Nuff Said

Return To Sender: The Fierce Mistress


A mistress should be like a little country retreat near the town, not to dwell in constantly, but only for a night and away.  -- Lord Byron (British Poet, 1788-1824)

Hi Guys! The Guru is back.

It's been a while since I havent posted anything like this. You've Got Mail is now called Return To Sender. This is my way of replying to those email senders who wants to hear my point of view and opinion about their queries and concerns. I'm replying (returning) the email to sender with my own views and opinions. Kuha nyo?

Anyways, here's an interesting email from someone and for security and privacy reasons, lets just call her the Fierce Mistress (Parang bagong palabas lang na the Fierce Wife ng ABS-CBN Channel 2).


******************************************************
******************************************************

From: The Fierce Wife
Date: July 30, 2011 10:15AM
Subject: Confession of a Mistress

Hello aBoyNamedXander,

I always visit your blog because I find it interesting and entertaining. The way you wrote your stories and the poems are incredibly inspiring. Kahit na yung mga tula mo medyo nakakarelate ako. Gawa ka pa madaming ganun ha!

Anyway, alam mo na cguro kung why aketch nagsulat sayo. Hmm... nahihiya man akong ikwento ang buhay ko pero gusto ko na din malaman ang opinyon mo sa mga bagay bagay sa buhay ko. Kasi ako man di ko maintindihan ang sarili ko. I love myself so much but it seems that I love this guy more than anything. Praning na kung praning pero mahal ko talaga eh. What can I do? I'm just a girl . Hehehe...

Ok heto na Xander, it actually happened two years ago pa pero until now hindi ko parin magawang iwanan ang mokong na ito. Ok.. heto na talaga promise...

Nakilala ko ang isang guy sa dati kong pinagtatrabahuan. He seems nice and cute. Nung una medyo ayaw ko sa kanya  kasi nayayabangan ako pero di naglaon ehh nahulog na din ang loob ko sa kanya. Mabait naman siya at mukhang matino. During our out of towns ehh palagi kaming magksama, with other officemates of course. Nagtatrabaho pala kami sa isang sikat na Pharmaceutical company. Kahit na hindi kami pareho ng produkto na binibenta ehh palagi pa rin kaming nagkikita dahil sa isang kumpanya lang kami namamasukan. Hanggang sa dumating ang time na niligawan niya ako. Since single ako at sa medyo tumatanda na rin eh, hindi na ako nagdalawang isip na sagutin ang mokong na to. Masaya kaming dalawa. Walang problema. Hindi kumplikado ang buhay. And I'm at peace when I'm with him.

Fast forward... hehehe

Nung first anniversary namin, we decided to go out of town na kaming dalawa lang. Pumunta kami sa isang resort sa may Batangas. Masaya pa kaming dalawa. Pero sa gabi ding yun ang saya ko ay napalitan ng lungkot at pighati. Isang tawag sa telepono ng boyfriend ko ang umalingawngaw sa kwarto. Nataranta siya nung nakita niya kung sino ang tumatawag. Kinabahan na ako. Pero wala siyang choice kundi sabihin sa akin ang totoo. Naririnig ko kasi sa boses nung tumatawag na isang babaeng nagmumura at galit na galit. Alam ko na ang mangyayari.

Oo, Xander, may iba nga siya. Pero hindi lang dun nagtatapos. Mas nakakagulat ang revelations niya. All I know, is may iba siya. Pero mali ako. Ako pala yung iba niya. Ako yung pangalawa niya. Ang malupit pa nito may anak siya sa babaeng yun. Isang taon kong inakala na ako lang. Pero hindi pala. Isang taon akong niloko ni mokong na ako lang ang babae niya. Stupid ko talaga.

Pero...mahal ko siya. Sobra!!! Ang sabi niya maghihiwalay na daw sila nung babae at ako ang pipiliin niya. Pero nabigo ako kasi pinili pa rin niya ang babae at iniwan ako.

Until now may communication pa kami at nagkikita pa din kami kasi mahal ko siya. Two year na ang nakaraan pero patuloy pa rin akong umaasa na ako ang pipiliin niya. Masama bang magmahal? Hindi ko naman alam nung una na may iba siya. Kung ako lang ayaw ko din naman, kaso sobrang mahal na mahal ko siya. Nagkikita pa rin kami hanggang ngayon at sinasabi pa rin niya na mahal niya ako.

Ano ba dapat kong gawin? Nahihirapan na ako. Gusto ko din naman makasama ang lalaki na mahal ko at walang sabit. Pero bakit sa kanya pa? Ano ba kailangan kong gawin upang makalimutan siya? Pakilala mo naman ako sa mga friends mo oh! hahahaha... Mababit ba ang mga bloggers na friends mo? Gwapo ba sila? Bigyan mo ako kahit isa lang yung single, may trabaho, gwapo, at yung mamahalin ako ng ako lang. Ahehehe...

Salamat ng marami Xander. Alam ko busy ka sa life mo at sa pag blog. Keep blogging and hope to hear from you soon.

