My Mom, The Best!
May ibat-ibang kwento tayo pagdating sa ating mga magulang, lalong lalo na sa ating mga Ina. Ako, pagdating sa Mama ko, emotional akong tao. Dahil na rin sa siguro pagsisikap nila ng Papa ko kaya siguro gagawin ko ang lahat para sa kanila. Noong bata pa ako, nakita ko yung didikasyon ni Mama at ni Papa para lang mabigyan kami ng maayos na buhay na magkakapatid. Akalain mo yun si Mama, napagsabay niya ang pag-aaral sa college sa gabi at sa umaga naman ay nagluluto at nagtitinda ng bibingka para lang may maipakain sa amin. Kaya ako, kaya kung maghirap at magsumikap mabigyan lang sila ng maayos na buhay. Hindi pa man siguro ngayon, pero alam nila na nagsusumikap ako para sa aming lahat.
I am a proud son to my parents. At alam ko proud din sila sa akin. Pero mas proud talaga ako sa Mama ko. Marahil hindi niyo pa alam, eh kapag kasama ko ang Mama at Papa ko para lang kaming magbabarkada niyan. Mag kasing tangkad lang kami ng Mama ko kaya kapag magkasama kami eh akala ng ibang tao magkapatid kami.
Proud ako sa Mama ko sa maraming dahilan. Isa siya sa mga avid fan ko. Alam niyo ba na lahat ng ginagawa ko sa buhay, suportado niya. kahit sa pagboblog ko eh suportado niya. Kaya nga nitong taon ng Saranggola Blog Awards ay sumali ako sa category ng PhotoBlog eh siya ang pinakamadaming na i-share sa facebook para lang ma LIKE lang ang picture ko. Akalain mo ba naman buong eskwelahan nila pinag share-ran niya nung page na yun para lang dumami likes ko. Mukhang siya ang makakatanggap ng Stage Mom Awards sa Kalabasa Award... Kung meron mang ganun sa SBA. Nyahaha...
Kaya kung ikaw hindi pa nag LIKE, heto ang LINK. Promote!!!
Mom, Thanks a lot!!!
Sabi ko nga yung Mama ko the best yan, hindi lang siya simpleng Nanay. Kung baga pa siya ay isang Tanging Ina. Kung si Ai-Ai sa pelikula ay ginawa ang lahat para sa mga anak niya. Ang Mama ko naman ay ganun din. Gusto niyo ng pruweba?
Pero bago ang lahat, nais ko sanang sabihin sa Mama ko na MAHAL NA MAHAL KITA. Hindi po ito panlalaglag sa tinatago mong talento kundi pagiging PROUD po ang tawag dito. Ibig sabihin nun kahit ano pa yang secret talents mo, ehh kitang kita namin na magaling ka talaga. Kaya, I LOVE YOU ng marami. At sana di ka magagalit sa mga ebidensyang nakalap ko. Hahaha...Mas talented ako kasi nahanap ko ang mga ito. Hahaha..
Exhibit A. Alam niyo ba na noong kabataan pa ng Nanay ko eh, pang Miss Universe ang katawan niya. Hinahanap ko yung larawan niya na sobrang payat at ang haba ng mga legs niya kaso di ko na makita. Pero sa mga kuha niya sa larawan ngayon ay kitang kita ang kanyang pagiging Beauty Queen.
Ebidensya #1 |
Exhibit B. Kapag walang pasok at hindi nagtuturo ang Mama ko sa paaralan, dancing naman ang tinuturo niya. Hahaha, joke lang! Pero isang magaling na dancer ang Mama ko. Kahit anong sayaw pa yan ginagawa niya for the sake of art. Siguro nakuha ko sa kanya ang galing sa pagsasayaw. Tingnan mo naman sa pose pa lang eh ready to make a move na. I love you Mama!
Ebidensiya #2 |
Exhibit C. Olympic Swimmer din siya. Tingnan mo naman ang ebidensya na picture sa baba.. Ready na ready at kapag naumpisahan nang tumalon...Go!
Ebidensiya # 3 |
Exhibit D. At higit sa lahat, Basketball Player ang Mama ko. Hindi niyo akalain no na sa payat niyang yan eh kayang niyang makipag sabayan kina Lebron at Kobe Bryant. Tingnan niyo naman sa position pa lang ehh panalo na. Galing diba?
Ebidensiya #4 |
Siguro ganun talaga pag guro ka noh, very flexible at very talented. Kitang kita naman sa Mama ko diba. Magaling na guro, mahusay na swimmer, basketball player at model at kung ano ano pa. Pero kahit may ibang career ang Mama ko eh, hindi pa rin talaga nawawala yung pinaka the best niyang role, ang maging mabuting Ina sa amin. Kaya kahit na ano pa din ang gagawin niya sa buhay susuportahan ko din siya gaya na lang nang pag suporta niya sa career ko. Wala na akong mahihiling pa kundi good health at sana wag mo pabayaan sarili mo. Hindi po birthday nang Mama ko kaya ko ginawa ang post na ito. Sadyang tuwang tuwa lang po talaga ako sa kanya at PROUD NA PROUD nga ako sa kanya..... Kulit!!!
