Things I learned after being mugged

Di ko inakala na isang araw mararanasan ko din ang ma-holdap. Akala ko kasi sa TV Patrol o 24 Oras ko lang mapapanuod ang mga eksenang ganyan. Kaso sa kasamaang palad noong 7/11, Oo tama ang date na yan 7/11 (July 11) ay naholdap ako sa loob mismo dyep. At akalain mo ha katabi ko pa si Manong Driver na kahit nagmamakaawa na ako ng tulong eh diretso pa rin sa pagmamaneho. Sabagay, mahirap din yun kung di siya naka-focus sa pag drive baka mabangga naman kami. Kung nagkaganun eh double trouble ako. Naholdap na, nabangga pa. Saklap much lang!

Anyways, masakit man sa loob ko na makuha ang mga mahahalagang bagay na matagal kung pinagkakaingatan (at pinaghirapan din) ay nagpapasalamat pa din ako na hindi ako sinaktan kahit gustong gusto kung saktan ang mga holdaper na yun. Hindi ko makakalimutan ang mga pagmumukha niyo. Isusumbong ko kayo kay Tulfo (Chos!). Hindi ko na muna isasalaysay ang buong pangyayari baka kasi maglaslas ako sa sama ng loob.

May mga bagay akong napagtanto at nagpapaalala sa akin matapos ang insidenting yun.

UNA: Lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan, mahalaga man ito sayo o hindi. Gaya na lamang ng mga bagay na nanakaw sa akin na sa isang iglap lang ay naghalo na parang bula. Kung di niyo pa alam ay lahat ng mga bagay na yun ay may "sentimental value" para sa akin. May separation factor pa akong nararamdaman until now. Kahit na pagkakaingatan mo o gagawin mo ang lahat wag lang mawala ang isang bagay na yan kapag panahon na at tinadhana na umalis o mawala, mawawala at mawawala din pala. 

PANGALAWA: Kahit gaano ka kabait at kabuti, may mga masasamang loob pa rin pala. I tried to be good, kasi nga diba, do not do unto others as you don't want others do unto you. Kaya do ako ng good things, ganyan! Kaso marami ang maiitim ang budhi. Pero I will continue to be good even if others are not. In fact, I will pray na sana humaba pa buhay ng mga holdaper na yun para may time pa sila magsisi sa ginawa nila at hindi yung bigla na lang sila lamunin ng empyerno (with matching elements of surprise). 

PANGATLO: Never use a headset or earphones when in public utility jeepney or bus or kahit saan man na maraming tao. Nakakawala sa focus yan na mag ingat sa mga taong nasa paligid. Aaminin ko naka-earphones ako nung na holdap ako. Masyado akong kampante sa mga oras na yun dahil na rin siguro sa saliw ng musika na aking pinakikinggan to the tune of "Call Me Maybe". Kasalanan ni Carly Rae Jepsen talaga toh! (Joke lang!). Oo na kasalanan ko talaga yun. My bad maybe. Hehehehe.

PANG-APAT: Wag masyadong maporma kapag graveyard shift ka. Maiging wag magsuot ng mga bagay na mamahalin gaya ng alahas or relo. Mas simple, mas safe, mas iwas sa holdaper. Natatawa ako kasi marami ang nagsasabi na kaya daw ako naholdap dahil mukha daw akong mayaman. Pwes! Mukha lang talaga. Ano ba kasi ang itsura ng mukhang mahirap? Syempre pumapasok ako sa "call center" (with accent) kaya naman kailangan maging malinis at maayos ang itsura. Bawal po kasi ang Taong Grasa na peg sa office baka di ako papasukin.

PANGLIMA: Ireport agad sa pulisya ang nangyaring holdapan. Isa ito sa mga dapat gawin ng isang naholdap.Ito na rin ay para malaman ng awtoridad na may mga nangyayari nakawan o holdapan sa lugar na yan. Nang sa gayun ay maari silang magbantay at magmasid (oo magmasid lang, kasi minsan pinuno sila nung mga holdaper..hehe) upang maiwasan na maulit ang ganung eksena. 

PANG-ANIM: Ask help from your support system or talk to them. Ilabas ang iyong sama ng loob. Phone a friend or tawagin mo na din ang Avengers para tulungan ka sa iyong pinagdadaanan. After nung insidente ay hindi ako makatulog ng bongga. Naiisip ko pa din yung mga nangyari. Paulit ulit lang ang tanong na, "What if nasaksak ako o may nangyari sa akin na masama?"

