Nuff Said

Im not the Bad Guy

I always wonder why most beautiful girls I know go for guys who has this punky kanto boy looking. Yung tipong basagulero look and anytime will hit you in the head with a bottle of beer when things get nasty during a drinking session. Some will go for a rock star look. Yung tipong astigin na medyo may pagka bad boy ang dating. Did you get what I mean? In short, beautiful girls go for bad boy looking with a real bad boy attitude kind of guy. I always wonder...

I've been branded as the bad guy, not with the way I look but with something else, attitude perhaps. With the past relationship(s) I had, I'm always the culprit of causing the relationship to fail. They always blame me why it didnt work. I'm always the reason of the breakup. They always told me that I need to change the way I look, the way I arrange my hair, the way I wear my clothes. They always told me to love myself more and then blame me for loving them too much. Nakakasakal daw ako. I do not know if loving someone is bad or maybe loving yourself is better instead of giving your love to someone else. Yung tipong wala ka naman talagang ginawang masama pero Ikaw pa ang napapasama. Pag nagmahal kasi ako I gave my all. Kulang na lang talaga ay ikaw.. Oo! Ikaw na nga! Di mo alam, kasi tanga ka lang!

I'm sick and tired of people telling you that I should love myself more and love them less. You think being single for many years and giving yourself things that you deserve is not loving yourself more? Kaya nga matagal nagkaroon ng relasyon dahil sa sobrang pagmamahal sa sarili at inuna muna ang sarili tapos heto ngayon may natipuhan ka, minahal mo at sa una mahal ka pa pero di nagtagal nagbago na.

Get's nyo ba?

Sinasabihan ka lang na mahalin mo ang sarili mo dahil ang totoo talaga niyan ay ayaw niya na mahalin mo siya dahil hindi ka naman talaga niya mahal.

Sometimes, napaisip din ako na what if maging masamang tao na lang kaya ako. What if ako naman yung manloko ng kapwa. Yung tipong mananakit ng damdamin ng tao. Yung paasahin tapos iwanan. Yung saktan sila. Masaya kaya yun???

Pero naisip ko, Im not the bad guy. If you can't accept me for who I am, and the way I express my love then sorry ka na lang. You will never find someone like me. Gwapo na, Mayaman Mabait pa...Joke!

Naisip ko lang kung baguhin ko kaya ang itsura ko, yung Rock Star ang dating. Magyosi kaya ako? Magpupunta sa mga bars? Mag lagay ng bigote? Yung cool ang dating. Kaso.. naisip ko magastos yun. Im just the guy next door type of guy (gosh! redundant na ang word na guy). Lol.

Naisip ko, para din pala akong si Naruto. May nakatagong Jinchuriki sa loob ko. Nakikita mo ako na nakatawa palagi, medyo kalog at palabiro, tahimik at minsan nag-eemo. Pero pag once na napuno na at nagalit, lumalabas yung halimaw na nakatago sa loob. Gaya ngayon. Parang gusto kong manakit ng tao. Gusto kong makakita ng taong nasasaktan. (Inhale... Outhale Exhale).. haha.

Sabi nga ni Arvin ng Damuhan, "Habang nananatili kang mabait sa kanila, lalo ka nilang gagalitin."

Pero mas mabuti nang wag na lang mag exert ng effort sa mga bagay na hindi naman worth pag aksayahan ng panahon at lakas.

Basta ako, I'll continue to be a good citizen of this world. Naks!

I'll always be the kick-ass good guy no matter what. If di matanggap ng ibang tao sa kong ano ako eh di wag! Walang pilitan para walang masaktan. Di ako mapilit. Wag ka lang mangalabit, kasi ibang usapan na yan. Hahaha.

Sabi ko nga sa Facebook wall ko: "Kung ayaw, ayaw! Kung gusto, gusto! Kung galit, galit!"

