Ano Ang Ibig Sabihin Ng Ating Panaginip?

Larawan kuha sa Palawan

Noong nakaraang weekend, tulog lang ang ginawa ko. Mahigit 24 oras ata ang tulog ko nun. Bumabangon lang kapag nakaramdam ng gutom at matutulog na naman kapag dinalaw ng katamaran at antok. Minsan bumabangon na lang ako na pagod at umiiyak. Karaniwan na sa akin ang ganung eksena. Minsan naman ay humihingal ako dahil sa masamang panaginip na kesyo hinahabol ako ng mga zombie o di kaya naman ay may humahabol sa akin at lumilipad ako pero ang baba lang ng lipad ko. 

Pero noong nakaraang weekend kakaiba ang karanasan ko. Akalain mo ba namang dalawang beses akong nanaginip sa isang tulugan. Magkasunod. Yung una nakakatakot. Yung pangalawa light lang. 

Hindi ko maintindihan kung ano nga ba talaga ang dahilan ng panaginip natin. Naalala ko noong nasa kolehiyo ako, maraming mga Psychologist ang may sariling interpretasyon sa mga panaginip natin gaya na lang ni Sigmund Frued, Carl Jung, Calvin Hall, Ann Faraday, Wallace and Jean Dalby Cliff, at marami pang iba. May mga nagsasabi din na ang panaginap ay dahilan ng sobra nating pag-aalala sa isang tao o problema kaya napapanaginipan natin ito. Meron din nagsasabi na sa sobrang busog daw ay nagkakaroon tayo ng mga masasamang panaginip, at ang malala pa dun ay ka[ag humantong sa tinatawag nating bangungot. 

Pero sa kaso ko, hindi ko naman iniisip ang mga karakter sa panaginip ko. Hindi rin naman ako natutulog ng busog. Pero ang alam ko ang panaginip na yun ay isang sinyales ng isang pangyayari sa hinaharap. Bakit? Ikukwento ko sayo ang mga napanaginipan ko.

UNA: Kasama ko raw ang mga kabarkada ko sa isang byahe papunta sa lugar na hindi naman masyadong nabanggit sa panaginip ko. Ang bawat tao sa panaginip ko ay malabo ang mga mukha nila. Hindi ko masyadong kilala kung sino sila maliban sa isa. Ang alam ko mga close friends ko sila. Yung isang kakilala ko ay kaklase ko noong highschool. Siya ang barkada ko at close ko. Habang nasa byahe kami ay nagkaroon ng isang aksidente. Malubha ang kalagayan ng mga kasama namin ngunit bigla na lang din silang nawala sa eksena. Ang naiwan na lang ay ako at ang isang kaibigan ko. Tinignan ko ang sarili ko kung may sugat ba ako o kahit ano pero wala akong makita. Paglingon ko sa kaibigan ko ay nakatayo siya sa harap ko na hawak ang isang mahabang bakal na nakatusok sa leeg niya. Duguan at nagpapadala sa ospital. Tinulungan ko siya at dinala sa ospital.

Ang alam ko, habang nanaginip ako sinasabi ko sa sarili ko na panaginip lang ang lahat at gusto kong magising dahil hindi totoo ito. Sa kabutihang palad ay panaginip nga lang. Nagising ako na umiiyak at humihingal. Nanalangin ako na sana walang masamang mangyayari sa mga kaibigan ko lalo na sa kaibigan ko na nasa panaginip ko.

Makalipas ang ilang minuto... bumalik ako sa kama para matulog ulit..

Nang makatulog ako.. isang panaginip na naman.. Kakaiba sa nauna...

PANGALAWA:  Umuwi ako sa probinsya namin, sa Davao, para kamustahin ang aking pamilya. Pagdating ko sa aming bahay ay may isang pagtitipon at salo-salo na nagaganap. Hindi ko alam kung anong kasiyahan ang  meron pero andun lahat ng mga mahahalagang tao sa pamilya namin. Pati mga kaibigan at kamag-anak namin pati na ang mga boyfriends at girlfriends ng mga pinsan at kapatid ko. Habang hinuhubad ko yung sapatos ko at ilagay sa lalagayan, may nakita akong isang box ng sapatos na bago at hindi pa nagagamit. Isang running shoes. Nagtanong ako sa Mama ko kung kanina yung sapatos  kasi gusto ko siya at gusto kong dalhin pabalik sa Manila. Sinabi niya na sa isang kaibigan ko raw ang sapatos na yun. Iniwan ng kaibigan ko nung bumisita siya sa bahay. Ang tinutukoy ng mama ko na kaibigan ko ay ang isang kaibigan na nasa Manila. Isang beses pa lang nakapunta ang kaibigan ko na yun sa probinsya namin at isang beses pa lang din siya nakilala ng pamilya ko. Napaisip ako kung bakit siya pumunta ng Davao at iwanan ang sapatos. Dinala ko ang sapatos pabalik ng Manila para isauli sa kaibigan ko. 

Nagising ako matapos ang panaginip na yun. Mataas na ang sikat ng araw pagkagising ko. 

Ilang oras ang makalipas ay iniisip ko pa din ang mga panaginip na yun. Bihira lang ako managinip na magkasunod pa. 

Nag check ako sa facebook at laking gulat ko nang makita ko ang larawan ng kaibigan ko na nasa ospital at may nakalagay na neck brace. Sobrang kinabahan ako at nanginginig sa nakita ko dahil ang kaibigan ko na yun ang nasa panaginip ko. Halos maiyak ako sa nakita ko. Kaya agad ko kinamusta ang sitwasyon niya. Sa kabutihang palad ay nasa maayos siya at ligtas naman. Nadisgrasya daw siya sa motor. 

Matapos ko makita ang larawan na yun ay naikwento ko sa kasama ko ang panaginip na yun at ang nangyari sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari sa totoo yung panaginip ko. Hindi man sakto at tama sa nangyayari sa panaginip ngunit nagpapahiwatig na posibleng paalala ito. 

Matapos ko makwento sa kaibigan ko ay bigla nyang nasabi na kailangan niya palang bumili ng running shoes dahil may sasalihan siyang Fun Run sa opisina nila. 

Ang lakas ng kaba ng dibdib ko dahil siya din yung kaibigan sa pangalawang panaginip ko. Naikwento ko sa kanya na napanaginipan ko na kailanganin niya ang sapatos para sa Fun Run. 

Amazing isn't it?

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari o pahiwatig. Pero isa lang ang alam ko. Sa unang panaginip ko siguro kailangan ko lang kamustahin ang mga kaibigan ko. Kahit pa ang mga kaibigan na yun ay nakalimutan na ako, hindi parin dahilan yun na kakalimutan ko sila dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa mga buhay nila.

Haayyy.. sana puro masasaya ang panaginip ko. Bakit kaya hindi ako managinip na sobrang yaman ko, o di kaya nanalo ako sa lotto. Para pag gising ko totoo na.. Whatchathink???

Comments


  1. mahiwaga talaga ang panaginip. ako ung naaalala ko na panaginip na naiblog ko pa eh ung kamatayan ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay oo naman.. nabasa ko yun.. grabe naman.. pero minsan sabi din nila kabaliktaran daw ang nangyayari sa panaginip. Ewan ko ba.. Misteryoso..

      Delete
  2. ang alam ko ang panaginip nag iiwan ng isang babala.... minsan negatibo ang nagaganap...

    minsan pag nananaginip ako... parang may nagaganap na related sa panaginip ko... minsan naman paalala sa isang nakaraan...

    Di pa ako nanaginip na kapaligtaran.... madalas... nag iiwan ng mensahe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga tama ka dyan.. babala or mensahe or something like that

      Delete
  3. madalas akong managinip,iba't ibang panaginip,msama may maganda,at katulad kahit nasa kasagsagan ako ng panaginip,cnasv ko sa sarili ko na panaginip nga iyon,tapos maya amaya magigising ka na. Sa kabutihang palad naman,iyong mga panaginip ko na masasma ay hindi nagkakatotoo,katulad ng mamatay ang aking mga magulang oh di kaya ay,hinahabol ako para patayin. mga ganyan.

    Bakit nga kaya may panaginip?

    ReplyDelete
  4. i gave up analyzing my dreams. most are just plain weird.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga minsan weird. Minsan di mo maintindihan diba

      Delete
  5. wah, buti naman at light lang ang aksidente ni friend, hindi gaya ng nasa panaginip mo. at naaliw ako sa pag eksena ng running shoes tapos fun run sa 2nd dream. anyways, lagi lang mag pray bago matulog para safe sa mga scary dreams.

    taga Davao ka pala Xander, pupunta kami dun, pakisabihan si Mayor ha, nang makapag handa sila :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahhaa.. uu nga buti nga light lang..

      Nasabihan ko na si Mayor.. Courtesy call daw kayo pagdating niyo.. Hahahaha...

      Delete
  6. May ganyan din akong karanasan. Natatakot ako pagnanaginip ako ng masama. Pag nanaginip kasi ako may significant impact na nangyayari. Like nung nanaginip ako ng isang matanda na mukhang bungo na babae, nakasaya't belo. Hinihigit nga ng pisi ang ngipin ko. Tapos mga ilang araw ang lumipas namatay na pala ang lola ko. at pagpunta ko samin sa bulacan, yung saya't belo na nakita ko sa panaginip ay syang suot ng lola ko sa kabaong. Madami pakong panaginip na gustong ishare. Hayst pray nalang tayo...

    ReplyDelete
  7. naku nagworry ako last time kasi nanaginip ako natatanggal ipin ko kasi daw pag ganun may madedead buti wa nmn hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayy ganun ba yun? Akala ko yayaman ka daw pag ganun ahehehe

      Delete
  8. isa yan sa mga hindi natin maipapaliwanag..have I mentioned na napanaginipan kong ang setting ng Taguig eh parang Resident Evil, at may mga zombies na hinahabol ako? haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow astig yan ahh.. Magiisip na ako ng paraan san ako magtatago kapag nangyari yan. Ahahaha sa Taguig talaga ahehehe.. Kailangan mahanap natin si Alice.. ahahah

      Delete
  9. Pareho tayo ng panaginip na zombie at mababa ang lipad ko. Yung tipong lilipad ako sa ibabaw nila at madadaplisan ng mga kamay nila ang katawan, braso at mga paa ko. =) Ano kayang ibig sabihin nun? Makailang beses ko ring napaniginipan yun ha?

    ReplyDelete
  10. anu po ang ibig sabihin kapag nanaginip nang isang lalaki na kilala mo sya pero pag kagising ay hndi na matandaan kung cnu un.

    ReplyDelete
  11. Maraming klasing panaginip ang napapanaginipan ng isang tao kapag natutulog...
    May ibat-ibang kahulugan din ang mga ito at nakadepende ito sa taong nananaginip kung ang kahulugang maibibgay nya dito.


    askOFWs: http://bit.ly/askOFWs
    Ways to help: http://bit.ly/helpOFW
    Share a tip with other OFWs: http://bit.ly/OFWtips
    Report missing: http://bit.ly/nawawala
    Report abuse: http://bit.ly/OFWabuse


    Like and share: http://fb.com/OFWWATCH
    Tweet: http://twitter.com/OFWWATCH
    Instagram: http://instagram.com/ofwwatch

    http://www.ofwwatch.com/

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?