Mamang Tsuper

Photo borrowed from DeviantArt

Dahan dahan lang sa pagmamaneho
Wag kang kaskasero
Maawa ka naman sa aming mga pasahero
Na nagbayad sayo para makarating sa dulo

Kung makatapak ka sa brake
Parang kang freak
Hindi mo ba nakikita kami ay nagpapanic
Wag kang ganyan anak ka ng putik

Binibilisan mo ang pagmamaneho
Nang jeep mong nakakatetano
Nagpapakyut ka lang ata sa seksing katabi mo
Pero di mo alam napipikon na siya sa pananyansing mo

Gusto naming makarating sa lugar na pupuntahan
Na buo pa at walang sakit sa katawan
Wala kaming balak pumnta sa kung saan man
Lalo na sa ospital na ating kahihinatnan

Mamang tsuper hinay hinay lang
Ang pagmamaneho ay hindi isang paligsahan
Mabuti na yung makarating sa paroroonan
Ng walang masamang nangyari sa daan

Comments

  1. wow ganda nito ha! pro kung pro!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha..Ikaw ang pro.. sa dami ng entry mo sa SBA hahah

      Delete
  2. naks! maganda ang likha. at napapanahon para sa mga kaskaserong drivers hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama.. sana sinali ko ang tula na to sa SBA hahaha

      Delete
  3. Haha nakakamiss tuloy sumakay ng jeep!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe oo pero ingat sa pagsakay kasi dami din loko sa jeep

      Delete
  4. bilib talaga ako sa mga nakakasulat ng bongga na tagalog! winner!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat.. mas magaling ka magsulat sa English.. panalo!

      Delete
  5. haha nice nice ganda ng pagkagawa haha dapat to panapabasa sa mga kaskasero ee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. salamat Mecoy..oo nga dapat nga

      Delete
  6. Kala ko pang SBA. Galing ng tula. may tunog sa dulo :) Namiss ko sumakay ng jeep :)

    ReplyDelete
  7. astig! maganda ung pagkakasulat... na miss ko tuloy sumakay ng jeep...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try mo madami kang nalalaman. madediscover..

      Delete
  8. "Binibilisan mo ang pagmamaneho
    Nang jeep mong nakakatetano"

    tawa much sa part na 2. love it.

    ReplyDelete
  9. ayos to, pwedeng lagyan ng tono at kantahin everytime na sasakay sa jeep.

    pero seryoso: isang message ito na sana mabasa ng mga mamang tsuper!

    ReplyDelete
  10. kelan kaya ipapanganak yung mga driver na magalang at maingat sa pagmamaneho? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku hindi ko lang alam. Meron bang ganun? hehe

      Delete
  11. sana mabasa to ng mga kaskaserong driver at ng matuhan sila. ang cute ng pagkakagawa hihi

    ReplyDelete
  12. makata..di ko alam kung irarap ko e..ganda ng shot ha.

    ReplyDelete
  13. tomooh!!! tumutula kana din bebe!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo Bebe... tumutula na ako ngayon wahaha

      Delete
  14. nakakainis nga talaga ang mga kaskaserong driver ng jeep. minsan ang init pa ng ulo, busina ng busina hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga ehh di ko maintindihan kung bakit kailangan mainit ang ulo.. sila na nga ang binabayaran..

      Delete
  15. naimagine kong sasakay ako ng jeep at tutulain ko to kay manong tsuper, yung with feelings. baka pababain ako no?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede yun basta wag ka lang mga barong baka magulat si Manong hahahhaa

      Delete
  16. Haha fast and furious ang peg.. pinoy version haha

    ReplyDelete
  17. I agree sa tula mo. Pero minsan OK rin ang kaskasero. Kapag late na ako LOL jk.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts