Bagay Na Di Kayang Nakawin Ng Iba

Larawan kuha sa Pangasinan

Habang binibilang ang natitirang araw bago matapos ang taon naisip ko maraming pagsubok at pangyayari ang dumaan sa buhay ko. 

Sampung buwan...

Sampung buwan na din ang dumaan, mahigit sampung pangyayari na din ang naranasan ko. May masasaya at may malulungkot. Pakiramdam ko sa bawat lungkot ay may nawala sa pagkatao ko, materyal na bagay man o hindi. Sa bawat saya ay nadadag-dagan ang pagkatao ko.

Maraming nawala; bagay, kalusugan, pagkabata, mga pangakong nakalimutan, minsan din ay ang karapatan. Ngunit may mga bagay na hindi pwedeng mawala sa ating pagkatao hanggat hindi natin hinahayaan ang iba na kunin sa atin ito:

A. Nararamdaman/Tingin sa Sarili. Hindi mahalaga ang kung anong sinasabi ng ibang tao tungkol sa pagkatao mo. May dahilan kung bakit tayo andito sa mundo, yan ay ang pag diskubre sa kung ano ang kakayahan mo bilang ikaw. Mahirap mabuhay sa utos at dikta ng iba. 

B. Sariling Pananaw. Bawat isa sa atin ay may sariling pananaw. Gawin mo ang isang bagay kung sa tingin mo ito ay nakakapagbigay saya sayo. May sarili kang desisyon sa buhay. May karapatan ka na sundin sa kung ano man ang inanais ng puso mo. Wag mong ikumpara ang paghihirap mo sa ibang tao. May iba silang pinagdadaanan. Meron ka din.

C. Katangian. Ang pagiging "unique" ay simbolo na hindi ka nililok gaya ng ibang tao. Bawat isa sa atin ay may aking hindi hawig sa iba.

D. Maibahagi ang pagmamahal at kabutihan. Hindi sukatan ng buhay sa kung ano ang naipon mo, kundi kung ano ang naibigay mo sa kapwa mo. Ang pagbibigay ay hindi lamang sa pamamagitan ng materyal na bagay. Ang ngiti, saya, oras, pagmamahal, pagtulong at ang busilak na kalooban ay higit pa sa kahit anong materyal na bagay sa mundo na pwede mong ibigay sa kapwa mo. 

E. Ang iyong determinasyon. Marami kang pagdadaan sa buhay; mahirap at may mas mahirap pa. Ngunit masayang isipin na ang bawat hirap, problema, pasakit ay hindi permanente. Hayaan mong buksan ang iyong isipan habang ang mga paa naman ay patuloy na humahakbang para mabuhay, malamang magiging isa kang masayang nilalang. 

May mga bagay na di kayang kunin o nakawin ng iba. Nasa sayo yan kung hahayaan mo sila o magpapaubaya ka. Binigyan tayo ng Diyos ng "free will" gamitin natin ito.  Hindi po si Zenaida Seba ito. promise! Lels.

Comments

  1. agree sa lahat. lalo na yang tingin sa sarili. wag mo'ng iisipin sasabihin ng iba. kung saan ka masaya dun ka. basta mahalaga wala kang nasasaktang tao. walang natatapakan. kung gusto mo'ng mag-asawa ng maaga, mag-asawa ka, basta kaya mo'ng suportahan. kung masoshota ka ng same sex, sige lang. kung gusto mo'ng manatiling single go lang. ang haba ng comment ko hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. Pang blog post.. hahaha.. gow lang!

      Delete
    2. okay ang comment ah hehehe ^_^

      Delete
    3. Sa sobrang okay pwede na gawing post ng blog hehe.. magaling yang si Bino ehh. Idol ko yan ehehe

      Delete
  2. hahahah ... at isipin mo hindi sila ang nagpapakaen sayo .. yun lang yun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayy agree ako dyan... Ahehehe.. Tama ka! Sakto ka! Tumpak!

      Delete
  3. Buti nilinaw mo, akala ko si Zenaida Seba ang nag closing ng post na ito. Tatanong pa naman ako ng horoscope :) Agreeng agree ako sa mga sinabi mo. Lalo na sa B. Sariling Pananaw. Sabi nga ng friend ko lagi "MaLang!" (deadma lang) MaLang sa sasabihin ng iba, basta masaya ka, tama at walang nasasaktan sa ginagawa mo. Kaya..MaLang! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayy ayos yan ahh.. "MaLang"... tama deadma lang talaga.. hehehe

      Delete
  4. Agree!!! Yung mga pangarap sa buhay... gusto ko isama yun na hindi dapat manakaw ng iba. pero nanakaw yun. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree.. sometimes nananakaw yan kapag hinahayaan na lang.

      Delete
  5. "Be yourself; because an original is worth more than a copy." - Anonymous

    Well said tol! XD

    ReplyDelete
  6. check! Akala ko nung una, entry mo to sa SBA.... maganda kasi ang larawan. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha.. Hindi yan ang entry ko, Yung isa.. Yung "Paglalakbay sa Byahe ng Buhay". heheh

      Delete
  7. Kakatuwa naman itong mga reflection mo. Ibig lang sabihin, may natututuhan ka mula sa mga karanasan mo sa buhay ;)

    ReplyDelete
  8. sang ayon ako sa mga nasabi mo... hindi lahat pwedeng agawin o mawala... lalo na kung di mo hahayaang maagaw ng iba...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka dyan. Nasa sa atin din naman yun kung hahayaan natin o hindi.

      Delete
  9. agree agree agree thumbs up kasama paa haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahah kasama paa talaga? sige na nga ahha salamat

      Delete
  10. very well said, everything you've mentioned is so true, specially the last part :))

    ReplyDelete
  11. agree. kahit anong gawin nila sayo kung di mo hahayaan sila na agawin sayo ang mga bagay na nabanggit mo kahit kelan di nila maagaw sayo ang mga yun

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?