Posts

Showing posts from November, 2012

Bakit Nga Ba Ako Nagbo-blog?

Natanong ko na din ang sarili ko sa makailang ulit kung bakit ako nabo-blog. Sa totoo lang hindi rin ako sigurado kung saan nagsimula ang interest ko sa pagsusulat. Hindi naman ako ipinanganak na magaling magsulat at wala din kaming dugong manunulat sa nananalaytay sa aming angkan. Hindi ako mahilig magsulat at wala ding hilig ang pagsusulat sa akin. Pero bakit ako andito ngayon at bakit mo nababasa ang blog na to?? Kailan nga ba ako nagkaroon ng interes dito? Iniisip ko kung sino ang may kasalanan kung bakit adik ako sa pagbo-blog kahit na wala naman akong kinikita dito, hindi gaya ng iba na limpak-limpak na salapi na ang pumapasok sa kanilang kaban dahil lamang sa pagamit ng internet at kanilang imahenasyon at utak. Aha! doon nagsimula ang gusto ko sa blogging. May isang tao akong nakilala na itago na lang natin sya sa ilalim ng mesa para di makilala. May pagka mahiyaan kasi ang taong ito. Naibahagi nya sa akin na nung nag blog sya ay kumita sya ng malaki. Kaya dahil sa m...

My Mom, The Best!

Image
May ibat-ibang kwento tayo pagdating sa ating mga magulang, lalong lalo na sa ating mga Ina. Ako, pagdating sa Mama ko, emotional akong tao. Dahil na rin sa siguro pagsisikap nila ng Papa ko kaya siguro gagawin ko ang lahat para sa kanila. Noong bata pa ako, nakita ko yung didikasyon ni Mama at ni Papa para lang mabigyan kami ng maayos na buhay na magkakapatid. Akalain mo yun si Mama, napagsabay niya ang pag-aaral sa college sa gabi at sa umaga naman ay nagluluto at nagtitinda ng bibingka para lang may maipakain sa amin. Kaya ako, kaya kung maghirap at magsumikap mabigyan lang sila ng maayos na buhay. Hindi pa man siguro ngayon, pero alam nila na nagsusumikap ako para sa aming lahat.  I am a proud son to my parents. At alam ko proud din sila sa akin. Pero mas proud talaga ako sa Mama ko. Marahil hindi niyo pa alam, eh kapag kasama ko ang Mama at Papa ko para lang kaming magbabarkada niyan. Mag kasing tangkad lang kami ng Mama ko kaya kapag magkasama kami eh akala ng ibang tao...

Ang Tunay Na Lalaki, Nanunuod ng Music Video ni Stefani Joanne Angelina Germanotta

Image
Ang larawang kupas ay hiram lamang kay Pareng Google Masayang sumakay sa jeep. Halos buong buhay ko ay jeep ang transportasyong sinasakyan ko papuntang opisina. Marami akong nakakasalamula. Ibat-ibang tao at pangyayari na din ang aking nasaksihan sa palagiang pasakay ko ng pambansang transportasyon ng Pilipinas. Kanina lang, natuwa naman ako na nasakyan kung jeep/dyip dahil sa loob nito ay may maliit na monitor na konektado sa speakers na nasa ilalim ng upuan. So malayo pa lang ay naririnig mo na ang malakas na tugtog ng musika sa loob nito. Mistulang disco bar ang tugtog ng sasakyan.  Unang video na pinalabas ay ang Music Video ni Britney Spears na Criminal. Natuwa naman ako sa nasakyan ko dahil na rin sa nakakawala ng kaba ang aura sa loob ng sasakyan. Kung di niyo pa alam ay takot na akong mag commute dahil na rin sa nangyari sa akin noong mga nakaraang buwan. Sa di pa nakakaalam kung ano yung. Maaring basahin ang pangyayari dito --> dahil gusto mo talagang mala...

What's in my Nickname?

Image
Mahalaga sa akin ang pangalan ko. Pinangangalagaan ko ito gaya ng pag alaga ko sa sarili ko. Nagpapasalamat ako sa lolo ko na siyang nagbigay ng pangalan ko. Naalala ko may naisulat din ako tungkol sa pangalan ko dito dati. Andito ang post na yun - Whats my Name? Alexander aang binigay na pangalan sa akin. Kung titignan mo at i search mo sa google ang name na yan ay matutuwa ka dahil nangangahulugan ito na tagapagligtas ng mga taong naapi. Parang super hero ang dating diba?  Kung nickname naman ang paguusapan, Sa totoo lang hindi talaga Xander ang nakalakihan kung palayaw. Ang palayaw talaga na binigay sa akin ng mga magulang at malalapit na myembro ng aking angkan ay "Andin". Isang palayaw na hindi ko alam kung saan nag ugat at nanggaling. Basta ang alam ko magkasing tunog sila ng Alex. Ngunit habang tumagal ay naging Andok, Budok, Andoken, Androkles (na palaging ginagamit ng lola ko). Ganyan siguro talaga ang language, napaka dynamic. Dahil nga sa dynamic ...

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Ating Panaginip?

Image
Larawan kuha sa Palawan Noong nakaraang weekend, tulog lang ang ginawa ko. Mahigit 24 oras ata ang tulog ko nun. Bumabangon lang kapag nakaramdam ng gutom at matutulog na naman kapag dinalaw ng katamaran at antok. Minsan bumabangon na lang ako na pagod at umiiyak. Karaniwan na sa akin ang ganung eksena. Minsan naman ay humihingal ako dahil sa masamang panaginip na kesyo hinahabol ako ng mga zombie o di kaya naman ay may humahabol sa akin at lumilipad ako pero ang baba lang ng lipad ko.  Pero noong nakaraang weekend kakaiba ang karanasan ko. Akalain mo ba namang dalawang beses akong nanaginip sa isang tulugan. Magkasunod. Yung una nakakatakot. Yung pangalawa light lang.  Hindi ko maintindihan kung ano nga ba talaga ang dahilan ng panaginip natin. Naalala ko noong nasa kolehiyo ako, maraming mga Psychologist ang may sariling interpretasyon sa mga panaginip natin gaya na lang ni Sigmund Frued, Carl Jung, Calvin Hall, Ann Faraday, Wallace and Jean Dalby Cliff, at m...