Tenchu Bere Mats,

The Fierce Mistress
 
**********************oOo**********************
**********************oOo**********************

Dear Fierce Mistress,

First of all, thank you for allowing me to share your story. I can assure you that your name and information will be kept private. Mahirap din ang madaming nagseshare sayo ng sekrito at hindi pwedeng i share sa iba. Hahaha.. Buti na lang shock absorber ako. Anyways, kudos to you for having that kind of spirit. Inspite and despite of you can still laugh and make fun of it. I can see that you are looking on the brigther side of life.

About your situation, I respect how you feel towards "mokong". I also understand that in the first place you didn't know that he is already committed to someone. However, ang hindi ko lang maintindihan ay isang taon pa bago mo nalaman na walang siyang iba? Mukhang impossible kasi kung isang taon malamang may mga pagkakataon na mahuhuli mo siya na may iba unless magaling lang talaga magtago si Mokong or manhid ka lang talaga na kahit alam mo nang may iba siya ehh go ka pa rin dahil mahal mo siya.

And if two years ago na ang nangyari iyon at sinasabi pa rin niya na hihiwalayan niya ang babaeng iyon aba ate! gumising ka na sa kahibangan mo. Two years ka nang niloloko niya. I'm sorry pero inis at galit ako sa mga two timer (Naks! May pinaghuhugutan daw!). Maybe you should think of loving yourself more. Maybe try to divert yourself into something valuable, something important.

Ang sa akin lang.. eh baka sa tuwing hindi available yung #1 niya ehh sayo siya pumupunta. Badtrip yun! Hindi tama yun! Unless gustong gusto mo din maging kabit! Sabagay sabi nga nila pag kabit ka raw ehh mas mahal ka daw nung lalaki kesa dun sa #1. YUN ANG SABI NILA.

Pero again, show yourself some respect and love it more than anything. Maraming paraan para makalimutan kung gugustuhin.Hindi pa naman siguro mauubos ang lalaki sa mundo. Im sure someone out there, who is single, is willing to date or love you.

I just hope that one day you will realize na hindi sa lahat ng oras puso ang pinaiiral. Minsan kailangan timbangin gamit ang utak.

At the end of the day.. nasa sayo pa rin ang desisyon. Ikaw pa rin ang masusunod. Hindi ako ang gumagawa ng love story ng buhay mo kundi ikaw ang nagpapatakbo nito.

Ang sa akin lang.. ay sana maging masaya ka sa tatahaking landas.. at sana maging happy ever after ang love story mo.

And by the way, Oo! Marami akong kakilalang bloggers na di hamak gwapo at matino pa sa mokong na yan. Just tell me if you're ready. Hahahaha..

Peace and salamat muli. God bless you Fierce Mistress.

24 comments:

  1. alam mo ang dapat mo'ng gawin. hindi ka dapat sumisira ng pamilya ng iba. kahit pa sabihin mo na hindi mo alam un. ngayong alam mo na naman, pasensiya na pero tanggapin mo ang katotohanan NA PANGALAWA ka lamang sa buhay niya. wag ka'ng manira ng pamilya.

    ReplyDelete
  2. Hi Xander
    Naks naman, ang ganda ng advice. Ikaw na pala ang bagong Joe D' Mango ngayon :) Hmn, pero sa palagay ko di mo na siya inabutan kasi bata ka pa hehehe

    Keep on!

    ReplyDelete
  3. @Bino- sabi na sayo ehh hahahaha.. lol.. tama ka naman dun..

    ReplyDelete
  4. @Nortehanon- hahah ako talaga? hmm naabutan ko pa naman siya medyo may isip na ako nun kaya kilala ko siya.. May radio program siya at may show sa TV na puro love story.. tama ba?

    ReplyDelete
  5. korek ka advice mo xander na di sa lahat ng panahon puso ang paiiralin, dapat gamitin din ang utak. mahirap kontrolin ang puso pero pag ginamitan mo ng utak yan, u can easily adpot the situation and soon to realize na tama ang sinasabi ng utak mo.

    ReplyDelete
  6. @Ka-swak -- tama nga.. dapat kasi balance lang hindi palagi na lang puso... minsan kasi makasalanan si puso haah kaya gamitan ng utak heheeh.. Salamat sa comment.

    ReplyDelete
  7. Tama. Gamitin ang utak.. HIndi yung puro puso lang. Dapat timbangin, alamin ang mga consequences. Hindi yung puro "Dahil mahal ko siya" churva.. Kaya nga nasa taas ng puso ang utak, para magamit mo. Hindi yung puro puso lang pinapairal mo. :P

    Bitchy ba? Hehehe.. Sorry naman. Lols.

    Maybe you two aren't meant to be. Meron na siyang pinili. Wag mo nang ipilit pa ang sarili mo.. Meron dyang mas deserving sa pagmamahal mo. :)

    ReplyDelete
  8. Ateng Fierce Mistress, stuff et na! Talo ka dyan, malabong ikaw ang mapili lalo na at may anak si Kuyang Moks na hindi engr. LOL. Juk. Past time ka lang niyan at kinukuha sayo ang hindi naipaparanas ng asawa niya sa kanya. Pano kung magbago na ang asawa niya at bumalik sila sa lambingan? Exit ka na nun at bigla ka ng di papansinin. Mahal ka lang nun kasi may nakukuha siya sayo. Kay Kuya Xander ka na lang. Hahaha.

