Gunita
 
Isang dakot ng gunita Ang sa akin ay natira Nang ikaw ay lumisan Wala na nga bang pag-asa?  Pinilit kong kalimutan Mga panahong nagdaan Noong hawak pa ang mundo At magkawing ang ating puso  Ngunit ngayon Ano ang iyong iniwan Mga gunita'ng dala ay sakit Sa iyong paglisan  Hindi ko na inasam Ang iyong pagababalik Kung dala ay hapis Sana pagiibig ko sayo'y magparam  Ngunit wag mag-alala Masasayang gunita Ang magsisilbing gabay Sa puso kong napapagal  Naway makamtam mo Ang tunay na kaligayahan   Panalangin ko'y matagpuan ang taong magmamahal At di sana maging isang gunita  
 