PANGPITO: Pray continually. This is the best lesson after that incident. Always pray for safety and protection. There is nothing more powerful in this world than the power of prayer. Pray to those who caused you hurt and pain and even to people who mugged you. May peace be unto them and always with them.

Bagay lang ang nawala sa akin, hindi ang aking buhay. Mapapalitan pa ang nawala, ngunit ang buhay na nawala ay hindi. Nagpapasalamat pa rin ako at walang masamang nangyari sa akin. Nagpapasalamat din ako sa mga taong sumusuporta sa akin at nanalangin. Thanks to my family and loved ones. Thanks to my new team mates kasi may donasyon na nagaganap sa opisina after ko ma holdap. Hahaha. I lab you guys!

Comments

  1. naku buti at safe ka un ang mahalaga agree ako sa 7ng sinabi mo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga yun naman ang importante diba? yung safe ako at walangn masamang nangyari sa akin.. Thanks Mecoy

      Delete
  2. sa limang beses kong nagancho't naholdap, tinubuan na ko ng spider sense. kaya pag may nakasabay ng kong kahina-hinala, para na agad ako sa tabi. ingat nlng palagi. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga matubuan na din ako. Kung pwede nga lang mag ata Thor or Ironman sa mismong araw na yun ehh gagawin ko kaso nanghina ako. Hahaha

      Delete
  3. thank God you're safe talaga :)

    ReplyDelete
  4. Good to know that you weren't hurt. Material things lang yun, mapapalitan din unlike pag buhay na, irreplaceable yun. I remember naging "suki" din ako before sa mga holdap na yan, specifically nung college days. Nag-aral ba naman ako somewhere in U-Belt so consequently ang daming loko-loko dun. It even came to the point that they were pointing knives at me, one at my side and another near my chest. Thank God at cellphone lang ang nakuha at hinde nako sinaktan pa.

    Your right, dapat talaga pagnagko-commute ay low-profile lang. Itago ang gadgets, don't wear watches/jewelry, and be alert always. I also learned that I have to trust my instincts. On my experience kasi, may gut feeling nako na may hinde tama pero binalewala ko lang kaya yun naholdap ako. Just sharing. :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku katakot naman yang experience na yan.. sa akin naman sa gilid nakatutok at isa sa likod hahaha.. wala akong kawala pag ganun talaga. Pero ang importante naman talaga dun ayy safe at walang nangyari sa atin. Kaya ngayon I learned my lesson. Wala na akong bag na dala.. at nakapang taong grasa na outfit ko wahaha

      Delete
  5. Good to know that you weren't hurt. Material things lang yun, mapapalitan din unlike pag buhay na, irreplaceable yun. I remember naging "suki" din ako before sa mga holdap na yan, specifically nung college days. Nag-aral ba naman ako somewhere in U-Belt so consequently ang daming loko-loko dun. It even came to the point that they were pointing knives at me, one at my side and another near my chest. Thank God at cellphone lang ang nakuha at hinde nako sinaktan pa.

    Your right, dapat talaga pagnagko-commute ay low-profile lang. Itago ang gadgets, don't wear watches/jewelry, and be alert always. I also learned that I have to trust my instincts. On my experience kasi, may gut feeling nako na may hinde tama pero binalewala ko lang kaya yun naholdap ako. Just sharing. :-)

    ReplyDelete
  6. So true. Mapapalitan ang yaman, hindi ang buhay.. You're safe.. That's what matters.. :)

    ReplyDelete
  7. buti na lang wala nang ginawa pang iba yung holdaper, keep safe :)

    ReplyDelete
  8. At least it wasn't your life that was taken away...don't worry though, karma comes back even just in a nick of seconds :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo tama ka diyan naniniwala din ako sa karma.. pero ill still pray for them

      Delete
  9. Mabuti na lang din at walang nangyari sayong hindi maganda. Thank God. At yang "Call me Maybe" na yan.. hehehe.. :D

    ReplyDelete
  10. shet. naholdap din ako sa harapan ng jeep. tabi ng driver mismo. last year. kinuha bago kong cp at wallet. sa mismong araw ng birthday ko pa. 3am yun. i feel for you.

    ReplyDelete
  11. Naku naku,..welcome to the club.. ahehehe.. feeling ko talaga yung ibang driver kasabwat noh?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?