    Nacurious me kung pano nalaman nung orig wife na may kabit? At magkasama sila sa batangas that time?

    ReplyDelete
  9. ay grabe. parang temptation of wife or the fierce wife.....

    hay mundo nga naman.. hehehe.. naaawa ako ke ate. hope ok lang siya.. and i-let go na niya yung narramdaman niya dun sa mokong....

    ganda din ng advice mo xander.... hehehe

    ReplyDelete
  10. @Leah -- tama ka dyan Leah nasa taas ang utak kaya wag ipangbahala ang nasaisip nito..

    ReplyDelete
  11. @Yow -- hahaha tama ka diyan.. hmm about dun sa kung pano nalaman kung bakit may iba ang mister niya baka malakas lang talaga ang pakiramdam ng asawa niya.. hahaha hayaan mo itatanong ko sa kanya kung pano nalaman na nasa batangas sila.. or maybe nababasa niya ito at sabihin niya sa akin ahaha

    ReplyDelete
  12. @egg-- oo nga let go and find another one.., hahaha yung walang sabit..

    ReplyDelete
  13. @MG- thanks sa pag agree kay Bino

    ReplyDelete
  14. kuya Xander for sure dme kang narereceieve na emails noh?! parang dmeng nag-oopen up sau ah... devah akoh pah?... nde koh pa nagagawa... aheheh... lolz... anyhoo... been there on that kind of situation... i don't blame her... kahit alam mong mali... eh sige pa ren.. kc why? i dunno tanga kah nd kc dahil mahal moh lang tlgah ang tao... or maybe tama kah... we don't love our self enough or takot mag-isa muli kaya hinayaan to be in dat kinda situation... pero saken share koh lang.. since good listener ka naman... nung moment na found out koh 'un parang gumuho ang mundo koh... nd that moment i was prayin' na sana akoh na lang piliin nyah.... nde koh na kukuwento wat happened... wehe... anyhoo its really hard to decide once andon ka nah... bulag ka sa katotohanan kahit alam mong mali... i guess yeah makakatulong kung may darating na bago at sya ang tutulong sau mag-move on... pero habang wala pah... kumakapit ka pa ren don sa maling pag-ibig na 'un.. unless time will come he will choose you over the other one... sometimes den i think... para sa guy... he loves both of 'em... on da different level.... or parang nde nya kayang mawala ang isa sa kanila... or may pagkukulang ang isah kaya humananap nang pangalawa... but once a friend advice me....you have to set a time limit for d' guy... okei na patulan ang situation.... pero set him a time... sabihin moh like i'm givin' you let's say 3 months to decided... if you can't choose... eh i'm movin' on... darating ang time na dapat pumili ang guy... he can't have both... yeah... peace out... Godbless!

    ReplyDelete
  15. hi Xander
    You can now submit your Song Entries
    here http://blogidol09.blogspot.com/2011/08/song-categories.html
    Thanks and Good luck

    ReplyDelete
  16. oh and I will go back for my post related comments hehe

    ReplyDelete
  17. hello I'm back.. base from the view of a man, i don't think the relationship will work.. yes pwede nilang malampasan yung ganun situation for awhile pero magkakaron at magkakaroon ng issue pa rin yan in the future.
    better yet find another guy kasi the fact na nagsinungaling yung guy eh hindi mo masasabi na hindi nya na ito gagawin ulit...
    yun lang naman ay sa palagay ko hehe
    wow i love this portion of your blog...

    ReplyDelete
  18. by the way don't forget to submit your song entries huh
    here's the link
    http://blogidol09.blogspot.com/2011/08/song-categories.html

    ReplyDelete
  19. @Dhianz-- thanks for the advise.. i appreaciate it a lot.. hmm.. hindi naman masyado madami.. hehe..thanks

    ReplyDelete
  20. @Bluedreamer27 -- thanks for always coming back.. i posted my song entries.. thanks!

    ReplyDelete
  21. move on...walang bayag yang si mokong mo ateng!!

    ang daming may lawit dyan sa paligid..eto nalang para madiscourage ka na...

    isipin mo pag nagsesex kayo..excuse me for d words..ipinasok nya yung birdie nya sa kepkeps nung 1st na babae nya tas imaginin mo isusubo mo!!yyyaaaaksss diba?!! kaderder! tas pagnagsesex kayo baka ang isip nya lumlipad dun sa isa bad trip yun!

    Libog lang yan..ikiskis nya kamo sa pader!

    ReplyDelete
  22. @iya- wahaha LAKING TAWA KO sa comment mo iya.. hahaha.. ahehehhe.. huhhuhuhu.. di ko mapigilan matawa ng sobra hahaha

    ReplyDelete
  23. kumusta na kaya itong itong si Fierce Mistress ngayon. Nakakatawa pala ito pag isinadrama pang radyo Panalo.

    ReplyDelete

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!