ISANG MALAKING I LOVE YOU MOM!
mama's boy din ako eh. though maiksing panahon lang ang naspend ko with my mother. aga kasi siyang kinuha ni Lord. at ito'ng post na to, honestly, naiingit ako dahil wala na ko'ng mama. ang swerte mo!
ReplyDeleteAt dahil sa comment mo na ito.. napaluha mo ako. Kasi bigla ko na miss ang Mama ko ng sobra.. haayy..
DeleteAt natouch din ako sa sinabi.. Salamat..
Deleteayos! stage mom at nagpaprinig ka kay bernard na magkaroon ng ganyang award!! +)
ReplyDeleteang sarap makabasa ng mga blog post na patungkol sa mga nanay, minsan kase hindi natin nsasabi ng personal sa kanila kung gano sila kahalaga, pero sa mga simpleng post na ganito abot na abot abg mensahe hindi lang para sa kanya kundi pati sa iba pang mga readers!
cheers!!
Happy Mothers Day!! ^_^
Hahahaha.. oo nagpaparinig yan.. hahaha...Thanks Bon!
DeleteAng galing ng mom mo. :)Astig pati pagbablog mo suportado nya. Nakita ko din pala na shinare din ng mom ko ang SBA entry ko. Kakatuwa lang diba. Pag-usapang mama talaga nagiging emotional ako. Naalala ko din kasi ang mama ko. May kanya kanya tayong mom story. Mama's boy din ako. TUlad nyo para din kaming magbabarkada lang. May pinagmanahan ka pala xander. Astig ang mama mo :) I'm sure proud sya na may anak na tulad mo. :P
ReplyDeleteOo kahit ano nga suportado niya. Thanks a lot my friend.
Deletewow di ganyang ka active mom ko haha
ReplyDeletemama's boy din ako ever since and all i want is the best for her too
well ang mga nanay talaga iba iba man nagkakapareho pag dating sa pagiging ina sa kanilang mga anak nu
Super active yan promise.. hahahaha
DeleteNakakatuwa naman ang kwento mo about sa mother mo.... di ko maiwasan ang mapangiti habang binabasa..
ReplyDeleteIba talaga pag nanay na ang usapan... nakakatuwa ang relasyon nyo bilang mag ina...
salamat naman at napangiti ka ng post na to JonDmur..
Deleteawww.mama's boy din ako, and I'm not regretting it...cuz moms are our first girlfriend, dava? :D
ReplyDeleteTumpak!
Deleteang swerte ni Mama mo sayo kuya Xander!, ibang usapan nga naman kapag Mama na ang pinaguusapan. Sana mayaya ko rin si Mama ko na magbasketball, pero kahit hindi kasing galing ni Mama mo ang Mama ko sa basketball ko tulad mo sir mahal na mahal ko si Mama! Mabuhay tayong mga Mama's boy haha
ReplyDeleteSalamat Inong.. hehe Mabuhay!!
DeleteAsteg ni ermats! Natuwa ako dun sa basketbol, buti pa siya marunong! haha. Kung mababasa niya 'to [na posible dahil mukang adik siya sa fb], baka naiyak yun.
ReplyDeleteMabuhay ang mga nanay! XD
wahahah.. adik nga sa fb yun.. lahat ng post ko may comment siya wahaha...
DeleteI write and maintain a blog which I have entitled “Accordingtothebook” and I’d like to invite you to follow it. I’m your newest follower.
ReplyDeleteI write and maintain a blog which I have entitled “Accordingtothebook” and I’d like to invite you to follow it. I’m your newest follower.
ReplyDeletegaling ng mama mo! all the best! kahit saan andon! basketbolista pa si mader! hahaha kakatuwa! hindi man ganon yong mama ko pero iba rin ang trip non! hehehe but she already died, kung ano ako ngayon dahil din sa kanya! ganon lang!
ReplyDeleteTama ka dyan Lala... Dahil sa kanila kaya tayo naging ganito ngayon..
Deletewaaaah kainggit nmn mama mo ... ilove ur mom na! hehehhe ...
ReplyDeletehahahhaa.... love ka na din daw niya haha
Deletebilib ako kay mama mo at basketball player. hehehe. pero pinakabilib ako sa pagiging mama nya sa inyo ng mga kapatid mo.
ReplyDeleteI agree. salamat Earl
Deleteang cute cute ng mama mo! aliw! natuwa ako sa pag ba-basketball nya, daig pa ako :)
ReplyDeleteHahahah kaya nga ehh hahaha ang lupit
Deleteang sweet ng post na to. at tulad nila naaliw din ako sa mama mo nakakaloka marunong magbasketball ang mama mo hahaha
ReplyDeleteHahaha.. thanks!
Deleteamazing
ReplyDeleteThanks Milex
Deleteibang level si mommy. .. hehehe
ReplyDeleteIm a proud son too...
cheers para sa mga nanay nating kakaiba din ang trip sa buhay :)
choi mana kaayo ka sa imong mama.
ReplyDeleteKasweet na're! Followed you.
ReplyDelete