17 comments:

  1. Gwapo na, Mayaman Mabait pa...Joke!

    eto ang the best! wooot!!!
    at may special mention ako hehehe. totoo naman un. mahirap talaga pag sobrang bait sa isang tao, ikaw pa ang maaabuso.

    isa pa yan na pagmamahal sa sarili dahil kung hindi kayang mahalin ang sarili paano pa magmamahal ng iba? sus! tapos pag natuto ka nang magmahal, sasabihin sa yo na di ka nila kayang mahalin at ikaw ang sisisihin, naku naman!

    kung di ka nila matanggap, wala sa yo ang problema, sila na un! hehehehe

    ReplyDelete
  2. tama ka dyan Arvin.. syempre specvial mention ka at nilagay ko ang link sa blog mo.. hahahah

    bahala sila kung ayaw ehh di wag... di nila ako matitikman.. bwahaha

    ReplyDelete
  3. Ansabehh?! Pagnagmahal ako I gave my all...at ikaw nalang ang kulang! Lels! May pinariringgan ba ito?hmmm... Ang tipo kong lalaki maginoo pero medyo medyang bustoast! Hahaha!

    Mayaman na gwapo?! Nagbitbit ng sariling bangko! Hahaha! O sya sige na nga...:p

    PS: ito ba ang tamad magpost?

    ReplyDelete
  4. @iya- hahaha. wala pa ako sa mood sa post na yan ha. hehehe. Mayaman na gwapo! oo naman.. wahaha bakit hindi. Hindi ko lang binitbit ang bangko nilagay mo pa sa ulo ko hahaha.. adik lang noh.. ano yung bustoast? hahaha mahilig ka talaga

    ReplyDelete
  5. cge lng kuya.. dont be sad or mad.. di ka talaga nila love.. pero kmi, love ka nmo, and tanngap ka nmin! haha

    -hannah grace catiero

    ReplyDelete
  6. I guess it's not surprising some women or even gay men always go for the bad boy.

    Its wrong na ididikta nila sa yo kung ano dapat mong gawin. Because if you love someone you dont force that person to change. Kaya nga may tinatawag na unconditional love.

    And sa part na you love the person and you forget yourself part naman. Sometimes its also wrong kasi yun nasa isip mo na ikaw na lang ang bigay ng bigay pero nasasakal na pala ang loveone mo because of your possesiveness,

    ReplyDelete
  7. Gwapo na, Mayaman Mabait pa.

    ikaw to?lels

    edi ikaw na!

    ReplyDelete
  8. paano mo ba masasabi na bad guy? sa kilos? sa itsura? sa ugali?

    yung good guy ba hindi possible maging bad guy sa di inaasahang pagkakataon?

    ReplyDelete
  9. Wag masyadong mabait.. aabusuhin ka lang ng mga tao. Learned that lesson the hard way. I've learned to fight back. I've learned to say NO. Medyo nagiging bitchy na rin ako. Hihi..

    Kasi kung hahayaan mo lang na maging mabait ka forever, masasaktan ka lang.

    ReplyDelete
  10. siguro di nmn bad boy image, try mo isnobish type, yung pamysteryoso epek.

    lols, wag sundin ang payo ng kapwa single. hahahahha

    ReplyDelete
  11. @lonewolf -- oo nga ehh tama ka dyan

    ReplyDelete
  12. @bulakbolero - nagiging bag guy ang good guy kapag napuno na ito at sagad hanggang buto ang pang aalipusta ng ibang tao.. haha

    ReplyDelete
  13. @Leah -- oo nga di na ako mabait.. bag guy na ako.. wahahaah joke lang

    ReplyDelete
  14. @khantotantra-- hmmm.. ma try nga yang isnobish type na yan.. hahahah

    ReplyDelete
  15. ako mejo typ ko din ung tipong Robin Padilla.. hehe! pero mas typ ko naman ung tahimik, clean gwapo yong parang mesteryoso ang dating..

    xander, huwag mong baguhin ang sarili mo kc mas mahirap ung gnun, dapat mahal ka ng girl kong ano ka.. dba? Good luck sa paghahanap..

    ReplyDelete
  16. @Mommy-razz-- oo nga ehh... promise di ako magbabago. Tama ka mommy..salamat ng marami..

    ReplyDelete
  17. ako mejo typ ko din ung ala Robin Padilla, pero mas typ ko ung clean, tahimik, formal at yng tipong tipid kong magsalita.. hahaha!

    xander, huwag mong ibahin ang sarili mo kc mas mahirap un.. dapat mahalin k ng girl kong ano ka.. dba? good luck sa paghahanap.. hehe

    ReplyDelete

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!