di ko napansin.. ayos talaga ng mata mo.. astig! hehehe

    ReplyDelete
  14. @Mommy -- heheeh nakakarelate ka mommy oii hehehe

    ReplyDelete
  15. @empi- naku kung sino man yan sana magparamdam na siya hahahaa

    ReplyDelete
  16. @SOB-- oo nga cge wag ka magalala pag ginawang lyrics yan ikaw ang aawit.. okies.. hahaahaha

    ReplyDelete
  17. hindi yan inlab...frustrated yan hehehe (based on his posts in fb) hahaha

    ReplyDelete
  18. Inlab ka? Bakit? hahaha!

    Pero alam mo, naintriga ako sa linyang ito, Xander:
    "Matagal na kitang kakilala
    Simula nung ako ay meron pa" Meron pang ano? Pera? Kotse? Bahay? Labahin? Buhok? Amoy? hihihihi Pakisagot lang, please, hahahaha!

    ReplyDelete
  19. nice one...
    ako sobrang hina ko pagdating sa tula haha...
    thanks for sharing

    ReplyDelete
  20. @Anciro-- hindi ako inlababo.. inidoro ahahaha

    ReplyDelete
  21. @ka-swak hahahahaha tama ka diyan.. hindi ako inlove.. sadyang masaya lang magsulat ng mga tula patungkol sa pag-ibig hahaa

    ReplyDelete
  22. @Nortehanon -- ibig sabihin nun.. mayron pang mahal.. hahaha.. malandi talaga ang puso noh hahahaa.. kahit may mahal pa ehh naglalandi sa iba wahhhh

    ReplyDelete
  23. @bluedreamer27 maraming salamat.. kaya yan.. motivation lang kailangan haha

    ReplyDelete
  24. i read it twice nd i lavet! =) inlab kah?! =) Godbless!

    ReplyDelete
  25. @Dhianz - thanks for the comment..

    ReplyDelete
  26. nice piece... parang tinamaan ako.. hehe

    ReplyDelete
  27. very nice. love it. :) iaask ko lang kung pwede irepost as a note sa facebook. nakakatouch kasi. gusto ko idedicate sa porkchop ko (my love and partner for 30 months already).

    ReplyDelete
  28. kaiyak... namiss ko tuloy si monster... NOT!!! wahahahha!!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts